Fel.
"Fel! sigurado ka bang successful tong plano mo?" tuwang tuwang sabi ni Lei, bestfriend ko. Winawagayway niya ang mga lobo sa ere kaya natawa ako.
"Stop acting like a child. Hindi ka na bata" ayun ang lumabas sa bibig ko habang natatawa kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Bakit, hindi ba pwedeng naeexcite lang? ang hard mo naman sakin fel parang hindi moko bestfriend ah" sabi niya at hinampas hampas ako ng lobo.
"Hey..stop! biro lang haha!" natatawa kong sabi habang binablocked ang paghampas niya.
Napapaatras ako sa paghampas niya hanggang sa muntik ko ng mabangga yung cake. Tinignan ko si Lei, tumatawa siya so I got pissed off dumutdot ako ng onting icing at hinabol yun sa kanya.
Naghabulan kami sa buong bahay, naabot ko siya at napunasan ng icing kaya nainis din siya at ako naman ang hinabol niya.
"Fel!! humanda ka!!" sigaw niya habang hingal na hingal sa paghahabol. Tumigil siya saglit kaya tumigil din ako, humawak siya sa dibdib niya na akmang hinihingal.
"Hey ok ka lang?" sigaw ko habang pinagmamasdan padin siya. Nagalala ako bigla kaya nilapitan ko na siya agad.
"Hey---" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap. Juskong pakulo ito.
"Gochaa!!" nakangiti niyang sabi "Uto uto ka talaga kahit kailan" dagdag niya pa.
"Alam ko naman na nagkukunwari ka" palusot ko habang nakakulong padin sa yakap niya.
"No you don't. Bakit mo pa ako nilapitan kung alam mo din?" sabi naman niya habang binigyan ako ng nakakaasar na ngiti.
Hindi ko siya nasagot agad dahil alam kong talo nanaman ako. Pagdating kasi sa kalokohan ay automatic talo ako.
"Tara na baka dumating na si Pia" pagiiba ko ng usapan at pumayag naman siya agad.
It's Pia's birthday. Matagal na namin itong plinano nila mom and dad. Never pa kasi naming nasusurprise si Pia sa bawat birthday niya kaya hinihiling namin na magiging succesful na 'to.
Pia is my step-sister. Hindi man namin siya kadugo pero tinuri na namin siyang isang miyembro sa aming pamilya. Pinaampon lang siya kila mom and dad noon and I'm 2 yrs old at that time at si Pia naman ay sanggol palang. Mom and dad ask me if I want a baby sister at pumayag naman ako kasi hindi na pwedeng mabuntis pa si mom.
Hindi ako nagsisisi na inampon namin si Pia dahil parang kadugo nadin namin siya. Lumaki siyang mabait at masayahin.
"Fel, natawagan mo na ba si Pia?" tanong sakin ni mom at tumango naman ako agad.
Narinig namin na may paparating na kotse at alam naming si Pia na yun kaya tumahimik na kami at pinatay ko ang ilaw.
*Eeeenkkkkk*
I started to blow the confetti.
"Happy birthday Pia!" sabay sabay naming sabi na ikinagulat niya. Napatakip siya sa bibig niya kaya masaya namin siyang binati.
"OMG!" hindi siya mapakaniwala at napatapik pa ng bibig "Who planned this?" naiiyak niya pang sabi kaya hinila ko si mom and dad papalapit sa kanya.
"Kami!!" sabay sabay naming sabi habang malawak na nakangiti.
Tinignan ko pa sila mom and dad. Nakangiti din sila kaya nagkindatan kami. Succesful ang plano at nasurprise namin si Pia (=>ω<=)
"Thanks mom and dad and ate fel! I didn't expect na isu-surprise niyo ako. I love you so much! at especially sa lahat ng dumalo. Thank you sa pag-attend at pag-surprise" masaya niyang sabi kaya lahat ay nagwelcome sa kanya.
YOU ARE READING
Who Is Mr. Unknown? (ONGOING)
RomanceWhat if that special person forgets you someday? Will you do something to make that person remembers you again? -