Venise's POV
Thank God. Weekend na.!!! Yehet Magdiwang!
Nakakalokang maging tutor ng ulupong na GGSS na yun. Tss
Uuwi muna ako sa bahay namin. Ah nakalimutan kong sabihin.
Pag school days sa boarding house ako natutulog at pag weekends umuuwi ako sa bahay.
Kawawa naman si Mommy walang kasama sa bahay baka mabaliw siya sa napakalaking bahay na yun. Mahirap na baka mawalan ulit ako ng mommy.
:(
Nagpaalam na ako kay kyla na uuwi ako kay mommy. Actually sanay na siyang ganun pero nagpapaalam parin ako.
Nung makarating ako sa bahay. Agad kong hinanap si Mommy. At nakita ko siya sa may garden.
"Mommy, andito na po ako! "
"Hi baby, Namiss kita! Parang sobrang busy mo naman ata at hindi ka manlang nakakatawag sa akin" malungkot ang pagkakasabi niya
"Mom, Busy lang po talaga ako. Actually, I have a good news po."
"Ano yun baby?"
"Yung school president po namin nag offer po siya ng scholarship pero sa isang condition, kailangan kong tulungan yung anak niya sa mga lessons niya, in short magiging tutor niya ako" - ako
Tss naalala ko na naman ang ulupong na un.
"Anak hindi mo naman kailangan ng scholarship kaya naman kitang pag aralin, para saan pa ang mga kinikita ko kung hindi ikaw ang gagastisan ko. " sabi niya
"Mommy, okay lang po. Gusto ko lang din po makatulong sa inyo. Napakabait niyo po sa akin kahit na hindi kayo ang tunay kong magulang. " -ako
" Anak, hindi man ako ang totoo mong magulang, anak padin kita. Pero kung gusto mong tanggapin yung offer ni Melanie sayo sige pumapayag na ako. " - sagot niya
" Thank you po mommy. Pero kilala niyo si Mam Melanie? " tanong ko
" Oo naman anak, taga diyan lang siya sa harap. And I met his son sa boutique ko dati. Nag ordet kasi ang mommy niya ng gown" sagot niya
O_O
" Oh! Ganun po ba. Buti pa siya nadadaan sa boutique niyo samantalang ako hindi. Haha"
"It's okay baby, Alam kong busy ka."
¤¤¤¤
Nagpaalam muna ako kay mommy na pupunta muna ako sa park maglalakadlakad.
"Ahhh! Namiss ko dito!"
"Ako namiss mo??"
"Ahy ulupong na GGSS !!!!" Napabalingkwas ako ng may narinig akong nagsalita .
"Ulupong na GGSS?? " Tanong niya
"Ikaw yun, sino pa nga ba?? At ano bang ginagawa mo dito ?"
"Bakit sayo ba tong park, at bawal ako dito???" Sabi niya
"Bakit sinabi ko bang bawal kang pumunta dito? Tinatanong ko kung anong ginagawa mo dito diba??" Sagot ko sa kanya.
"Wala naman. Namiss ko lang maglakadlakad dito eh ikaw?"
"Same."
"Tss. Gaya gaya"
"Sige mauna na ako. Bye! Enjoy ! Mag ingat ka maraming ulupong jan! " pagpapaalam ko
"Bye Panget! Madapa ka sana! " sagot niya
"You're such a Jerk!"
"I know"
Mark's POV
"Mommy! I'm here!"
-bati ko kay mom pag pasok ko sa bahay."Oh anak nandito ka na pala." -bungad ni mom
"No mom, wala ako dito, picture ko lang to." -pagbibiro ko
"Ikaw talaga, tara na nga dito at naghihintay na ang daddy mo at mga kapatid mo." Sabi niya
Tapos hinila na ako ni mom papasok sa sala.
And there I saw my sister and my dad at nandito din siya.
"Ate, Dad dumating na pala kayo? " tanong ko
"Hindi picture lang din namin to pinaka gwapo kong kapatid." -pagbibiro ni ate.
" Ate! Kaya gustong gusto kita e. I miss you! Pasalubong ko? " sabi ko habang tumabi ako sakanya
"Wala kang pasalubong. Inubos na ni Kent." Sabi ni ate
"Tsssss." - sagot ko
Nawalan na ako ng gana.
"Hindi parin ba kayo nagkakaayos? Almost 5years na yan ah." - ate
"Labas muna ako, magpapahangin lang." Pagpapaalam ko tapos lumabas na ng bahay
Narinig ko pang tinatawag ako ni mom at dad pero nagpatuloy pa din ako.
Saan nga ba ako pupunta.
Ah!
Sa park nalang.Naglakad na ako papunta sa park.
Nang makarating ako sa park nakita kong madami nang nagbago. Madami ng mga duyan sa playground. Hindi na to sira sira tulad ng dati.
Namiss ko dito. Naging masaya childhood ko dahil dito sa park na to.
Naalala ko tuloy yung iyakin kong kalaro dati. Si nene hahaha.
Nene lang alam kong pangalan niya e.Lagi kami magkalaro dati dito, lagi siyang nabubully kaya palagi din siyang umiiyak. Dati yun nung wala pa ako pero nung magkaibigan na kami lagi na siyang masigla.
Napapikit muna ako habang nilalanghap ang sariwang hangin.
"Ahhh! Namiss ko dito!" - sabi ng isang babae. Napamulat ako kasi familiar ang boses niya.
Sabi na e. Si panget lang pala
"Ako namiss mo??" -pagbibiro ko
"Ahy ulupong na GGSS !!!!" - nagulat pa niyang sabi
Wait
"Ulupong na GGSS?? " Tanong ko"Ikaw yun, sino pa nga ba?? At ano bang ginagawa mo dito ?" Sagot niya
"Bakit sayo ba tong park, at bawal ako dito???" Tanong ko
"Bakit sinabi ko bang bawal kang pumunta dito? Tinatanong ko kung anong ginagawa mo dito diba??" Sagot niya
Pulang pula yung mukha niya. Hahaha sarap talaga pagtripan nito
"Wala naman. Namiss ko lang maglakadlakad dito eh ikaw?" Sabi ko nalang
"Same." Matipid niyang sagot
"Tss. Gaya gaya" sabi ko naman
"Sige mauna na ako. Bye! Enjoy ! Mag ingat ka maraming ulupong jan! " pagpapaalam niya
"Bye Panget! Madapa ka sana! " sagot ko namna
"You're such a Jerk!" -huling hirit niya
"I know"
Gago talaga ako. Pero GWAPO parin.
Umupo ako sa isang bench duon at pumikit ulit.
Hayssss. Ayoko na bumalik sa bahay na yun.
Kapal kasi ng mukha ng lalaki na yun at nagpakita na naman.♡♡♥♥♥♡♡
Sana naman may babasa ng story ko. :))
-clairepitpit-
BINABASA MO ANG
Miss No Good (ONHOLD)
ParanormalIt takes one mistake to another. Hanggang saan ang mararating ng pagmamahalan na laging hinahadlangan ng pagkakataon? Ano ang kaya mong gawin para sa mga taong mahalaga sayo? Hanggang saan ka dadalhin ng galit? Nagmahal, nasaktan, bumangon "I'm no l...