Chapter 4

88K 2.3K 182
                                    

CHAPTER 4

NAPAKISLOT ako nang maramdaman ang marahang pagdampi ng isang malambot na labi sa labi ko.

It feels soft and real. Nagmulat ako ng mga mata at napatingin sa lalaking nakayakap sa akin. Himbing na himbing ito sa pagtulog.

May humalik sa akin. Nanaginip ba ako? But really feels real. Ramdam na ramdam ko iyon.

Napatingin ako sa driver's seat. Wala na si Edsel doon at nakaparada na rin ang kotse. Nakita ko ang malaking bahay nang mapatingin ako sa harap. Mukhang nasa Tagaytay na kami at mukhang hindi nag-abala si Edsel na gisingin kami.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Rein. Napatitig ako sa guwapong mukha nito. Ngayon ko na lang ulit itong napagmasdan ng malapitan.

Ang kinis ng mukha nito na parang hindi ito lalaki. Dinaig pa ang kinis ng balat ko. Napaka-tangos ng ilong nito at makakapal ang kilay na nababagay sa seryosong mukha nito. Hindi naman ito ganoon kaseryoso dati. Noon ay palagi itong nakangiti sa akin pero ngayon ay nakangiti na lang ito kapag mga kaibigan namin ang kaharap nito.

Pinagmasdan ko ang ang pilik-mata nito na medyo makakapal at mahahaba. Bumaba ang tingin ko sa mamula-mulang labi nito. At hindi ko pa rin makakalimutan kung paanong pinagsawaan ng labi nito ang labi ko noon. Lagi ako nitong pinanggigigilan na parang hindi ito makuntento sa iilang halik lang.

Napabuntong-hininga ako. Here I am again, bumabalik sa mga alaala ko ang nakaraan. Hindi ako nito niyon pinapatahimik. Samantalang itong lalaking 'to ay parang wala lang ang mga pinagsamahan namin noon. Tuluyan na nitong kinalimutan ang lahat.

Dahan-dahan akong gumalaw para makaalis sa mga bisig ni Rein. Pero nabigla ako nang humigpit ang pagkakayakap nito sa akin na tila takot itong pakawalan ako.

Nagmulat ito ng mga mata at nagsalubong ang paningin namin. Halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Parang hindi rin ako makahinga.

Nakipagtitigan ako sa binata at maging ito ay hindi inaalis ang tingin sa akin. Tila naghihintayan kami kung sino ang unang iiwas ng tingin. Halos walang kumukurap sa aming dalawa.

"L-Let go of me." Sambit ko nang hindi makatiis.

"Heart..." Anas nito.

Kumabog ng napakalakas ang puso ko sa narinig. Did he call me heart? It was his endearment for me before.

Ilang sandali lang ay ilang beses itong napakurap na tila nagising sa katotohanan. Bigla ako nitong binitawan at nag-iwas ng tingin.

Tumikhim ako at inalis ang kumot na nakabalabal sa katawan ko.

"Nandito na tayo." Kaswal na sambit ko at nauna ng bumaba sa kotse nito.

Narinig ko ang pagsunod nito pero dire-diretso na ako sa loob ng malaking bahay. At doon ay naabutan ko ang mga kasamahan namin na pinagkakaguluhan na si Jastin. Kinukumusta nila ito at maging si Rein ay nilapitan si Jastin para kausapin at nakisali kay Clyde at Edsel habang iniinis ng mga ito ang binata.

We stayed at Tagaytay the whole day. At sa pag-uwi namin ay hindi na sumama si Rein. He said that he have to stay for Jastin. Hindi pa ito nakakalakad ng maayos at dahil ito ang doktor ni Jastin ay kailangan nitong asikasuhin ng mabuti ang pasyente nito.

Inalok na ako ni Amber at Princess na sumakay sa iisang kotse. Si Princess ang driver at kami ni Amber ay nasa backseat lang. Si Edsel naman ay nakisakay na sa kotse ni Prince dahil hindi nito dinala ang sariling kotse para ipagmaneho kami ni Rein kanina.

"Ang tahimik mo." Puna ni Amber nang nasa biyahe na kami.

"I'm just sleepy." Tugon ko.

"Sleepy? Or namimiss mo lang siya? Ilang linggo mo din siyang hindi makikita." Tukso nito.

Phoenix Series #6: My Heartbeat(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon