This happened when I was in third year college, field trip namin somewhere down the road.
Doon kami nag-stay sa isang kilalang hotel na may paaralan at hospital.
So ganito, we are divided by four at dapat hindi kami magkahiwalay na apat.
Kasama ko sina J, R and L sa room.
Nauna kaming nahiga nina L and J, tapos si R may kausap thru phone doon sa labas.
So ganito, pagkapasok mo sa room namin, sa right side, andoon ang comfort room/bathroom. Tapos sa unahan naman iyong apat na kama, tig-dalawa magkabilaan. Tapos nasa bandang gitna ang maliit na TV. Bale ganito ang pwesto:
(TV)
(AKO) (L)
(R) (J)
(CR)
(DOOR)
So, dito kami nakaharap sa may tv kasi that time, nanonood si J tapos ako, tamang cellphone lang. Si L naman, naka-ob-ob sa kama. Siya rin ang unang nakatulog sa amin.
Narinig ko na may nagbukas ng cr tapos may naligo kasi nabukas talaga ang shower. So akala ko si R. Kasi nga nandito naman kaming tatlo.
Tapos nagtawanan pa kami ni J kasi nag-hum pa si R sa cr habang naliligo.
"Ah, kanta-kanta pa, oh." kantyaw pa ni J sa kaniya habang kausap ako.
Tapos biglang huminto. Pati iyong tunog ng shower. Tapos biglang pumasok si R, ganoon pa rin ang hitsura.
"Hindi ka naligo?" I asked.
"Huh? Katatapos ko lang makipag-usap kay nanay."
Nagkatinginan kami ni J, sabay sabing "tulog na tayo."
BINABASA MO ANG
Glimpse of the Unknown (True Horror)
HorrorReal and raw. GLORY BE TO GOD! All Rights Reserved © MishiXi 2019