WHO 5

20 6 0
                                    

Fel.

Nandito na kami ngayon sa mall, kakarating lang namin. Nagpasundo ako kay Ryan na ihatid kami papunta dito at pumayag naman siya agad. Pinaalam niya nadin naman ako kila Mom and Dad kaya wala nakong dapat problemahin pa. Tinext ko na din si Pia na umuwi nadin agad kasi di ko muna siya sasabayan umuwi ngayon kaya pumayag nadin siya.

Naiilang padin ako sa ikinikilos netong kasama naming shokoy. Kanina pa siya nakangiti sa tuwing pinagmamasdan ako, kahit nung nasa kotse kami todo ngiti niya tapos hanggang ngayon? feeling ko tuloy may binabalak siyang kabaliwan.

Parang nabasa ni Zoe ang nasa isipan ko kaya tinignan niya kaming dalawa ng kuya niya habang nakakunot yung noo.

"May problema ba kayong dalawa?" nagtatakang sabi saamin ni Zoe at naglipat lipat ng tingin.

"Hindi ako yung may problema, yung kuya mo" wala sa mood kong sabi at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Inunahan ko na silang dalawa dahil ayoko ng makita pa ang pagmumuka ng shokoy na yun. Narinig kong may sinasabi si shokoy kay Zoe pero di ko na ito pinakinggan at nauna na sa paglalakad.

Balak muna naming pumunta sa Tea House para magpalamig lamig muna. Gusto kasi munang magpahinga ni Zoe kaya ayun ang naisipan kong tambayan. Madalas din kasi kami dito tumambay ni Pia sa tuwing gusto namin magbonding na dalawa.

Nauna na ako sa loob ng Tea House at pinagmasdan ang dalawa kong buntot. Nagtatawanan silang dalawa parang may pinaguusapan sila. Bigla akong nagiwas sa kanila baka kasi ako yung pinaguusapan nila.

Sinenyasan ko yung dalawa na antayin muna ako dun sa vacant seat na pang-apatan para antayin ako. Ako kasi ang manlilibre, syempre ako yung nagyaya eh.

"Goodafternoon Ms. Feli, what's your order for today?" masayang bati saakin nung cashier na si Loli.

Kilala niya ang pangalan ko dahil nga madalas kami dito at nasanay nadin siya saakin. Siya ang server dito sa Tea House dahil siya ang pinaka masipag.

"2 honeyjew and 1 wintermelon" masaya kong sabi sa kanya at muling pinagmasdan ang dalawa na hanggang ngayon ay nagkukwentuhan padin.

"2 honeyjew and 1 wintermelon will be serve in 7 minutes" masaya niyang sabi at kinuha ang aking bayad.

"Keep the change" sabi ko sa kanya na ikinagulat niya "Wag kang magalala bayad ko na din yan sa pagiging mabait mo saakin" dagdag ko pa at nakangiti.

Sinenyasahan ko na siyang uupo na ako kaya tumango naman siya agad. Papalapit palang ako sa upuan namin ay ang lawak nanaman ng ngiti ni shokoy.

Kailan ba siya titigil sa pagiging ganyan?

Hindi ko nalang siya pinansin at umupo nalang sa tabi ni Zoe. Kaharap ko si shokoy na hanggang ngayon nakangiti padin. Inirapan ko nalang siya at nagbaling nalang kay Zoe.

"Pagkatapos neto saan tayo?" sabi ko sa kanya na ikinalingon niya agad.

"Ewan ko, ikaw nagyaya eh syempre taga sunod lang kami. Diba kuya?" sabi niya at nginitian yung shokoy niyang kapatid.

Wala na akong sinagot pa kaya nanahimik nalang ako nagtingin tingin kung saan saan.

"Uh..nga pala, may papakilala kami sayo ni kuya, pero mamaya na kapag tapos na tayo dito" pagbabasag naman ni Zoe na todo ang kakangiti.

Ang lakas talaga ng pakiramdam ko na may pinaplano tong dalawang buntot ko ngayon, kanina pa kasi sila ngiti ng ngiti parang may pinaplanong kalokohan.

Hindi na talaga ako manghihinayang na magkapatid silang dalawa dahil ngayon palang nilalabas na nila kung anong magkaparehas sa ugali nila at ayun ang nakakabaliw nilang ngiti.

Who Is Mr. Unknown? (ONGOING)Where stories live. Discover now