DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Every names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person's , living or dead are purely coincidental.
***
Prolouge
"Fel, saan ba tayo pupunta?" hinihingal niyang sabi habang nakakapit pa rin sa kamay ko.
"Just wait and see" sabi ko naman at patuloy pa rin ang panghihila sa kanya hanggang sa nakapunta na kami ng dalampasigan.
"Anong gagawin natin dito? Lalangoy?" nagtataka niyang sabi kaya tinawanan ko siya.
"Baliw, hindi tayo lalangoy dito. Alam mo naman na hindi ako marunong lumangoy diba? And I'm scared at fish remember?" nakapamewang kong sabi na ikinatahimik niya.
"Kaya tayo nandito dahil may importanteng sasabihin ako sayo" sabi ko pa na ikinangiti niya
"Why are you smiling? May nakakatawa ba sa sinabi ko?""No, it's not what you think" sabi niya at inaya akong umupo sa buhangin "I have something to tell you too. And I know this is the right time na tanungin ko na rin ang bagay na ito sayo"
Parang nagslow mo ang paligid ng tumitig siya saakin kaya nagiwas ako agad at tumingin nalang sa madilim at makislap na kalangitan.
"Ang ganda pala ng view dito" namamangha niyang sabi at mabilis na tumayo kaya gumaya rin ako.
"Syempre maganda yung nakadiscover eh" pacute kong sabi at pasimpleng tumingin sa kanya.
Should I tell him now?
"Look, that star is shining peacefully" nakangiti kong sabi na ikinatingala niya rin.
"Parang ikaw, kumikislap kislap ng mapayapa" pagbabanat naman niya na ikinamula ko.
"Should we start?" pagiiba ko. Grabe na kasi yung pagkabog ng dibdib ko eh.
"Sige, basta siguraduhin mong maganda din yang sasabihin mo ah kasi yung akin simple lang pero mahalaga" nakangiti niyang sabi kaya umiwas ako ulit.
My heart beats so fast, parang kinakabahan ako na ewan sa mga sasabihin niya. Akala ko ako lang ang may sasabihin sa kanya ngayon ngunit pareho lang pala kami.
"Ikaw muna ang mauna" sabi ko at nagcross arms.
"Ladies first right? Ikaw muna" natatawa niyang sabi na ikinainis ko ng onti. Onti lang naman.
"Hays, ganito nalang sabay nalang tayo" sabi ko kaya napaisip siya agad.
"Great idea, sabay tayong magbilang 1 to 3, game?" masaya niyang sabi kaya tumango ako agad.
"One"
"Two"
"Three..."
"......"
*bang!*
-
A/N: 2019 pa pala last update ko neto at nabaon nadin sa drafts🤣sayang kasi yung 10 chapter eh itutuloy ko ulit hehe. Hope you'll support this story till the end!
Thankyou and enjoy reading!~♡
YOU ARE READING
Who Is Mr. Unknown? (ONGOING)
RomanceWhat if that special person forgets you someday? Will you do something to make that person remembers you again? -