WHO 4

20 6 1
                                    

Fel.

"K-kuya mo yan?"

"Oo bakit?" nagtatakang sabi ni Zoe.

Kuya niya talaga. Paano naman kaya nagkaroon ng mala anghel na kapatid tong si shokoy? Sigurado kaya si Zoe na kapatid niya ito. Hindi ko matantsa eh pero sabagay pagdating nga man sa lalaki lahat maloko at manloloko.

"Ah wala wala, nice to meet you Liam" sabi ko at pilit syang nginitian.

Hanggang ngayon nakangisi padin tong si shokoy kaya sinamaan ko siya ng tingin at ibanalik ulit ang atensyon kay Zoe.

"Anong oras na?" pagiiba ko ng usapan

May wrist watch naman ako pero syempre kailangan maiba ang usapan. May shokoy kasi kaming kasama na sinisira ang araw ko dahil sa nakakamatay na ngisi na yan.

Tinignan ni Zoe yung wrist watch niya.

"9:54 na, akyat na tayo?" sabi niya at niligpit lahat ng kalat at dineretso ito sa basurahan.

"Una nadin ako, nice to meet you Feli" nakingiti niyang sabi at kinindatan ako ulit.

Kung hindi lang siya kapatid ni Zoe ay baka nasabihan ko na iyon ng hindi maganda. At ang lakas ng loob niyang tawagin akong Feli ah close ba kami? (¯―¯٥)

Ginantihan ko lang siya ng taray at nagiwas sa kanya ng tingin. Yung way talaga ng ngisi niya naiinis ako na hindi sa mapaliwanag na dahilan.

Nagpaalam nadin sa kanya si Zoe kaya nagyaya na akong bumalik ulit sa classroom. Umalis nadin kami sa field dahil wala na ring masyadong estyudante.

"Kailan kayo nagkakilala ni kuya Liam?" sabi niya sakin kaya nasamid ako "Ayos ka lang?" dagdag niya at hinimas himas pa ang likod ko.

"A-ayos lang ako, dalian na natin baka malate pa tayo sa next subject" pagiiba ko ng usapan na agad naman niyang ikinatango.

Sumunod naman siya agad kaya nagmadali kami sa paglalakad hanggang sa makapasok na kami sa room.

Nakahinga naman ako ng malalim ng madatnan na wala pa ang next teacher. Umupo na kami agad ni Zoe at nanahimik na parang wala lang nangyari.

Sakto naman dahil dumating na ang next subject teacher. Nagattendance muna siya bago magturo saamin pagkatapos isinulat ang panglan niya sa white board.

Mrs. Ofelia Dizon

Medyo kinakabahan ang karamihan sa kanya habang nagsusulat. Masasabi mo talagang masungit siya dahil sa patulis niyang kilay pero sa totoo lang mas gusto ko ang masungit at strikto na teacher dahil minsan sa kanila ka talaga natututo ng maayos.

Pagkatapos niyang magsulat ay nagpakilala siya at nagsimula ng magdiscuss saamin.

Madali lang naman ang diniscuss niya about lang sa 'Cyber Bullying'. Madami ang natamaan, karamihan kasi dito mga mahilig mangbully lalo na yung mga lalaki.

Pinagmasdan ko si Zoe na matyagang nakikinig. May gusto sana akong sabihin sa kanya kaso mamaya nalang siguro.

"Again, what is cyber bullying?" tanong niya saamin at tumingin sa kinaroroonan namin ni Zoe "You" turo niya kay Zoe "Anong pangalan ng katabi mo?"

Nagulat si Zoe sa kanya at pinagmasdan ako "Felisha Trinidad po"

"Okay Ms. Trinidad, what is cyber bullying again?" tanong niya saakin kaya tumayo ako.

I sigh "Cyberbullying and cyberharassment are also known as online bullying. It has become increasingly common, especially among teenagers. Cyberbullying is when someone, typically teens, bully or harass others on the internet, particularly on social media sites. Harmful bullying behavior can include posting rumors, threats, sexual remarks, a victims personal information or pejorative labels. Bullying or harassment can be identified by repeated behavior and an intent to harm. Victims may experience lower self-esteem, increased suicidal ideation, and a variety of negative emotional responses, including being scared, frustrated, angry, and depressed. " pagkatapos kong lahat sabihin yun ay nagpalakpakan ang lahat lalong lalo na si Zoe.

Who Is Mr. Unknown? (ONGOING)Where stories live. Discover now