WHO 15

28 1 0
                                    

Author's Note: Hello readers! Please let me know sa comment box kung naguguluhan kayo sa takbo ng story kasi ako feeling ko nagrarumble rumble yung nangyayari eh. Comment din kasi pag may time jok (ㆆ﹏ㆆ)

***

Fel.

Sweet Monday na at eto na kami ni Pia papunta na sa school. Ang sarap ng gising ko sana lang talaga walang panira ng araw ngayon dahil kung meron man ay baka makasakal ako ng wala sa oras. Ngayon na nga lang ako makakaattend ng klase ay may sisira agad hays.

"Ate Fel mamayang uwian sabay ako sayo ah? Gusto ko kasi makita si Liam eh" eto nanaman si Pia habang kinikilig. Umagang umaga naisip  agad si shokoy.

"Nako ikaw Pia maghunos dili ka ah. Kapag nalaman ko lang na may something na sainyo ng shokoy na yun ay malilintikan ka talaga saakin" pagbabanta ko dito habang dinuduro pa. Ako ang tumatayong Mama ni Pia pagdating sa lovelife kasi syempre bilang ate dapat mas strikto sa magulang.

"Grabe ka naman Ate Fel minsan na nga lang ako magkagusto ginaganyan mo pa ako" pinagkrus pa nito ang kanyang kamay at nag-pout.

Jusko eto nanaman ang teknik niya. Kailangan di ako maakit ng teknik na yan dahil lovelife ng sister ko ang nakataya dito. Shampoo kasing shokoy na yun bakit pinatulan pa itong kapatid ko. Masasakal ko talaga siya kapag nalaman ko lang na pinaglalaruan niya itong kapatid ko lalong lalo na kapag nalaman pa ni Chelsea. Nako nako talaga.

Biglang kumirot ang sintido ko. Onting onti ng nasisira ang Sweet Monday ko. Ang iniingatan at hiniling kong di masira ay masisira dahil sa mga pinagiisip ko.

"Ah basta Pia umayos kayo nung shokoy na yun ah"

"Oo naman Ate! Promise ko yan!" tuwang tuwa nitong sabi at niyakap pa ako "Thanks Ate Fel. You're the best!" dagdag pa nito.

Nadala nanaman ako jusko ka Fel *facepalm*

Nasa ganun lang kaming posisyon hanggang sa naka-arrive na kami sa school. Bumaba na kami ni Pia ng kotse at nagpasalamat kay Ryan.

"Mamaya Ate ah?" sambit ni Pia with matching puppy eyes pa. Wala na akong nagawa kundi tumango nalang. Talong talo na ako eh.

Nauna na si Pia saakin kaya ako nalang ang naiwan magisa. Tutungo na sana ako sa building namin ng biglang may bumangga saakin.

Ang lakas nung pagkakabangga at halos mapaupo ako sa damuhan. Narinig ko pa ang mga bulungan at tawanan sa paligid. Hindi ko na lamang iyon pinansin at agad agad na tumayo.

"Lampa ka pa din kahit kailan" si Chelsea iyon habang nakakrus pa ang kamay sa harapan ko. Tingnan ko lang siya at pinagpagan ang palda ko na nadikitan ng damo.

Ayokong sumabak sa gulo dahil tuluyan na talagang masisira ang araw ko. Akala ko ang tungkol lang sa pagkagusto ni Pia kay shokoy ang poproblemahin ko ngunit meron pa pala. Kung kakapitan ka nga naman talaga ng malas bakit ngayon pa.

"Magpapagpag ka nalang ba jan?" angas angas pa nitong sabi "Ang tapang mo nung first day ah? Bakit ngayon tumikom na yang bibig mo? Ms. Loser"

Sanay na sanay na syang tawagin akong loser. Akala niya ba ako padin yung Fel na kinakawawa nila noon?

Panget naman siguro kung tatahimik nalang ako dito. Kawawa naman itong hipon na kaharap ko kung magsasalita lang siya sa hangin hehe
o( ̄▽ ̄)d

"Parang hindi mo yata kasama yung nasungkit mo ah. Iniwan ka ulit?" nilagyan ko ito ng tonong pangaasar.

Napilitan lang tsigurong sumama sa kanya si shokoy nun dahil wala pa itong alam sa school. Siguro nitong mga nakaraang araw ay hindi na siya nito sinamahan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Who Is Mr. Unknown? (ONGOING)Where stories live. Discover now