Chapter 25

78.4K 2K 100
                                    

CHAPTER 25

"NATAGPUANG PATAY ang isa sa mga bodyguard ng anak ni Governor Philip Valdez na si Cindy Valdez. Karumal-dumal ang pagpatay sa biktma. Natagpuan itong nakalambitin sa kisame ng bahay nito habang may kadena sa leeg. Putol ang dalawang kamay at dila at halos hindi na makilala ang mukha dahil sa natamong bugbog. Sa ngayon ay masugid ang pag-iimbestiga sa nasabing krimen at wala pang lead ang mga pulisya kung sino ang suspect."

"Kasalukuyan naming kinukuha ang panig ni Governor Valdez ngunit hiniling nito na manahimik muna habang inaalam pa ng mga pulisya kung ano ang puno't-dulo ng pagpatay sa isa sa mga tauhan ni Governor."

Ang pagpatay sa tauhan ng mga Valdez ang halos laman ng balita sa buong bansa. Nagkakagulo ang mga tao at medya. Kinukuwestiyon ng mga ito kung ano ang dahilan ng pagpatay sa isa sa mga tauhan ni Governor Valdez lalo pa't ito ang kauna-unahang beses na nangyari ang bagay na ito.

Pinatay ko ang telebisyon at tulalang napahawak sa tiyan ko. Natatandaan ko ang mukha ng lalaking iyon sa balita. Ito ang lalaking sumuntok sa sikmura ko tatlong araw na ang nakakalipas.

I decided not to tell Mommy and Tito Rendell about what happened three days ago. Ayokong mag-alala ang mga ito. Ang importante ay ligtas ang anak ko.

But I'm still worried. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakaligtas ako lalo pa't mainit si Cindy sa akin ngayon. Ako ang pinag-iinitan nito samantalang wala naman akong ginagawa. Nakuha na nga nito si Rein sa akin, ano pa ba ang gusto nito?

Huwag na nitong hihintaying ako ang kikilos dahil sisiguraduhin ko na pagsisisihan nito ang gagawin ko.

Sa ngayon, iniisip ko kung lalayo ba muna ako hanggang sa mailabas ko sa sinapupunan ang anak ko. I have to think of my baby's safety. Ayokong mapahamak na naman kami ulit pero hindi ako makapag-isip ng maayos kung saang lugar ako pupunta ng hindi nasusundan ni Cindy.

Marami itong alam tungkol sa akin at sa nakaraan namin ni Rein kaya siguro ganoon na lang ang mga naging aksyon nito. Marahil ay hindi nito matanggap na nakuha ko ang puso ng lalaking pinapangarap nito. At alam ko na hindi ako nito titigilan.

Hindi ako makakilos dahil iniisip ko ang kapakanan ni Mommy at Tito Rendell, pati na ang kapatid ko. Kapag ginalaw ko si Cindy ay babalikan ng ama nito ang pamilya ko. Ayoko ring humingi ng tulong sa mga Phoenix dahil ayokong idamay ang mga ito sa problema ko. Masyado ng maraming pinagdaanan ang bawat isa sa amin at ayoko ng dumagdag pa sa problema ng mga ito.

"Mom." Nilapitan ko si Mommy na abala sa pagdidilig ng mga halaman nito sa likod bahay.

"Bakit, anak? May kailangan ka ba? May masakit ba sa'yo?" Sunod-sunod na tanong nito.

Umiling ako at ngumiti.

"I just want to say that I'm planning to have a vacation until I gave birth to my child." Usal ko at niyakap ito.

"Hindi ko na muna sasabihin kung saang lugar ako mananatili but I'm sure that I'm gonna miss you. Don't worry about me. Kaya ko naman ang sarili ko. Babalik ako kaagad kapag nanganak na ako." Mahinang sambit ko.

Kailangan kong lumayo para sa kapakanan ng anak ko at para pansamantalang manahimik ang puso ko. Nawala na si Rein sa akin at ayokong pati ang anak ko ay mawala din. Ito na lang ang magandang alaala na iniwan nito sa akin. Ito ang pinakamagandang regalong binigay ng lalaking mahal ko.

Hinaplos ni Mommy ang likod ko.

"Anak, patawarin mo kami ni Tito Rendell mo, ha? Wala kaming magawa para sa-"

"Huwag na nating pag-usapan 'yan, Mommy. Nangyari na ang lahat at wala na tayong magagawa doon. Just promise me to keep safe, Mom." Mahinang usal ko at kumalas mula sa pagkakayakap ko dito.

Hinalikan ko ito sa pisngi bago tumalikod. Tinungo ko ang kuwarto at nagsimulang mag-impake. Aalis ako ngayong gabi at may kinausap na rin akong mga tao na magbabantay sa akin at sa mga tauhan ni Cindy para hindi ako masundan ng mga ito.

"Lalayo muna tayo baby, ha? Hindi ka papabayaan ni Mommy, promise." Nakangiting usal ko habang hinahaplos ang tiyan.

Balak kong manatili muna sa isang hotel para mas lalong mapag-isipan ang lugar na pupuntahan ko.

Nang masiguradong tulog na sina Mommy ay lumabas na ako. Nag-iwan lang ako ng maikling sulat para sa mga ito. Wala akong balak na kontakin sila sa paglayo ko dahil baka ma-trace ako. Basta't sinigurado ko sa kanila na magiging maayos lang ako at ang anak ko.

Nang makarating sa hotel ay kaagad akong nagpahinga sa inokupa kong kuwarto.

"Adrian, did you book me a ticket? Deliver it to me tomorrow morning, please. Thank you so much. Love you." Hindi ko na hinintay pa si Adrian na makasagot at kaagad kong pinatay ang tawag.

Ang sunod kong tinawagan ay si Destinee. She is Ryder's private nurse. Nalaman kong may bahay ito sa probinsya nito sa Bacolod kaya napagpasyahan kong doon manatili. Masaya ito nang sinabi kong doon ako mananatili sa probinsya nito.

Nakakahiya man sa pamilya nito ay balewala lang daw iyon sa dalaga. Ang tagal na kami nitong gustong ipasyal doon at tuwang-tuwa ito nang sinabi kong doon ako mananatili.

Gusto din naman daw nitong magbakasyon at magpakalayo-layo mula sa amo nitong ubod ng sungit na si Ryder.

Napangiti na lang ako habang panay ang reklamo at hinaing nito tungkol sa ugali ng amo nito. Kahit ako ay aminado na may pagka-masungit talaga si Ryder. Misteryoso din itong tao at ni minsan ay hindi ko pa itong nakitang ngumiti. Natural na ugali na siguro nito iyon at mas lalo lang itong nagiging masungit kapag si Destinee ang kausap nito.

Nang matapos naming mag-usap ni Destinee ay nahiga ako sa malambot na kama.

Napabangon ako sa higaan nang marinig ang mahinang katok mula sa labas. Nagtaka ako at naisip na baka isa iyon sa mga staffs ng hotel. Baka may nakalimutan silang ibigay sa akin.

Tinungo ko ang pinto at binuksan iyon. At bago pa man ako makapagsalita ay may tumakip na sa bibig ko at dumilim ang paningin ko.

To be continued...

A/N: Sarreh, short update only. I have to sleep muna.😘

Phoenix Series #6: My Heartbeat(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon