Chapter 7

84.4K 2.3K 308
                                    

CHAPTER 7

Goodmorning!🤗💛💞😍😘

Enjoy reading!😘

NAPALINGON AKO sa nakaawang na pinto ng library nang marinig ang dalawang boses na nag-uusap. Boses iyon ni Rein at Tito Rendell.

Mukhang nagtatalo ang mag-ama.

Humakbang ako para lumayo dahil hindi ko ugaling makinig sa usapan ng iba pero natigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi ni Rein.

"Simula ng mawala si Mommy, pinatunayan ko ang sarili ko sa'yo, Dad. Alam kong kasalanan ko. Alam kong ako ang sinisisi mo pero hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para mapatawad mo ako? Hindi ako pabor sa gusto mo. Ano pa bang gusto mong gawin ko? Sinusunod ko lahat ng gusto mo at alam ko sa sarili ko na naging mabuting anak ako. But not this time, Dad. I am against this!" Matigas at mariin ang boses ng binata.

Napalunok ako sa narinig.

Rein never told me about her mom before. Nagbubukas ito ng usapan sa pamilya nito noon pero alam kong limitado lang ang mga iyon.

"Gagawin mo ang gusto ko sa ayaw o sa gusto mo, Rein. Matagal na nating pinag-usapan 'to. Ilang buwan na lang at matagal na kitang inihanda sa ganitong bagay. Hindi ka puwedeng umurong. Huwag na huwag mo akong ipapahiya." Narinig ko ang mariin na boses ni Tito Rendell.

"No, Dad. Hindi ako papayag sa gusto mo. Hilingin mo na sa'kin ang lahat huwag lang-"

Napapitlag ako nang marinig ang malakas na mura ni Tito Rendell at kasunod niyon ay ang malakas na pagkalabog mula sa library na kinaroroonan ng mga ito.

Parang natulos ako sa kinatatayuan at akmang aalis nang makitang lumabas si Rein mula sa library. Napatingin ako sa gilid ng labi nito nang makitang may sugat iyon at may konting dugo.

Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang pagkabigla sa mukha nito na kaagad naman nitong binawi.

"Kanina ka pa diyan?" Malamig na tanong nito.

Mabilis akong umiling.

"Kadarating ko lang." Pagsisinungaling ko.

Tumango ito at kapagkuwan ay may inabot sa akin. Isa iyong brown envelope.

"This is the adopment papers. Sa akin pinaasikaso ni Dad. Pirma mo na lang ang kulang para maging legal kang Sandoval." Anito habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Naikagat ko ang ibabang labi. Pumayag talaga itong gawin akong Sandoval? Wala ba talaga itong pakialam sa akin? Gusto talaga nitong maging legal kaming magkapatid?

Pinapamukha nito sa akin na wala itong pakialam at mukhang kailangan ko ding ipakita na hindi ako apektado sa naging desisyon nito.

Binuksan ko ang brown envelope at inilabas ang papel doon. Hinanap ko ang pangalan ko at kaagad iyong pinirmahan gamit ang ballpen na nakapaloob sa brown envelope.

Ni hindi na ako nag-abalang basahin ang nilalaman niyon at pasalampak ko iyong nilagay sa malapad na dibdib ng binata.

"Happy?" Puno ng sarkasmong tanong ko.

Nakita ko ang mahigpit na paghawak nito sa brown envelope.

"Very much happy. Welcome to our family. Isa ka ng ganap na Sandoval." He coldly said and walked away from me.

Naikuyom ko ang mga kamao nang makitang wala na ito. Nagmartsa ako papasok sa kuwarto at marahas na pinaghahagis ang mga unan doon. Nagpupuyos ako sa sobrang galit, inis at frustrasyon.

"I hate you! I hate you! I hate you!" Sigaw ko.

Buong araw akong nagkulong sa kuwarto. Sinabi ko kay Mommy na huwag akong istorbohin dahil gusto kong magpahinga. At nang medyo madilim na ay nagpaalam akong aalis. Hindi na nagtanong si Mommy at nakakapagtaka na hindi nito tinanong kung saan ako pupunta at mas lalong hindi ako pinaalalahanan na umuwi ng maaga.

Phoenix Series #6: My Heartbeat(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon