Fel.
Wait, tama ba ang narinig ko?
"Ano ulit yung pangalan niya?" tanong ko kay Zoe na ikinalingon niya agad. Baka kasi nabingi lang ako.
"Jack Fuentes" walang emosyon niyang sabi habang seryoso pa ring nakatingin sa harapan.
So it's him.
"Okay, thankyou Mr. Fuentes. You may find your sit now" sabi sakanya ni Mrs. Helena kaya nginitian siya nito at naghanap na ng mauupuan.
"That guy looks familiar at me. Parang nakita ko na siya kung saan" bulong naman ni Zoe habang sinusundan niya ng tingin si Jack.
"What do you mean? He's just a transferee just like you" sabi ko sa kanya na ikinaharap niya.
"Well, nevermind" sabi niya at matipid na ngumiti.
-
Hours pass by ay nakatingin lang ako sa Jack Fuentes na yun. Lumilingon rin siya saakin at nginingitian ako.
Honestly, totoo nga ang sinabi saakin ni Pia na gwapo siya pero wala sa kanya ang ideal guy ko.
Plano ko siyang kausapin mamaya para pasalamatan doon sa binigay niya saakin na ticket ng Remiband. Kakausapin ko din si Zoe para sabihin na hindi muna ako sasabay sa kanya mamayang uwian.
Pero nakakapagtaka lang dahil pano ako nakilala ng Jack Fuentes na yan eh kakatransfer niya lang ngayon dito.
Something's wrong...
"Fe...li....sha!"
Para akong nilagyan ng maingay na speaker sa tenga ko ng dahil sa malakas na sigaw ni Zoe.
"Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko? kanina ka pa tulala jan sa Jack na yan ah. Crush mo?" sabi niya saakin pero walang kasamang panunukso iyon.
"Wala wala may iniisip lang" palusot ko na ikinatahimik niya naman "Oo nga pala, mamaya di muna ako makakasabay sayo kasi may pupuntahan lang ako saglit"
"Hmm, sige. Basta take care always at itext mo nalang ako kapag may kailangan ka" nakangiti niyang sabi na ikinangiti ko rin.
I didn't expect that Zoe will be a supportive friend to me.
-
Lunch break na pero hindi muna ako bumaba ng canteen. Susubukan ko kasing kausapin si Jack ngayon. Sakto naman kasi na kaming dalawa lang ang nagpaiwan sa classroom.
Tumayo ako at dahan dahang tumungo sa kinaroroonan niya. Medyo kinakabahan ako sa gagawin ko ngayon, parang may nagtutulak saakin na wag ko ng ituloy.
"Oh hey, Ms. beautiful may maitutulong ba ako?" sabi niya na ikinairita ko ng onti. Ayaw ko kasi sa mga taong mahilig mang-akit.
"Uh, can I talk to you?" sabi ko naman at kumuha ng upuan at iniharap ito sa kanya.
"Sure, is it about the gift?" sabi niya na ikinatigil ko "Well, kung nagtataka ka, saakin talaga galing yung regalo na yun. At tsaka kung napapaisip ka rin kung paano kita nakilala, it's because of your sister Pia" maaliwalas niyang paliwanag.
Naspeech-less ako sa mga sinabi niya at hinayaan ko siyang ituloy yun lahat.
"Nirereto ka niya saakin noon pa. Sabi niya kasi saakin na wala ka pang boyfriend kaya pumayag ako sa plano niya. And actually you're beautiful and I like you"
"Uhm...can you stop at that point? I came here in front of you to say thank you for giving me that kind of gift. And I'm going to ask you if you're free today" seryoso kong sabi na ikinailing niya.
YOU ARE READING
Who Is Mr. Unknown? (ONGOING)
RomanceWhat if that special person forgets you someday? Will you do something to make that person remembers you again? -