'Wag kayong tatawa, kasi seryoso ako sa pamagat ko dito.
Sabi nila, kapag daw may napapanaginipan kang tao na alam mong wala na sa realidad or patay na huwag ka raw sumama kung inaaya ka nila.
Di ko alam kung totoo o hindi. So kayo na humusga. Kita tayo sa korte, char!
First yr hs ako sa panahong ito, mga around Febuary, two months after Bee's death. Ung blue baby kong pamangkin.
Actually, mas ate siya sa akin dahil 1991 siya pinanganak. Ako 1992.
Ang nangyari, class hours yun pero nasa bahay na rin ako dahil I am not feeling well kaya di ako pinapasok sa afternoon class. Pinauwi ako bes, hinatid ako ng mga kaklase ko. Yung school namin malapit lang sa amin kasi sa isang National HS ako nag-aaral sa unang yugto ng HS life ko before I was transferred into a private school.
Dami kong chika ano ba yan!
Balik na tayo, ayun nga feeling ko talaga matutumba ako kapag tatayo pa ako kaya sa labas ako (balkonahe) natutulog. Maganda naman ang hangin, sariwa at maaligamgam sa mukha.
Pero mabigat lang talaga iyong katawan ko lalo na ang ulo ko.
Sa panaginip ko, nakita ko sina ate H at Bee, masaya silang dalawa actually...
Ewan ko kung ano ang topic namin pero tawang tawa kaming tatlo tapos naglalaro daw kami ni Bee, si ate H daw sinusulsi yung project ko sa TLE. Pinamukha talaga sa akin na hindi ko pa natapos, ano ba yan.
Tapos si ate H daw biglang pagalit na tumayo at padabog na naglakad palayo sabay pagalit na nagsabing, "Bee! Bilisan mo riyan!"
Bumaling din sa akin si Bee na bigla ring nag-evolve, pagalit din niya akong hinila, "halika na nga!"
Sinabi ko pa nga, "Saglit, yung project ko."
Pero hinila niya talaga ako. Bilib nga ako sa sarili ko that time dahil feeling ko ang lakas niya, pero mas malakas ako dahil di niya ako nadala.
I am really into taking a step with her when a mosquito bites me.
In reality, defense mechanism may it be pero pinalo ko ang parte ng katawan ko na pinapak ng lamok then I woke up dahil doon at iyon din ang pagyugyog ni papa sa balikat ko.
That time kararating palang pala nila ni mama kasi nasabihan sila ni teacher (btw, may cp na sa mga panahong ito pero yung may antenna pa ganern), ang sabi ni mama nagmamadaling umakyat si papa sa hagdanan dahil iba raw ang iyak ko. Parang nag-mo-mourn daw ika nila.
Tapos nakita nilang grabe ang pagkaputla ko tapos hindi ako kumilos pero naiyak ako at nanginginig na. Then biglang palo daw isang kamay ko sa balikat ko sa kabila kaya ayun niyugyog ako ni papa.
Tapos malaman-laman ko na lang na mataas pala ang lagnat ko. 41.3°C ata or 42°C basta yun na yun.
So pinunasan nila ako ng maligamgam na tubig at pinainom ng paracetamol.
Pinakain din nila ako ng soup or pinainom ba? Chos! So sinabi ko yung napanaginipan ko.
Yung ginawa ni mama, punta agad sya ng simbahan at pinasali sa prayers sina late ate H at Bee. May 4pm mass kasi sa amin weekdays.
Tapos sinama nila talaga ako sa simbahan dahil natakot sila ako lang mag-isa eh. At pinapadasal nila ako doon sa may lalagyan ng mga kandila during birthdays ganoon, by God's grace bigla akong naging okay pagka-uwi namin.
Pero tinabihan pa rin ako ni mama while natulog tapos nilagyan nila ng rosary ang kamay ko.
Ps. I don't believe it was them. I believe it is the devil's doing.
BINABASA MO ANG
Glimpse of the Unknown (True Horror)
HorrorReal and raw. GLORY BE TO GOD! All Rights Reserved © MishiXi 2019