WHO 12

8 3 0
                                    

Fel.

"Dad kailan ba ako magdidischarged?" sambit ko habang ngumunguya ng cookies.

"Bukas na. Excited kana ba?" nakangiting sabi ni Dad kaya mabilis akong tumango.

"Sinong di maeexcite dun Dad? Ilang araw akong umabsent eh tapos walang labas labas" parang proud na sabi ko kaya nagsitawanan sila.

"Ano kayang nakakatawa dun? Ayun naman kasi talaga ang totoo eh" dagdag ko pa at nag pout na parang bata.

"Jusko ate pacute kapa jan eh. Gusto mo ba hanapin ko yung Aiden?"

Nasamid ako. What the heck Pia? Tinignan ko siya ng masama.

"Oh anak ayos kalang ba? Here drink some water" nagaalalang sabi ni Mom kaya tinanggap ko yung tubig at nilagok ito "Ikaw Pia don't tease your ate like that. At sino ba yang Aiden na yan?"
tawa tawa namang sabi ni Mom at tinignan ako ng panunukso na look.

Nagface palm nalang ako. Kahit kailan talaga magkakapareha silang nanunukso sakin.

"Kala ko ba Mom study first muna kami? Eh bakit inaasar mo ko" pagmamaktol ko.

"Hindi naman sa ganon anak" si Dad naman ang nagsalita "As long as na happy ka sa taong iyon at mahal niyo ang isa't isa ay walang problema yun samin ni Mom mo. Right hon?" baling ni Dad kay Mom na nakangiting tumango.

"Ehhh pano ako?" singit naman ni Pia.

"NO" deretso kong sagot "Hindi ka magboboyfriend"

"Ewan ko sayo ate" siya naman ang nagpout at nagcross arms.

Si Pia naman ang tinawanan namin.

*knock knock knock*

"Oh somebody's knocking" ani ni Mom at akmang tatayo ngunit inunahan ko siya.

"Ako na po Mom hehe"

Tinungo ko agad ang pintuan at pinagbuksan ang kumakatok. Nagulat ako dahil may yumakap saakin ng mahigpit.

"I miss youu!" si Zoe iyon at niyakap ko din siya pabalik. Pinagmasdan ko kung sino yung kasama niya. Si Liam.

Hindi nila nabanggit na pupunta sila ngayon.

Kumawala na kami sa pagkakayakap at hinarap ko si Zoe saakin.

"Hindi niyo sinabi na pupunta kayo ngayon. Hindi tuloy ako nakaready ng makakain"

"Ehh gusto namin masurprise ka eh. Diba kuya?" balin niya kay Liam na tumango din agad "At tsaka may dala kaming foods noh. Look!" inangat niya yung dala nyang plastic na may laman na box yata yun.

"Hello! I'm Pia kapatid ni Fel" singit naman ni Pia at nakipagshake hands agad kay Liam.

"Pia!" Bulong na sigaw ko pero narinig niya iyon.

Tinaasan niya lang ako ng isa niyang kilay at bumaling ulit kay Liam.

"Pasok muna kayo sa loob" pagaaya ko.

Pagkasara ko palang ng pinto ay nakita kong binati nila Mom and Dad sila Zoe. Si Pia naman panay dikit kay Liam. Jusko talaga tong babaita na ito. Yari talaga toh sakin.

"Hindi mo nabanggit saamin na may mga kaibigan ka pala aside kay Lei" banggit ni Dad. Biglang pumasok sa isip ko si Lei.

"Nagkakilala lang kami nung first day Dad. Kala ko nga masungit yan si Zoe eh pero akala kolang pala yun" ngisi ngisi kong sabi at tinanggal yung mga box sa plastik.

"Nako kala ko nga rin po masungit yan si Fel eh pero hindi naman pala." nakangiti namang sagot ni Zoe at bumaling kay Liam na kausap si Pia "Eto naman po pala si Liam kuya ko po"

Who Is Mr. Unknown? (ONGOING)Where stories live. Discover now