Fel.
"So...ano yung itatanong mo?"
"Hmm?" wala sa sarili kong sabi.
"Lutang ka ata, ano ba yang iniisip mo? yung tungkol ba yan kanina?" sunod sunod niyang tanong na ikinalingon ko "Magkakilala ba kayo nung lalaki na yun?"
I sigh "First hindi siya yung iniisip ko, second hindi tungkol kanina yung iniisip ko, and lastly hindi kami magkakilala. Gets?" seryoso kong sabi at nagiwas ulit ng tingin.
"Osige, ganito nalang. Let's change the topic. Ano pala yung itatanong mo sakin?"
Napalingon ako sa sinabi niya at inalala kung ano ba yung tatanungin ko. Nakalimutan ko ah nalutang kasi ako eh (°▽°)
"Uhm right, about sa regalo na binigay mo sakin. Para saakin ba talaga yun o hindi?" sabi ko habang tutok na tinitigan siya. Base on his face, he's a bit nervous "And how did you know that my favorite band is Remiband?" dagdag ko pa.
He let a deep sigh "Actually, para sayo talaga yung regalo na yun at tungkol sa kung paano ko nalaman that your favorite band is Remiband....it's just because your sister told me"
"You mean, Pia?" malamang si Pia lang yun "Pero hindi agad agad nagpapakawala si Pia ng mga favorites ko sa iba" gulong gulo kong dagdag at napatitig sa kanya.
"Ahm-"
"Ma'am, Sir. Here's your order" singit naman ng waiter na ikinainis ko ng onti.
Juice colored....
"Bacon and mushroom pizza, two cucumber shake and one bucket of nuggets" sabi saamin ng waiter habang tinitignan yung receipt na nakalagay sa tray.
"Alright, thank you for serving" nakangiting sabi sa kanya ni Jack na ikinakilig naman niya.
"Always welcome sir and enjoy your stay" masaya niyang bati at umalis na.
Seriously? kung sino pa yung nagbayad ayun pa yung hindi pinansin?
Shampoo yun ah jusko kasi etong Jack kasi talaga gwapong gwapo sa sarili eh muka namang niyog.
"Let's eat" wala sa sarili kong sabi at kumuha na ng pagkain.
Pagkakuha ko pa lang ng pizza at nuggets ay agad ko itong nginuya. Alam kong nakakahiya tong ginagawa ko pero wala akong pakealam, basta ako kakain lang ako ng kakain hanggang sa mabusog ako.
Napansin ko na hindi pa kumukuha si Jack ng pagkain kaya napatigil ako sa pag-nguya.
"Bakit hindi ka pa kumukuha? you should ea-" napatigil ako sa pagsasalita ng napansin kong wala ng laman ang lahat ng box at buckets.
"Anak ng kuto-"pabulong kong sabi habang napatakip pa sa bibig.
"It's fine. I know you're starving" natatawa niyang sabi na ikinahiya at inis ko.
"No, I should orde-"
"Let's go" sabi niya habang hila hila ang kanan kong kamay.
Wait, this scene is familliar to me...
"Ah!" sigaw ko ng dahil sa pagkirot ng ulo ko. Parang may mga nagpaflash back na mga imahe sa paningin ko pero malabo lahat ng yun.
"Hey, are you alright?"
Magsasalita pa sana ako kaso onting onting nanlabo ang mga mata ko. Nakita kong pinagtitinginan kami ng mga tao ngunit may isang tao na nakaagaw ng atensyon ko bago pa man ako makapikit ng tuluyan.
Aiden....
-
"Bugs...saan ba tayo pupunta?" tanong kong sabi habang pinipilit alisin ang piring sa aking mata.
YOU ARE READING
Who Is Mr. Unknown? (ONGOING)
RomanceWhat if that special person forgets you someday? Will you do something to make that person remembers you again? -