Pia.
Kinabukasan ay nagising ako ng dahil sa ingay na nadinig ko galing sa alarm ng phone ko. Dali dali kong dinismiss iyon dahil nagaalala ako na baka magising din nito si Ate Fel.
Kailangan niya pa ng sapat na pahinga dahil bilin din ito ng doktor sa kanya.
Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Napaka aliwalas nitong tignan. Ang matangos niyang ilong, mahabang pilik mata, at mapupulang labi. Maganda si Ate Fel kaso nga lang hindi siya masyado nagaayos ng sarili niya.
Gusto niya lang lagi na simple lang sya pagdating sa paningin ng iba. Madaming nanliligaw sa kanya pero walang pumasa kahit niisa dito. Study first daw muna kasi kami sabi nila Mom and Dad kaya ayon bantay sarado.
Speaking of Mom and Dad. Kailangan ko pala silang tawagan dahil ayaw nilang may ma missed silang pangyayari dito sa ospital.
Dali dali kong kinuha ang phone ko sa tabi ng hinihigaan namin ni Ate Fel at tinawagan sila Mom and Dad.
Ring....ring....ring....
"Hello Mom and Dad goodmorning po!" masiglang bati ko rito ngunit hininaan ko lamang ang aking boses para naman hindi ko madistorbo ang natutulog na si Ate Fel.
"Yes anak...buti napatawag ka. Kamusta kayo ni Ate Fel mo jan?" Mom is the one speaking.
"Ah yes Mom ayos lang kami dito. I'm glad that Ate Fel is doing good too" I look into Ate Fel's angelic face and then smile.
"That's good to hear my dear.." pagkasabi palang ni Mom dito ay masasabi kong masaya rin siya "Oh and I baked cookies! Mamaya bibisita kami ulit ng Dad mo jan para tanungin kung kailan ba madidischarge si Ate Fel mo. I know na you love cookies so I decided to bake right now"
"Thanks Mom! Me and Ate Fel will wait for you later and eat that cookies!"
"Yes dear..hindi rin kami makapagantay na bisitahin kayo jan. Right Hon?" sabi ni Mom sa kabilang linya. Narinig ko namang tumugon si Dad rito.
"Hmmm..." bigla akong napalingon sa likuran ko. It's ate Fel, she's starting to woke up.
"Is that Fel?" Sabi ni mom sa kabilang linya.
"Yes Mom wait lang po" paalam ko dito at nilapitan ate Fel.
"Goodmorning!" masayang bati ko rito. Napangiti din sya saakin at niyakap ako bigla.
"Goodmorning din Sissy..." *yawnss*
Ngumisi ako mukang inaantok pa siya.
"Kain na tayo? And oh!" Nakalimuta ko na nasa call pa pala kami ni Mom kaya dali dali kong inabot yung phone ko "Mom kakagising lang ni ate Fel!"
"Mom called you?" Sabi ni ate Fel kaya tumango ako at inabot sa kanya ang phone.
"Yes Mom goodmorning! Kakagising ko lang po hehe" nakangiti niyang sabi kaya napangiti din ako.
Di ko alam pero sa ngiti na iyon ay may nakikita akong pagkalungkot. Happiness can fade anytime.
Sa pagiisip ko ng kung ano ano ay biglang pumasok sa isip ko yung almusal. Hindi pa pala ako kumakain pati si ate Fel kaya napagdesisyunan ko munang magpaalam sa kanya saglit para kumuha ng mkakain namin sa Cafeteria.
Pagkapunta ko palang sa Cafeteria ay dumertso ako agad sa serving area. May nakareserve na kasi kaming almusal dito lalo na kapag may patient na naka assign.
Habang inaantay ko yung pinareserve namin ay naglibot libot muna ako ng tingin sa buong Cafeteria. Maganda ang loob sobrang linis, syempre dapat malinis talaga kasi may mga patient na kumakain dito.
YOU ARE READING
Who Is Mr. Unknown? (ONGOING)
RomanceWhat if that special person forgets you someday? Will you do something to make that person remembers you again? -