WHO 2

45 7 1
                                    

Fel.

"Pfft, ticket lang pala kala ko kung ano na" walang emosyon niyang sabi at humiga ulit.

"Hay nako kung alam mo lang, kung saang saang website ako nagorder ng ticket nila pero niisa wala akong naorderan" sabi ko yun sa kanya with matching sungit sungit "At tsaka gusto kong malaman kung sino yung nagbigay neto" dagdag ko pa

Grabe sobrang saya ko ngayon, parang biglang nawala ang lahat ng inggit ko. I didn't expect that someone would give me this kind of gift, at tsaka imposible namang para kay Pia to eh di naman niya iniidolo yung Remiband.

I love listening to their music, feeling ko nasa heaven ako kapag pinapakinggan yung mga tugtog nila. Nakita ko na sila in person pero isang beses lang at di pa maayos yung pagkikita ko sa kanila kasi nasa pinakadulo kami napunta. Napakabagal kasi kumilos ni Pia nung time na yun kasi ayaw niya daw sumama kasi di siya interesado at di naman siya fan nun. Kahit hanggang ngayon pa ata di parin siya interasado.

"Hoi..." alog ko sa kanya habang nakatingin padin sa mahiwagang ticket

"Hmmm.." inaantok niyang sabi at tumalikod pa

"I know you're already tired. Goodnight sissy! And sweet dreams, sleep tight" malambig kong sabi at kinumutan siya.

Inayos naman na namin yung mga regalo at gift wrappers kaya wala ng dapat linisin pa. Lumabas na ako sa kwarto niya habang bitbit yung mga binigay niya sakin.

Umakyat ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. Inangat ko sa kisame yung ticket at nakangiti itong pinagmasdan.

Grabe, paano ko kaya papasalamatan yung nagbigay neto sakin?

VIP ang ticket na to kaya super lucky ko para magkaroon neto, at syempre hahanapin ko yung nagbigay neto para pasalamatan at bayaran siya.

Kinuha ko sa drawer yung phone ko at binuksan ito. Pinicturan ko yung ticket with watching peace sign pa then post post sa My Day.

Nakalipas ang ilang minuto ay may mga nagreact agad, karamihan sa kanila fan rin ng Remiband at yung iba naman mga schoolmates ko.

15 hearts

7 wow

9 sad

and

1 haha

Parang biglang kumulo ang dugo ko ng makita yung nag-haha na yun. Tinignan ko yung profile niya pero wala akong nakita kahit isa.

No post

Pano ko naman iaaccept yung mga ganito? kotse lang yung profile tapos wala pang post kahit isa? what the heck is going on with you Fel.

Bigla akong nairita kaya blinock ko nalang siya agad, paepal sya eh buti sana kung hineart nalang niya yung my day ko di sana friend niya pako eh wala hinaha niya talaga. Baka mamaya arabo pa yun o kung ano pa.

Ganyan ako kapag may friend na maloko lalo na ang pinagtawanan ay isa sa mga minamahal ko. KJ man ang tawagin niyo saakin or what ay aba ayos lang yun saakin as long as ang pinoprotect ko dito ay ang iniidolo ko.

Bumalik nalang ako sa newsfeed ko at nagiscroll-scroll. Ang daming mga nagpopost ng 'Back to school' kaya nagtaka ako.

Ano na bang petsa ngayon?..

-July 21, 2046 Sunday-


"Shems bukas na pala yung pasukan" bulong kong sabi at inipit sa journal ko yung ticket. Nakalimutan ko palang lagyan ito siguro bukas nalang o kaya kapag may time na ako ulit.

Pinatay ko muna yung lamp ko at tumingala sa kisame na puno ng florescent stars, feeling ko kasi nasa outer space ako kapag tumitingala ako dito bago matulog. Dinikit namin tong dalawa ni Pia, meron rin siyang ganito sa kwarto niya pero puro planets naman.

Onti onti na akong nakaramdam ng antok hanggang sa biglang nagdilim ang paningin ko.

