Chapter 2

41.6K 1.2K 904
                                    

Chapter 2

The One Where She Decided to Pee (Gatecrash)

"Safeguard ba ang gamit mong sabon sa bahay?" I asked Archean in the middle of the deafening silence inside his Maserati.

Sinulyapan niya ako, his brows are creased. Sa mukha niya pa lang ay alam ko nang hindi siya natutuwa sa itinanong ko. He was giving me a lowkey annoyed stare, para ngang gusto na niya akong sipain palabas ng sasakyan niya, e.

Baka mas bet niyang tanong ay 'yung 'Anong favorite mong number sa electric fan?'

"What? I'm just trying to start a conversation! Pakiramdam ko nga nasa backseat na ang holy spirit dahil para tayong nagdadasal sa katahimikan..." I said, crossing my arms on my chest. And I'm curious too, okay? Ang bango niya kasi.

"Oh, now it's my obligation to keep you entertained while I drive after you insisted that I drive you back to your place." Damn. That's a lot of emphasis.

"Ay so kailangangan may pagsumbat?" kunwari'y na hurt pa ako.

He didn't respond. He just slightly shook his head, rolling his eyeballs.

Tumaas ang dalawa kong kilay habang pinagmamasdan ko ang mga mata niyang naniningkit ang kanyang mga kilay na salubong. Bahagya ring naka-awang ang kanyang mga labi at bakas na bakas ang iritasyon sa kanyang mukha.

Instead of catching his contagious grumpiness, hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa habang tinitingnan siya.

Lalong lumalim ang pagkakunot nang kanyang noo at saka ako mabilis na sinulyapan.

"Hay, Mr. Archean... Why so sungit? Do you flirt like that?" I asked, a teasing laugh lingering in my voice.

I can't help it, hindi ko maimagine na makipag flirt itong si Archean. Nagkajowa na kaya 'to? Masungit pa siya sa babaeng may period, e.

Tumiim ang kanyang bagang habang iling-iling na ibinalik ang tingin sa daan.

"Nagkajowa ka na ba? Para ka kasing kulang sa lambing," humahagikgik kong sabi.

I was waiting for him to respond pero lalo lamang kumunot ang kanyang noo. Pinagmasdan ko siya habang may mga mapang-asar na ngisi pa ring naglalaro sa aking mga labi.

How would I make this grumpy man react? He's like the human version of Squidward! Well, a hot damn Squidward. Wait... Did I say hot?

Tumaas ang dalawa kong kilay nang mapansin kong may kinukuha siya sa kanyang bulsa gamit ang isa niyang kamay. Pinanood ko siya hanggang sa makuha na niya ang phone niya mula doon.

My brows furrowed when he stretched his firm and veiny arm, giving me phone without even looking at me. Diretso lang ang tingin niya sa daan.

"Huh? Gusto mo ng selfie ko?" Kunot noo kong tanong. Naguguluhan ako, hindi ko alam kung bakit iniaabot niya ang phone niya sa'kin.

Talagang itinigil niya pa ang sasakyan sa gitna ng kalsada! Baka selfie ko nga talaga ang gusto niya at iniisip niya na baka blurred ang makuha kong shot dahil naka-andar ang sasakyan kaya itinigil niya saglit.

Sinasabi ko na nga ba... Katulad ka rin ng mga lalaking baliw sa'kin, Archean Fibonacci. Pakipot ka pa.

"No. Use my phone to book yourself a cab. I can't stand your noise," he hiss through clenched teeth.

Napa-awang ang aking bibig sa kanya naging sagot.

I mean, seryoso ba siya sa gusto niyang ipagawa sa'kin? He really wants to kick me out of his car? Ridiculous!

Hearts Between The Pages (Heartwreck #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon