So, I am a mother of two as of the moment but I had three pregnancies.
Nalaman ko na buntis ako sa pangalawa around Feb of 2017. I am so happy kasi pinag-usapan namin na ni husband, pinaghandaan namin talaga since 3 years old na ang panganay.
At may go signal na ako sa OBGYNE ko na pwede nang sundan since cesarean ako in my first born.
To make the story short, since I got pregnant, I always hear cats as early as 7pm sa bubong namin but no big deal, marami kaming pusa eh, halos babae pa.
Mga June, sabi no'ng midwife, kailangan ko magpa-untrasound kasi hindi niya mahanap using a doppler ang heartbeat ng baby.
Grabe iyak ko noon, pati principal ko umiiyak dahil awang-awa sa akin.
Tapos wala pang available na hospital na pwedeng mag-ultrasound. Next week pa, so imagine the agony I had for days.
Nang mapa-ultrasound na, okay naman pala. Parang nakatalikod lang kaya hindi mahanap ang heartbeat.
Around late July, biglang sumakit ang tiyan ko as in sobrang masakit so I was admitted, gastric ulcer daw.
10th of August, bigla akong nahilo habang nagkaklase so I asked my then practice teacher to take over. Nagrest lang ako saglit tapos balik klase ulit.
I was even asked by my husband that morning kung mag-du-duty ba ako dahil tingin niya I am groggy na parang lasing maglakad.
Tapos okay na ulit. So parang wala lang pero kinabukasan, hinawakan ni husband at ni panganay ang tiyan ko tapos doon ko napansin na bakit malambot? Kasi kapag preggy, hindi talaga malambot ang tiyan.
Nagpapanic ako that time kasi bakit? Tapos feeling ko mainit ako. As in, nilalagnat. Kaso walang thermometer sa bahay kaya paano ko malaman?
Aug. 12, Saturday.
Kami lang ng panganay ko, since may klase si husband.
Tapos around 9 am, sure na ako na may lagnat talaga ako dahil ang anak ko na mismo ang nagsabi na, "Ma, bakit init ka?"
So I called him tapos nagpadala ako sa hospital.
Doon nalaman na wala na pala ang bata. Fetal death, iyon ang term na sabi ng ob ko.
Tapos may pneumonia na ako at acute bronchitis. Dahil palason na daw iyon sa katawan ko kaya nagkalagnat na ako.
Tanggap ko naman na nawala siya dahil sa hypertension ko pero nang makauwi ako ng bahay, sinabihan ako ng kapitbahay namin na may tatlong aswang daw ang palaging nag-aabang sa bubong. And they were early as 9pm.
BINABASA MO ANG
Glimpse of the Unknown (True Horror)
HorrorReal and raw. GLORY BE TO GOD! All Rights Reserved © MishiXi 2019