Chapter 8

86K 2.4K 462
                                    

CHAPTER 8

STOP IT, Sharmaine. Isaksak mo sa kukote mo na legal na kayong magkapatid.

Sa naisip ay bigla kong naitulak ang binata. Lumayo ako at inayos ang sarili.

"W-We're comitting a sin. Magkapatid tayo at hindi natin dapat ginagawa 'to." I murmured.

Pilit kong pinapakalma ang tibok ng puso ko.

Hindi ito umimik at iniwas ang tingin sa akin. Umayos ako ng upo at ikinabit ang seatbelt sa katawan ko.

"Sa susunod huwag kang umiinom ng nag-iisa. Look what you've got. That man hit you on your face." He gritted his teeth.

Mariin akong pumikit.

"Napapagod na ako, Rein." Napapagod na ako sa ganito.

"Ihahatid na kita sa bahay para makapagpahinga ka na." Tugon nito.

Mapait akong ngumiti at tumango.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito bago paandarin ang kotse nito. Wala akong imik at nanatiling nakapikit habang nasa biyahe kami.

Nang tumigil ang sasakyan nito ay napamulat ako at nabigla nang binuksan nito ang pinto ng kotse sa tabi ko. Hindi ko naramdamang lumabas ito o dahil malalim lang ang iniisip ko?

"T-Teka-" Hindi ako nito binigyan ng pagkakataong makatanggi. Basta na lang ako nitong binuhat at naglakad papasok ng bahay.

"M-Makikita tayo nina Mommy." Mahinang usal ko.

"Tulog na sila." Anito.

Walang kahirap-hirap na umakyat ito sa hagdan habang buhat-buhat ako. Dumiretso ito sa kuwarto ko at kaagad iyong isinara.

Maingat ako nitong pinaupo sa malambot kong kama at walang kibong iniwan ako. Napabuntong-hininga ako at nahiga. Pumikit ako.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto ko at ang paggalaw ng kama ko pero hindi na ako nag-abalang magmulat ng mga mata.

Naramdaman ko ang malamig na pagdampi ng malamig na bagay sa pisngi ko. Nang magmulat ako ng mga mata ay sinalubong ako ng abuhing mga mata ni Rein. Nakaupo ito sa tabi ko.

Bumalik ito. Pero sana ay bumalik din ito sa buhay ko. Hindi bilang kapatid kundi bilang lalaki na magmamahal sa akin katulad ng dati.

Napangiwi ako nang diniin nito sa pisngi ko ang hawak na cold compress.

"Masakit?" Mahinang tanong nito.

Sobra.

Umiling ako bilang tugon.

"Sharm..." Untag nito sa'kin.

"Bakit?"

Sandali ako nitong tinitigan. Nag-aalangan ito kung itutuloy ba ang gusto nitong sabihin base na rin sa ekpresyon ng mukha nito.

"Never mind." He sighed.

Hindi ako kumibo nang tumayo ito at kinumutan ako.

"Magpahinga ka na." Usal nito.

Tumango ako.

"Thank you for saving me." I murmured.

He nodded at me and leave my room.

Nang mga sumunod na araw ay palagi ng umuuwi si Rein sa bahay na ipinagtataka ko. Pero ipinagkibit-balikat ko na lamang ang araw-araw na pag-uwi nito sa bahay.

Hanggang sa dumating ang araw na pinaka-espesyal na araw para kay Krystal at Jastin. Sa wakas ay magpapakasal na ang dalawa at masaya ako para sa mga kaibigan ko. Pero naisip ko, sa aming mga babae ay ako na lang yata ang single. Maliban kay Amber na maagang nabalo dahil maagang kinuha ni Lord ang asawa nito.

Phoenix Series #6: My Heartbeat(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon