Kyla's POV
Habang naglalakad ako pauwi. May narinig akong mga babae.
" Girl ano sasama ka ba??" Tanong nung isa sa kasama niya
" Saan ba tayo pupunta?" Sagot naman ng kasama niya
" Eh saan paba??
Eh di papanuorin si papa Mark. Narinig ko kasi, lagi daw silang tumutugtog sa isang bar" Sabi naman nung isa
Tumutugtog???
Dali dali akong lumapit sa mga yun.
" Saang bar???" Tanong ko
" Ahh. The Silencer ung pangalan nung bar. Malapit sa St. Bernadeth University." Sagot naman nung isa
" Thanks"
Sabi ko at nagmadali ng umuwi..
Kumakanta pala siya..
Ngayon ko lang nalaman yun ah.
Yayayain ko sana si Venise na sumama kaya lang hindi naman siya mahilig magpunta ng bar.
At maiinip lang yun..
Sumakay na ako sa taxi at nagpunta sa bar..
Pagpasok ko.
Andami namang tao.. grabe ganito ba talaga sila inaabangan..
Bakit kaya ang tagal. Nagwawala na ang mga babae dito sa harap ko..
Asan kaya si Mark. ???
Halos 30 minutes na kaming naghihintay ng sa wakas may lumabas din sa stage.
Wait. Parang si. Oo nga siya nga yun. Lauren ba?? Ah basta.
May hawak siyang gitara..
Bakit siya lang??
Asan ang prinsipe ko??
Tapos nagsalita siya.
"I'm sorry for the long wait. May nangyare lang na emergency kaya hindi nakarating si Mark.
Kaya ako nalang ang mag peperform."
Woah. Ano kayang emergency ang nangyari at hindi nakapunta si Mark?
Ok lang kaya siya.??
Sana.
" This song, I wrote this last week.
This dedicated to the girl that I love for a very long time.
Pero ni minsan hindi niya ako napansin dahil nakatuon lang ang pansin niya sa taong minamahal niya hanggang ngayon. "
Sabi niya.. Parang bigla akong nalungkot sa narinig ko..
Parang ramdam ko ung sakit na nararamdaman niya..
" The title is ' Ako nalang '
This is for you" sabi niya
Bakit nakatingin siya sa akin???
Parang may sinasabi ang mga mata niya.
Yung mga matang punong puno ng kalungkutan.
Bakit ganito??? Hindi ako mapakali.
Nagsimula na siyang kumanta.
Nakatingin lang ako sa kanya.
Parang punong puno ng pagsisisi ang lyrica ng kanta niya. At habang kinakanta niya ito ay ramdam mo ang lungkot sa boses niya.
Bakit na naman siya nakatingin sa akin. Bakit parang sa akin niya sinasabi ang mga ito
Baka naprapraning lang ako..
Assumera. Tsss
Ako nalang , Ako nalang
Mamahalin kita ng tunay at papahalagahan
Ano ba wag ka tumingin sa akin..
Napaka weird na nitong nararamdaman ko.
Bakit ganito???
Oa na ba?? Pero totoo weird na.
Wag na siya, Wag na siya
Iiyak ka lang sa kanya, may mahal na siyang iba.
Naalala ko si Mark. Oo nga iiyak at iiyak lang ako kay Mark dahil may mahal nga siyang iba.
Biglang tumulo na yung luha ko. Hindi ko na mapigilan..
Putekk. Ano ba nangyayari sa akin.??
Sa akin parin siya nakatingin.
Ngunit ngayon ay nasaan
Umiiyak ka na naman.
Hindi ko na kaya..
Tumakbo na ako palabas
Naiinis na ako sa sarili ko.
Bakit ba apektadong apektado ako sa kanta niya??
Bakit ba feeling ko kinakausap ako ng mga lyrics niya???
Bakit ba ganito???
¤¤¤¤¤¤¤
Hindi ko na alam kung saan ako napadpad.
Hala ang dilim naman dito sa street na ito.
Wala man lang street light.
May lumapit sa aking apat na lalaki.
Waaaa!!!! Nakakatakot.
Tatakbi palang sana ako ng may humarang sa liko ko.
" What do you want??" Tanong ko.
" Wag ka mag alala miss. Mag eenjoy ka sa gagawin namin" sabi ng isa sa kanila
" Don't touch me!!" Sigaw ko sabay sampal sa humawak sa akin.
" Ganito yung mga type ko pare. Lumalaban" sabi niya
" Please. Don't do this" pagmamakaawa ko
" Nag eenglish pare. Mayaman ata to. " sabi naman nung isa
Lumapit na sa akin yung lalake.
Yakk. Kadiri naman ang itsura nito.
" Wag!!!!!!!!!" Sigaw ko ng naramdaman kong may pumupunit sa damit ko.
" Don't touch her!!!" May sumigaw
Hindi ko makita yung mukha niya.
Narinig ko nalang ang pagbagsak ng mga lalaking to.
Lumapit sa akin yung lalaki.
" Mark??"
Yung pangalang yun ang nabanggit ko..
♡♡♥♥♥♡♡
Grabe. Ako rin naiiyak. :(((
Abangan sa next chapter.
-clairepitpit
BINABASA MO ANG
Miss No Good (ONHOLD)
ParanormalIt takes one mistake to another. Hanggang saan ang mararating ng pagmamahalan na laging hinahadlangan ng pagkakataon? Ano ang kaya mong gawin para sa mga taong mahalaga sayo? Hanggang saan ka dadalhin ng galit? Nagmahal, nasaktan, bumangon "I'm no l...