Panaginip ka nalang ba? O maging 'sang katotohanan na? Kinanta niya yan! Ahihi.
De, sryso na tayo, this happened when my then husband and I are still in a relationship na hindi seryosohan. Haha, yep. Naging kami lang kasi "feeling" namin magki-click kami, pero mas mukha kaming magbarkada until now, marami pa rin ang nagsasabi na hindi kami mukhang mag-asawa, siguro dahil mas nangingibabaw ang friendship, ganern.
Birthday 'to ng ex niya tapos ini-invite siya. Naalala ko iritang-irita ako kasi hiniram niya cellphone ko (nasira yung kanya) para macontact niya family niya tapos naghintay ako sa kanya para makuha cp ko. Ayun napalabis pala ang inuman. Pero honestly, no hurt feelings ako that he was with his ex that time. Mas nairita ako sa cp hahahaha.
So ayun, pauwi na sana ako pero nadaanan ko sila sa daan so pumara ako and i called him.
Hinatid niya ako. Pero umasta lang ako na wala lang, promise niya pa hindi na raw siya "susunod" kasi magno-noddles sila. Lakas ng tama na ih.
So wala lang ako that time.
But I did cry, kasi pwede naman niya itext yung classmate ko na "ate" namin, pero sabi niya nalowbat daw kasi nung binigay ko 2bars nalang, truth be told, deadbat yung cp ko.
Madali akong kausap kaya gora na. Kasi nga, di naman ako in love sa kanya that time, hindi big deal sa akin ang pakikipagsabayan niya sa barkada niya with ex.
Pero napanaginipan ko na sumunod talaga siya sa kanila doon tapos nag-uusap sila. Tapos may nakikipagbalikan sa kanila.
Kinabukasan, pinapunta ako ng auntie niya para magtutor sa pinsan niya after that, nagkausap kami.
So I told him what I did see & hear in my dream w/o telling him it was just thru a dream. Shock was evident talaga in his face.
Naalala ko pa sinabi ko sa kanya, "I know, di pa tayo seryosohan. Pero how can we give ourselves a chance to work out kung ganyanan? I did not force you to make a promise, di mo naman din pala gagawin. I tried myself to work for this, pero sabi ko nga dati, kung ayaw mo na, sabihin mo. Wag mo naman akong gawing tanga."
Hindi siya nagsalita pero nakita ko na may tumulong luha talaga doon sa paanan niya. I did not look at him btw. I'm hurt sa betrayal kasi when he said sorry, I know, tama lahat ng nasa panaginip ko. It was what really happened.
I stand & left him crying, it was indeed a sign for him that I will be leaving him. He knows how much I hate being betrayed.
Pero he begged, so sino ba naman ako para hindi siya bigyan ng second chance? Well, am glad i did. That was the moment when he (accrdng to him) realized he is already falling for me.
Sadly, the feeling's not mutual at that very moment tho.
BINABASA MO ANG
Glimpse of the Unknown (True Horror)
TerrorReal and raw. GLORY BE TO GOD! All Rights Reserved © MishiXi 2019