Kent's POV
Galit ba kayo sa akin??
Hindi ko kayo masisisi kung ganon.
Dahil pati ako galit sa sarili ko.
This is what I've got for not choosing her, for letting her go and for pushing her away.
Hatred.
Hanggang ngayon galit parin siya sa akin.
Kung alam niyo lang kung gaano kasakit para sa akin ang iwanan siya noon.
Kung gaano ko pinigilan ang sarili kong lapitan at yakapin siya.
Kung paano ko tiniis ang sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita ko siyang umiiyak na alam kong dahil iyon sa akin.
Mas pinili kong iwanan nalang siya dahil yun ang nararapat, dahil yun ang paraan para hindi siya mapahamak.
Mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sa kanya ng dahil sa akin, ng dahil siya ang mahal ko at hindi si Jasmin.
Flashback
"Kent! " tawag ni Jasmin
Hindi ko lang siya pinapansin.
"Kent ano ba pansinin mo naman ako!!!" Sigaw niya
" What???!" Singhal ko
" Bakit ba 'sniff'' ganyan ka 'sniff' sa akin??" Tanong niya
Nag iinarte na naman tong babaeng to. Nagpapaawa na naman. Tss. Hindi ba uubra sa akin yang pakulo niyang yan
" Because I hate you. One more thing, wag ka ngang lapit ng lapit sa akin! ganyan ka naba ka desperada ha Jasmin???" Sagot ko sa kanya
" When can you learn to like me Kent?? " Tanong niya
" Alam mo Jasmin. Hindi pinagaaralan ang ganyang bagay. Kusang nararamdaman yan. Tsaka your not my type!" sagot ko
Ganyan talaga ako sumagot sa kanya. Direct! Ayokong magsinungaling.
" Sabihin mo sa akin yung mga gusto mo so that I can change myself! " sabi niya
Tss. Baliw na siya.
" Kahit sabihin ko sa iyo, kahit baguhin mo pa yang sarili mo hindi parin kita magugustuhan dahil may gusto na akong iba. Ibang iba siya sayo. " sabi ko
Nanlaki pa ang mga mata niya sa narinig niya.
Eh sa si Venise ang gusto ko eh. Siya lang ang Mahal ko. I don't care kung siya pa ang pinakapanget sa paningin ng iba basta para sa akin maganda siya. Inside and out !
" What??? No, sinasabi mo lang yan para tumigil na ako." Sabi niya
" Yes. Sinasabi ko to para tumigil ka na. Dahil ayokong may nasasaktan ako. I love her. Siya lang ang mamahalin ko kaya tumigil ka na ! " sagot ko
" No !!! That's not true. !!" Sabi niya tsaka tumakbo paalis.
Grrrrrrr. That girl. Ano bang nakita niya sa akin at ako pa ang nagustuhan niya. Simula palang nung una hindi ko na gusto ang ugali niya. Masyado siyang papansin. Hindi naman ako naging mabait sa kanya ni minsan eh.
Lagi ko siyang tinataboy pero sobrang mapilit. Kaya lagi nalang akong tumatambay sa park eh.
Doon ko nakilala si Venise. She's so nice. Mabuti nalang at nasalo ko siya that time dahil kung hindi , baka nabagok na ang ulo niya sa malaking bato.
Isang bagay na nagustuhan ko sa kanya ay yung mata niya. Ewan ko kung bakit. Naattract ako bigla sa mata niya.
Kaya lang pagkatapos ng araw na iyon hindi na ako nakabalik pa sa park dahil isinama ako ni mommy sa Korea because of business.
Nung bumalik na kami malapit na rin ang pasukan kaya naging busy pa rin ako.
Tapos nakita ko siya ulit sa school. Sabi ko noon. Siya na talaga. Kahit nasa Korea ako nasasagi parin siya sa isip ko.
Kaya hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon para ligawan siya. Sobrang saya ko ng mapasagot ko siya.
I promised to myself na poprotektahan ko siya, aalagaan at mamahalin no matter what.
-----------
Ang hindi ko alam. Pinasundan pala ako no Jasmin simula noong nalaman niyang may gusto akong iba.
She found out about me and Venise.
" Bakit siya pa?!?" Tanong niya
" At bakit hindi?? Pwede ba Jasmin tigilan mo na ako kung ayaw mong ako na mismo ang lalayo sayo." Sagot ko
" Subukan mo." Sabi niya
Biglang nagbago ang ekspresyon niya. Her bitchy side na alam na alam ko.
" Alam mo kung ano ang makakaya kong gawin kay Venise. At hindi lang sa kanya pati narin si Mark" sabi niya
" What do you mean? " tanong ko
" Kung hindi mo hihiwalayan si Venise. Hindi lang siya ang mapapahamak, pati narin si Mark. Alam mo naman siguro kung gaano ka patay na patay yun sa akin diba? Kung hindi mo gagawin ang gusto ko parehas kong papahirapan ang mga taong mahal mo. " sabi niya
Natakot ako bigla. Kilala ko si Jasmin. Kaya niyang gawin ang lahat ng gugustuhin niya dahil isa siyang anak ng isang napakayamang negosyante.
Wala na akong naging choice. Oo, tawagin niyo akong duwag. Pero hindi ko kahit kailan ipapahamak ang mga taong mahal ko ng dahil lang sa akin.
Lumayo ako kay Venise at ginawa ang gusto ni Jasmin. Naging boyfriend ako ni Jasmin pero kahit kailan hindi ko siya minahal. Mas lalo lang lumalim yung galit ko sa kanya.
Ginawa kong magpanggap na sobra naming sweet kapag nakikita kami ng ibang tao dahil yun ang gusto niya.
Kahit na ang kapalit ay ang mapalayo ako sa mga taong mahal ko at magalit sila sa akin ng sobra.
End of flashback
Nagagalit pa ba kayo sa akin??
Kung akala nila sila lang ang nasasaktan at nahihirapan, mali sila. Kung meron sa amin ang lubos na nasaktan at nahirapan yun ay AKO.
Ngayon buo na ang loob ko.
Hindi na ako maduduwag pa. Ipaglalaban ko na ang mga dapat ipaglaban.
Kahit na masaktan ko pa ulit si Mark. Babawiin ko na si Venise.
Mapapatawad naman siguro ako ni Venise kapag narinig niya sa akin yung totoong nangyari diba?
Mamahalin naman siguro niya ulit ako dba??
♡♡♥♥♥♡♡
Waaaahhh!!! I hate Jasmin!!
Fight for love Kent!!!
Vote | Comment |Share
Happy reading !!
-clairepitpit-
BINABASA MO ANG
Miss No Good (ONHOLD)
ParanormalIt takes one mistake to another. Hanggang saan ang mararating ng pagmamahalan na laging hinahadlangan ng pagkakataon? Ano ang kaya mong gawin para sa mga taong mahalaga sayo? Hanggang saan ka dadalhin ng galit? Nagmahal, nasaktan, bumangon "I'm no l...
