WHO 10

13 3 0
                                    

Fel.

"Ate Fel, wala ka ba talagang balak matulog?" nagmamaktol na sabi ni Pia habang nagpapalit ng punda sa tabi ko "Anong oras na oh" turo niya pa sa wallclock.

"Matulog ka na kung gusto mo ng matulog. Inaantay mo pa kasi ako, eh di pa naman ako inaantok" pangaasar ko pa "Goodnight sissy" dagdag ko pa at hinalikan siya sa pisngi.

"Ano ba yan Ate Fel, hanggang ngayon ba talaga gusto mo pa ring halikan yung pisngi ko?" nandidiri niyang sabi at pinunasan yung pisngi niya gamit ang unan.

Dati gustong gusto ni Pia na hinahalikan ko siya sa pisngi bago matulog pero ngayon hindi na. Sabagay malaki naman din kasi siya kaya ganun.
(o;TωT)o

"It's a goodnight kiss, ayaw mo ba?" natatawa kong sabi at sinara yung librong binabasa ko.

"Bahala ka nga jan, basta ako matutulog na ako. Goodnight!" sabi niya at nagtaklob na ng kumot patalikod saakin.

This girl is so childish when I'm with her...*chuckles* ( ◕ω◕ )

Sinilip ko siya sa loob ng kumot at sakto naman na mahimbing na siyang natutulog kaya naisipan kong kunin ang phone ko at nagsimulang kunan siya ng pictures.

Nagpipigil akong tumawa habang pinagmamasdan ang maaliwalas niyang muka sa screen ko pero maya maya lang ay may narinig akong ingay mula sa bintana.

Biglang lumakas bigla ang tibok ng puso ko hanggang sa may nagpupumilit saaking tumayo at silipin kung anong meron dito.

As expected sumunod ako sa gusto ng paa ko pero dahan dahan lang ang paglapit ko hanggang sa makalapit na ako.

Dahan dahan kong hinawi ang kurtina at pagkabukas ko palang dun ay bigla akong nagulat.

"Meow" muni ng pusa kaya napasapo nalang ako sa noo ko at lumabas ng kwarto para tignan kung may kasama siya.

"Anong ginagawa mo dito miming?" bulong kong sabi sa kanya at hinaplos haplos ang malalambot na balahibo nito "Asan ang amo mo?"

"Meow" muni niya at nagmamadaling tumalon sa hita ko.

Napangiti nalang ako at pinagmasdan siya papalayo ngunit papasok na sana ako ulit ng kwarto ng may nahawakan ang palad ko.

Isang bracelet?

Sino naman ang maglalagay neto dito? Imposibleng sa pusa toh galing (?)

Susndan ko sana kung saan pumunta yung pusa kaso may humawak sa balikat ko.

"Ate, bakit gising ka padin?" inaantok na sabi ni Pia at kinusot kusot pa ang isa niyang mata.

"Ah wala nagmumuni muni lang ako saglit" pagpapalusot ko at hinawakan ng mahigpit yung bracelet.

"Kanino galing yan?" pagtataka niya doon sa hawak kong bracelet kaya tinago ko ito agad sa aking likod.

"W-wala toh, tara na sa loob" taranta kong sabi at hinila siya papasok sa kwarto.

Baka kasi mamaya pag-isipan ako ni Pia na nakipagkita ako mahirap na. Pero alam naman niyang galit ako sa pag-boyfriend kaya imposible.

Pagkapasok palang namin ay agad ko ng nilock ang pinto at inaya si Pia na maupo sa higaan ko.

Tinitigan ko siya ng mabuti na ikinataka niya.

"W-what? may ginawa ba akong mali?" deretso niyang tanong na ikinaiwas ko ng tingin.

"Nothing, naisip ko lang na bakit ka pa gumising eh anong oras na" seryoso kong sambit at nag-iling iling pa.

Tulog tulog kasi siya kanina tapos ilang minuto lang ang lumipas ay nagising siya agad.

"Uhm, bigla ko kasing naramdaman na wala ka na sa tabi ko kanina kaya bumangon ako para hanapin ka" wala sa sarili niyang sagot at humarap saakin.

Kinunutan ko lang siya ng noo kaya huminga siya ng malalim. Medyo nalulutang ako na ewan feeling ko kumakawala yung kalukuwa ng utak ko kung saan.

"Let's sleep nalang" maikli niyang sabi na akmang hihiga ako pero pinigilan ko iyon.

"Alam kong may sasabihin ka pa kaya sabihin mo na"

Hindi ko alam kung saan lumabas ang tanong na iyon galing sa bibig ko. Muka namang wala ng sasabihin si Pia dahil kung meron man ay baka sinabi na niya kanina pa pero how come na na nagtanong ako ng ganun? Nabubuang na yata ako or random ask lang?

"Wala na, tara na kasi tulog na tayo" pagpupumilit niya ulit kaya nagpahiga nalang ako at pinilit na ring matulog.

-

"Fel, I have a present gift for you sana magustuhan mo" nakangiting niyang sabi saakin at inabot ang isang paperbag.

"F-for me?" Namamangha kong sabi at onting onting inabot ang paperbag.

Bubuksan ko sana iyon ng bigla niya akong pinigilan.

"Before you open that, promise me one thing first"

"Okay" masaya kong tango at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"Don't ever forget me" pilit na ngiti niyang sabi "Okay?"

"I'll promise" tango ko dito habang matamis na nakangiti.

"Promise yan ah?" sabi niya naman na ikinatango ko ulit "Then you can open the present now!.."

Masaya kong kinuha ang laman ng paperbag na iyon at bumungad saakin ang isang box.

Tinignan ko muna siya at tsaka dali dali itong binuksan.

"Happy 8th Monthsary!" Bati niya saakin habang masaya kong hawak hawak ang bracelet na iyon.

"Happy 8th Monthsary too!" masaya kong sabi at mahigpit siyang niyakap.

Dahan dahan kumawala siya sa pagkakayakap saakin at marahan akong tinitigan "I love you" at onting onti niyang nilapit ang muka niya saakin...

-

Someone's POV

"Meow" muni saakin ng papalapit na pusa na si Yie.

"Natapos mo na ba ang inutos ko sayo?"  malambing kong tanong at hinaplos haplos ang malalambot nitong balahibo.

"Meow" tango niya naman.

Nginitian ko lang siya at marahang sumilip sa kwarto ni Fel.

I hope you could recognize that bracelet again, my Lola.

"Meow"

"Shh, wag ka masyadong maingay Yie baka magising natin bigla sila Fel" saway ko dito na parang magsasalita din ito pabalik.

Nilambing lambing lang ako ni Yie kaya binuhat ko nalang siya at dahang dahang umalis.

Baka kasi magising nanaman si Fel at mahuli pa ako at tsaka tapos naman na ang mission ko dahil nakuha niya ang bracelet na matagal ko ng tinatago mula noon.

Pinagmasdan ko ang hallway kung saan nandoon ang kwarto ni Fel.

Goodnight Lola.....

A/N: Lola (low-la)

(๑¯ω¯๑)

Who Is Mr. Unknown? (ONGOING)Where stories live. Discover now