17. Biktima

64 13 6
                                    

December 2012

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

December 2012.

One of the most memorable moments of my life. Ang panahon na ipinakilala na ako ni boyfriend (my now husband) sa family niya.

I knew them already, thru texts, calls, and social media pero this was the first time that I met them in person.

Ang na-meet kong family niya in person is 'yong mga kapatid ng papa niya at mga pinsan. Which happens to be living here in our city.

So ganito, niyaya niya ako na pumunta sa kanila in Christmas time but I said no because it is a family time. Iyon ang nakalakihan ko. So I said susunod ako sa 30.

Ang yabang ko pa noon eh. Akala mo hindi takot bumyahe ng mag-isa. Haha!

Pero kinaya ko naman. So I stopped in Davao because his sister, along with his brother & sister-in-law is staying there waiting for me para may kasama akong babyahe papunta sa kanila.

Hindi naman kalayuan, matiwasay naman ang byahe. 31 na kami nakarating sa kanila.

Pagdating ko sa kanila, nagmano ako sa parents niya pati sa lahat ng nandoon na tingin ko kaedaran ng parents niya, hindi ako FC ha? Lumaki lang talaga ako sa lugar na uso magmano sa lahat ng nakakatanda kahit di mo kilala as long as nariyan sa grupo, tapos his sister-in-laws keep on teasing me pati brothers niya. Welcome to the family daw. Parang tradisyon na raw sa kanila na kung sino iyong ipapakilala iyon ang pakakasalan.

Totoo naman dahil ako at iyong mga sister-in-laws at brother-in-law niya, kami lang daw ang ipinakilala personally, according to his parents.

After naming maghapunan, syempre usap-usap muna. Then nag ready na kaming matulog

Talagang naninibago ako. First time kong makatungtong sa lugar nila at medyo may kalumaan ang istilo ng bahay.

Mala-spaniards ang awrahan pero modernize naman sa first floor. Kaso, sa second floor naman kami matutulog.

Then there's this one guy na akala ko pinsan niya kasi di naman niya pinakilala talaga so I assumed nalang. Tingin siya ng tingin sa akin pero wala naman siyang ginawa.

Noong nandoon pa kami sa first floor, di ko siya masyadong iniintindi although creepy na talaga the way he looked at me.

Creepy in a sense na umabot sa kaibuturan ng pagkatao ko at hindi ako nilalayuan ni goosebumps. Every time I happened to looked at him staring at me, naninindigan talaga mga balahibo ko.

Pero I stayed silent about it.

Lahat ng girls at mga bata, we stayed sa second floor. Tapos tabi kami lahat sa sahig. Mag kutson naman at hindi naman ako maarte.

Ang mga boys naman nag-iinuman. He just texted me na kasama niya mga kapatid at papa niya which is confirmed by his mother (my now mother-in-law).

Iyong door nila sa second floor medyo mabigat. At kung itutulak mo kapag papasok ka, it will create a sound so malalaman mo talaga kung may darating.

So nag-pray na kami and humiga na. Ready to sleep.

Ako ang nasa gitna katabi ko ang bunsong kapatid ni hubby at mama niya. Namamahay ako, yes pero sa panahong iyon grabe na ang palpitations ko, di naman ako mahilig sa kape, but I remained silent. Nakiramdam ako.

Alam niyo naman ang pakiramdam kapag may nakatingin sayo?

So hinahanap ko pero nakahiga pa rin ako, I was even asked by L, his sister, kung sino hinahanap ko.

Sabi ko wala.

I think it's around 10pm na medyo patulog na talaga ako when I saw the same guy. Andoon sya sa bandang paa ko.

He is watching me. And it is really creepy but I saw something in him. His eyes were begging. Ang lungkot niyang tignan. So bumangon agad ako and realized ako nalang pala ang hindi pa natulog. I looked again where he was pero wala na. So assumed it was a nightmare at nakatulog lang ako.

But I was positive that I am awake the whole time.

Around 11:30pm, bumangon ang mother-in-law ko tapos nakita niyang hindi ako nakatulog, pinasama nalang niya ako sa baba para magready for new year tapos ginising niya rin ang iba naming kasama pati ang mga bata.

Ang mga lalaki, bumalik na rin sa bahay.

May handaan, fireworks at syempre chikahan. Then I ask my hubby kung nasaan na yung isang pinsan niya.

He was confused. Dahil naroon daw lahat sa kabila ang mga pinsan niya.

Okay. Nagduda na ako that time pero I prayed hard with my "huwag-naman-sana".

Mga 2pm, bumalik na kami sa taas para matulog tapos ang mga lalaki naman umalis uli, nag-inuman doon sa shop.

Hindi kalayuan sa bahay nila pero ang dilim lang kasi ng daan papunta doon.

Pabaling-baling na ako dahil mga may duda na ako sa lalaki pero hindi ko alam kung bakit. I texted him that I felt uneasy na talaga.

He replied, wag ko lang daw pansinin baka lolo lang daw niya. Napagtripan daw siguro ako.

Pero I saw his lolo's face in one of the pictures sa sala so I told him I was positive it wasn't.

Sa sobrang focus ko sa text, di ko namalayan na gising pa pala sister niya. Sobrang gulat ko when she asked, "sino ba topic niyo ni ingko(tawag sa kanya)?"

I replied, "kasi kanina..." and there he is again in front of me.

Pero this time, nanlamig na talaga ako, calling my husband's name.

It wasn't the first time but it was with a guy like him.

Iba na kasi.

May tumutulong dugo na sa mukha niya from his head tapos papalapit siya sa akin.

Feeling ko lumalaki ulo ko, naiyak na ako sa takot and still calling my husband.

Tumakbo ako patungo sa baba, plano ko talagang puntahan husband ko kasi siya lang ang alam kong makapagparelax sa akin that time.

Halos iposas na ako ni bunsong sister-in-law sa kaniya para hindi na ako tumakbo pero in my point of view, ang lalaki lang ang nakita kong sunod ng sunod sa akin.

Dumating na rin si husband at he asked for a rosary tapos he prayed over me.

Almost one hour din yun. Nakalma naman ako.

New year, 8am. Umalis na ako, nagsorry ako sa kanila. Shuta! Nakakahiyaaaaaaa!

Dahil mapadaan kami sa shop, bago kami makarating sa daan papuntang highway, narinig ko pa iyong pinag-usapan nila.

Lalaki. Medyo wavy ang buhok. Payat hindi katangkaran, di rin naman pandak. Ilan lang iyan sa mga natatandaan kong description nila. Dahil lumaki talaga ang ulo ko nang marinig ko ang mga katagang, "Iniwan lang riyan, pero taga-(lugar) daw yun. Pinatay tsaka ninakaw ang motor."

Glimpse of the Unknown (True Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon