1. Katawan

101 20 12
                                    

Limang taon na ako sa panahong nangyari ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Limang taon na ako sa panahong nangyari ito.

Para sa akin, simpleng pag-uusap lamang ang nangyari sa amin ni mama. Well, more likely I am just blabbing, like a normal kid would do.

Alam naman nating lahat na "malikot" ang imahinasyon ng isang bata di ba? Kaya sa mga oras na ito, hindi ako pinapansin ni mama.

"Ma, uuwi daw ang katawan ni Ninong."

"Oo, uuwi si ninong mo sabi ni tita mo sa susunod na buwan."

"Iyong katawan niya ho ang uuwi."

Medyo natigilan si mama pero hindi na niya ako sinagot pa.

"Sino naman may sabi?" tanong ni papa.

"Napanaginipan ko lang po."

Kinabukasan, namulat ako sa pag-iiyak ni tita dahil may tumawag daw na embassy (dati di ko pa talaga naiintindihan) at iuuwi na daw ang "katawan" ni ninong. Inatake raw sa puso habang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ps. Wala talaga akong naiintindihan sa mga panahong ito, napag-usapan din naman ni mama 'to last week. Siya na rin ang nagpapaalala sa akin sa pangyayaring ito.

Glimpse of the Unknown (True Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon