Fel.
Buang...
Pinagmasdan ko lang silang dalawa hangga't sa makalayo na sila. Halata naman na diring diri kay Chelsea yung kasama niya palibhasa kasi mukang hipon jok.
Tinignan ko nalang yung wrist watch ko.
7:24 am
6 minutes nalang malelate nako kaya nagkaripas na ako ng takbo. Papepal kasing Chelsea na yun kung di lang ako dinaldal di sana kanina pako nasa room.
Halos magkarandarapa na ako sa hallway sa sobrang bilis ng takbo pero wala akong pakialam. First day ngayon, kailangan di ako masama agad sa mga late. Mahirap na baka paglinisin ako agad sa canteen.
Andito na ako sa hallway ng room naming mga seniors. Iniisa isa ko yung mga papel na nakapaskil at hinanap ang pangalan ko.
Sa unang papel di ko nahanap yung pangalan ko sa sunod naman hindi rin. Halos pinagtitinginan na ako ng mga students sa bawat room na dinadaanan ko kaya nakaramdam ako ng onting hiya.
Akala ko wala akong mapapasukan na room ngayon pero hindi naman pala dahil sa pinakahuling room ako naka-assign. Pakiramdam ko tuloy sa last section ako napunta.
Pumasok na ako sa room, wala pa namang teacher kaya naghanap agad ako ng vacant seat. Puro may nakaupo na yung nasa harapan at yung likod nalang ang hindi.
Nahagip ng mata ko ang babaeng mukang baguhan lang. Wala siyang katabi kaya tinabihan ko nalang siya.
Muka siyang seryoso pero hindi halata sa muka niyang maamo. Huminga muna ako ng malalim baka kasi bigla akong kagatin eh.
"Hi?" nakangiti kong sabi pero tinignan lang ako nito at tipid na nginitian.
Ehm....kokak
"Ms Trinidad? saan ka ba nakatingin?"
Nagulat nalang ako dahil biglang napatingin saakin lahat ng mga estyudante. Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala yung professor namin.
Nakaramdam ako ng hiya kaya napayuko nalang ako saglit at nagbaling ulit ng tingin sa professor namin.
"Sorry Mrs." ayun lang nasabi ko habang hiyang hiya parin.
"Oh right it's fine Ms. Trinidad, eyes on the board, walang titingin kung saan saan kundi sakin lamang" seyosong niyang sabi saamin kaya napaharap kaming lahat sa kanya.
Sana may matutunan kami Mrs.
"Welcome to International Christian University again students, so I'm your adviser Mrs. Helena Rogriguez teacher niyo rin in History, and tutal first day of school ngayon I like all of you to introduce yourselves here in front. Pero bago yun ipapakilala ko muna sa inyo ang new transferee, Ms. Zoe Montez" pagpapaliwanag niya kaya nagpalakpakan kami at pinagmasdan na tumayo yung transferee na katabi ko.
Seryoso lang yung muka niya hanggang sa makapunta siya sa harapan. Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita.
"Hi, my name is Zoe Montez your new classmate from Chuo University." ayun lang ang sinabi niya kaya nagpalakpakan kami agad.
Chuo University ang ganda ng school na iyon pero napaisip ako bakit kaya naisipan niyang lumipat?
Bago man siya makapunta dito sa kinaroroonan ko ay nginitian ko siya agad at binati.
-
Nakalipas ang ilang minuto ay nakapagintroduce na ang iba. Malapit na kaming tawagin dito sa likod kaya naghahanda na ang karamihan.
Medyo nakakausap ko na si Zoe pero di ganun katagal dahil parang nahihiya pa siya saakin. Halata lagi sa ekspresyon niya na may gusto siyang sabihin pero di niya malabas labas.
"Ok, thank you Mr. Daniel Donato you may take a sit now, and next is Ms. Felisha Trinidad" nagulat nalang ako bigla dahil may dalawa pa akong katabi pero di natawag.
Sumunod nalang ako agad, pumunta na ako sa harapan at huminga ng sobrang malalim.
"Hi, my name Felisha Trinidad but you can call me Feli for short. That's all nice to meet you" ayun lang ang sinabi ko at nagpalakpakan naman ang lahat.
Simple introduction lang para hindi masabihan ng pabida. Baka mamaya kasi kapag nag long speech ako dito ay baka makwento ko na buong buhay ko.
Dali dali akong pumunta sa upuan ko at nahagip ng mga mata ko ang malawak na ngiti ni Zoe.
Weird...
-
Natapos ang ilang oras ay break time na. Walang masyadong discussion dahil first day palang naman pero paniguradong kapag tumagal tagal na dadami na ang discussions.
Niyaya ko si Zoe na sumama saakin para malibot ko din siya dito sa buong campus namin. Pumayag naman siya agad kaya natuwa ako, akala ko kasi ayaw niya.
Nandito kami ngayon sa field, madami ring students dito kaya di ka talaga maboboring na maglibot libot ng tingin.
"Uy sorry kung napagalitan ka ng dahil saakin, akala ko kasi masungit ka eh" sabi niya saakin habang kumakain ng nova
"Ayos lang at tsaka madami na ring nagsabi sakin niyan, di ka nagiisa" nakangiti kong sabi sa kanya at inabutan siya ng mogu mogu.
Sanay na ako sa mukang masungit na yan ewan ko ba talaga kung bakit lagi akong napagkakamalan na ganun. Maayos naman anv kilay ko ah hindi naman mukang bundok na sobrang taas.
"Yung expression mo kasi kanina nung tumabi ka sakin para kang haggard na dracula" natatawa niyang sabi kaya tinignan ko siya ng creepy look "Joke lang, eto naman di mabiro"
Nagtawanan lang kami habang naglolokohan sa isa't isa. Hindi ko akalain na ganito pala kasaya kasama si Zoe, akala ko tahimik lang siya pagdating sa kalokohan pero nagkakamali ako.
"Uhm, Feli may papakilala ako sayo pero wait muna natin siya" sabi niya saakin habang nakangiti.
"Sure" maikli kong sabi at ginantihan rin siya ng ngiti. Sana naman babae din para masaya hehe.
-
Makalipas ang ilang minuto ay may papalapit na lalaki dito saamin. Nanlaki pa ang mata ko kung sino yun.
Yung kasama ni Chelsea kanina!
Di ako sigurado kung siya ba ang ipapakilala saakin ni Zoe pero nasagot iyon nung kinawayan siya ni Zoe pabalik.
"Ikaw nanaman?!" di makapaniwala kong sabi na ikinagulat ni Zoe.
Jusko po bakit sa dinami daming magiging kapatid ni Zoe eto pa talagang shokoy na ito? Isa to sa mga alagad ni Chelsea eh baka mamaya issue nanaman ako na inaagaw ko yung new boyfriend niya. Papalit palit ng boyfriend parang nagshoshopping lang ampeg kapag may nasukat na maganda may isusukat ulit na bago.
"Magkakilala na kayo? nice naman..." panunukso niya samin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Wala akong intensyon na kilalanin ang kuya mong shokoy noh" pagrereklamo ko. Iniripan ko pa yung shokoy.
Nakita ko pang tinawanan ako ng shokoy. Ang lakas ng loob niyang tawanan ako ah kung apakan ko kaya paa neto ng wala sa oras para matauhan?
"Uhm syempre joke lang yun hehe, Feli siya nga pala si Liam Montez, kuya ko"
-
YOU ARE READING
Who Is Mr. Unknown? (ONGOING)
RomanceWhat if that special person forgets you someday? Will you do something to make that person remembers you again? -