Mark's POV
Anong sabi ko??
Nahuhulog ako sa kanya? As in minamahal?
Tsss. Oh come on??
Bakit ko ba nasabi yun? Grabe. Si panget mahal ko?
No way!!.
(Ay. Deny pa more) - author
Tsss.
Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.
Kung bakit araw araw gusto ko siyang makita, gusto ko laging inaasar siya well sa totoo lang ako naman ang laging napipikon.
Minsan pa nga kailangan ko pang magpapansin para lang mapansin niya ako.
Yung tao naman kasing yun, parang hindi babae.
Amazonang panget ata yun! Tss
Hindi man lang nagwagwapuhan sa maganda kong mukha. Wew
At sa totoo rin niyan, hindi naman talaga siya panget sa paningin ko eh. Kahit na lagi ko siyang tinatawag na panget.
Ang cute niya nga eh. Pinagmamasdan ko siya kanina habang tulog.
Hayyy. Ano bang nangyayari sa akin??
Mahal ko ba talaga siya??
I really don't know.
" Hoy !! Nakikinig ka ba??" Singhal niya
Bigla akong natauhan ng marinig ko siya
" Ah. Ano ulit un? "Tanong ko
" Wala ng inuulit sa taong bingi tsss" sabi niya
" Ano nga kasi yun? " tanong ko
" Wala nga " sagot niya
" Tss. Umuwi ka na nga! " sabi ko
" Kanina ko pa nga sinasabi yan. Hindi ko alam passcode nitong condo mo kaya hindi ako makalabas" sagot niya
" Ah yun ba yun?" Tanong ko
" Hindi siguro. Anong oras na po oh?. May klase pa tayo. "
"527646 yan ang passcode. Sige na baka ma late ka pa ng dahil sa akin" sabi ko
" Ok. Bye!" Sabi niya at lumabas na.
Napangiti ako bigla.
Hindi ko akalaing siya ang unang babaeng makakaapak dito sa condo ko.
*******
Venise's POV
Kay aga aga lutang yung mokong na yun. Tss
Sumakay na ako ng taxi at umalis.
Pagdating ko sa dorm. Mukhang may tao na sa loob.
Dahan dahan kong binuksan yung pinto para hindi mahalata ni Kyla na ngayon lang ako uuwi.
Sigurado kasi knockout pa yun kasi lasing.
Pagkabukas ko ng pinto, siya agad ang bumungad.
" Hmmmmmm?? Care to explain? " Sabi niya
" Pwede mamaya na? Ma lalate na po ako." Sana lumusot...
" Oh siya baka ako pa ang sisihin mo pag may namiss kang klase mo. "
Yes lumusot. !!
Sasabihin ko ba sa kanya yung totoo??
Eh malamang magagalit yun, baka itakwil ako nun. Si Mark pa naman yung 'inspiration' kuno niya.
BINABASA MO ANG
Miss No Good (ONHOLD)
ParanormalIt takes one mistake to another. Hanggang saan ang mararating ng pagmamahalan na laging hinahadlangan ng pagkakataon? Ano ang kaya mong gawin para sa mga taong mahalaga sayo? Hanggang saan ka dadalhin ng galit? Nagmahal, nasaktan, bumangon "I'm no l...