-

"Bye mom and dad!" masayang bati namin ni Pia at niyakap sila

"Take care to school.." nakangiting sabi saamin ni mom kaya tumango kaming dalawa at kiniss ang cheeks nila

Bumusina na yung kotse namin sa labas kaya patakbo na kaming umalis at nagwave sa kanila.

First day of school nanaman, sana masaya na ang mangyari ngayon kumpara sa last year.

Umandar na kami agad kaya nagsuot na kami ng seatbelt. Medyo malayo layo ang school namin sa bahay kaya kailangan di kami malelate lalo na at first day ngayon.

Pinagmasdan ko si Pia na abalang magselfie, selfie lord kasi toh eh tinalo pako. Mas maangat ang confidence sakin ni Pia kesa sakin, madami kasi siyang sinasalihan na mga pageant simula nung bata pa kami noon. Famous din siya sa mga facebook, instagram etc. ewan ko nga kung bakit mas maangat pa ang bunso kesa sa panganay.

"Malapit na tayo" sabi saamin ni Ryan, driver namin.

Pinagmasdan ko yung itsura ng school, wala pading pinagbago pwera lang sa sinementuhan na daanan. Niready ko nalang yung bag ko at kinalabit si Pia na abala parin sa phone niya.

Magpapark na kami kaya tinanong na kami ni Ryan kung ayos na ba yung mga gamit namin. Pagkapark palang ng kotse ay agad na akong lumabas para makasimoy ng hangin. Ilang months din ang lumipas nung huling nakaramdam ako ng hangin dito.

I miss this place...

"Ate fel, una na ako ah malaki nadin naman na ako eh" sabi niya saakin kaya tumango naman ako agad

Alam ko naman na inaantay na siya ng mga barkada niya kaya pinauna ko na.

Nagpaalam na ako kay Ryan at nagpasalamat. Umalis na siya agad kaya naiwan akong magisa. Naglakad na ako papunta sa building B nandun kasi yung mga rooms ng mga senior at sa builng A naman ang mga junior kung saan nandun ang room ni Pia.

Naglakad lang akong magisa sa field hanggang sa building B. At habang naglalakad ako sa hallway ay may natanaw akong isang hipon na nakakapit sa stick.

Papalapit siya ng papalapit sa kinaroroonan ko pero di ko siya pinansin. Sawang sawa na akong kalabanin tong hipon na Chelsea dahil lagi naman siyang natatameme.

Hipon ang tawag ko sa kanya dahil alam niyo na maganda ang katawan ngunit hindi naman kagandahan. Super famous neto dito sa school itinuturi pa nga siyang queen ng lahat.

"Look who's here, long time no see Ms. Loser " sabi niya sakin at diniinan pa talaga ang salitang Ms. Loser. Tinarayan niya ako pero hindi ko ito pinansin.

Pinagmasdan ko nalang kung sino yung kasama niya, mukang bago lang siya dito o taga ibang building lang. Hindi ako sigurado kasi hindi ko siya nakikita na pakalat kalat dito sa school.

"Mukang may nasungkit nanaman ah" pangaasar ko na ikinainis niya. Nainis siya kasi totoo ang sinabi ko hehe.

"Inggit ka lang dahil wala ka paring jowa na katulad niya. Tara na nga babe baka malate tayo" hindi na niya pinansin ang sinabi ko at walang sinabing hinila yung lalaki

Akala naman niya maiinggit ako sa mga lalaking nasusungkit niya kung saan. Baka kung itaya ko lahat ng fictional kong asawa ay matahimik nalang siya? (ಥ_ಥ)。

Mukang pissed off nanaman ang hipon saakin kaya nagbelat ako patalikod sa kanya. KO nanaman siya saakin. Sabi ko sainyo laging tameme yan eh. Malakas lang yan kapag may back up.

Bago pa man sila makalayo ay bigla ulit akong tinignan nung lalaki at kinindatan.

-

Who Is Mr. Unknown? (ONGOING)Where stories live. Discover now