When I learned about me having weird dreams getting real, no words can explain how scared and afraid I am that time. Kasi malaki na ako, plus the fact that my father had met an accident in Cebu and yet I saw it on a freakin' blackboard!
Sabi ko, kaya siguro binubully ako dahil iba ako.
Or dahil feeling nila nagfefeeling lang ako na di nakakaintindi ng bisaya kahit dito naman na ako lumaki sa Mindanao plus Cebuano parents ko tho si mama lumaki sa Iligan.
Ewan ko sa mga bully na 'yun! Kasalanan ko bang yung pinsan kong nagbabantay sa'kin eh todo praktis sa Ingles tas kaming magkakapatid ang napagpraktisan?
Pero de, natatakot na talaga ako.
At dahil nga ako ang dakilang "panganay", iba ang kwarto ko. Medyo malaki sa isang 10-year old pero yaan na. Sina mama kasi mas gusto nila sa sala natutulog kasama ng dalawa kong kapatid na 6y/o at months y/o.
Si ateng pinsan ko naman sa kabilang kwarto.
Dahil nga natatakot ako, nagsimula din akong maging active sa church (Catholic) umaattend ako ng mga KsP (Kasaulugan sa Pulong) at mga bible sharing.
Nagpagawa rin ako ng altar sa kwarto ko pero table style lang talaga siya. Pwede siyang ma-transfer kung saan ko gusto.
Then one time, busy-busy-hang araw, nag-general cleaning kami. Ni re-arrange ko yung kwarto ko, nilabas ko halos lahat ng gamit sa kwarto doon sa sala. Nakalimutan ko na hindi ko naibalik ang altar sa kwarto.
So ayun naging habit ko na rin ang mag-pray every night at normal naman ang gabing iyon, or so I thought.
The next day, out of nowhere I told mama, "Ma, nanaginip ako kagabi. Si Jo (kapatid kong 6y/o) raw ang natutulog sa kwarto tapos may nagscratch malapit sa may ulo raw niya ma."
Panaginip lang naman diba? Kaso nasa 2nd floor ang bahay namin.
Pero mas nasobrahan ang takot ko nang makita ko kung gaano itinago ni mama ang pagkatakot sa mga mata niya that very moment sabay sabing, "Tabi ka sa amin sa pagtulog, mamaya."
Huhu.
BINABASA MO ANG
Glimpse of the Unknown (True Horror)
HorrorReal and raw. GLORY BE TO GOD! All Rights Reserved © MishiXi 2019