Chapter 12 ( Flashback) Kyren

387 13 3
                                    

Lauren's POV

Akin naman tong chapter na to. Nakakarami na yang si Mark eh.

Peace pare !!

Nandito ako ngayon sa tambayan ko. Ako lang ang nakakaalam ng lugar na to dito sa school.

Ewan ko ba kung bakit ako napadpad dito. Haha

Napipikit ako bahagya ng may naalala ako.

Flashback

Hindi parin siya nagbabago.

Naalala ko nung elementary palang kami.

Talagang noon palang gustong gusto na niya si Mark.

Kaya lang hindi siya napapansin ni Mark dahil si Jasmin lang ang nakikita niya nung mga panahong yun.

Halos parehas nga lang kami ng sitwasyon eh.

Hindi siya napapansin ni Mark.
Hindi rin niya ako napapansin.

Saklap no??

Una ko palang siya makita nagustuhan ko na siya.

Grade 5 kami noon.

Lagi siya noong mag isa.
Mag isa siyang pumasok, kumain at umuwi.

Ayaw ba niyang makipagkaibigan o talagang hindi lang siya nakikisalamuha sa mga tao.?? Yun ang tanong ko sa sarili ko noon

Isang araw nakita kong binubuli siya ng mga ka klase naming lalaki.

Pinagpapasahan nila yung mga gamit niya.

"Akin na yan. Ano ba!" Sabi niya

" Ayoko nga . Abutin mo kung kaya mo. " sabi nung isa

Umiiyak na siya.

Lalapit na sana ako pero
.
.
.
.

Si Mark.
Naunahan niya ako.

Yun ang pinagsisihan ko sa lahat ng hindi ko nagawa.

Kung hindi ko na sana pinanuod yung ginagawa nila kay Kyla.

Ako sana ang nagtanggol sa kanya that time.

Baka ako yung minahal niya hindi si Mark.

Oo. Si Kyla de Jesus.
Ang babaeng pinakamamahal ko.

End of flashback

Hayyysss.

Magmula noon. Kung hindi ko kasama ang tropa. Tumatambay nalang ako sa isang lugar kung saan makakapag isa ako.

Kriingggg!! Kriingggg!!

Kinuha ko ang phone ko.

Calling Pareng Mark......

Sinagot ko naman.

" Bakit pare??. " tanong ko

" Dude asan ka na ?? Kanina pa kita hinihintay dito sa gym" singhal niya

Oo nga pala. Tsss.

Parang ayoko na ngang nagpupunta dun pag umaga. Dahil masasaktan lang ako.

Lagi kong napapansin na may nanonood saming maglaro.

Akala ko guniguni ko lang pag nakakarinig ako ng mahinang tili ng isang babae.

Until I found out na si Kyla pala un.

Nasaktan na naman ako.

Ilang beses ko siyang nakikita na panagmamasdan niya si Mark.

How I wish na sana ako rin.

Ewan ko ba kung bakit kahit ilang beses niya akong saktan. Hindi ko magawang kalimutan siya.

The last time I saw her watching him. She's hiding at the back of the bleacher.

Flashback again

Nilapitan ko siya.

"Huyy!"

"Ay putchang palaka!!! " -gulat na sabi niya

"Sorry miss. Nagulat ba kita??" Tanong ko kunwari

" Ay hindi siguro. Hindi ka nga sumigaw diba?? Kaya hindi mo ako nagulat ?? " Pamimilosopo niya

"Haha your funny!" Sabi ko

" Funny your face!" Sagot naman niya

She's still as cute as ever.

"So ikaw pala ang stalker ko. Bakit hindi ka nalang kasi magpakilala para hindi ka na nagtatago dito." Pagbibiro ko

"Correction! Hindi ako nagtatago dito. At isa pa hindi ikaw ang pinupunta ko dito. Bakit ikaw ba yung naglalaro duon? Ikaw ba yung pinagmamasdan ko ngayon?" Depensa niya

"Talaga? Di ka nagtatago dito? Eh tagong tago tong lugar na to dito sa gym. At OO ako ang pinagmamasdan mo ngayon. Eto nga o naka eye contact tayo. " pangagatwiran ko

Tapos bumalik ang tingin niya sa court. Papalapit na si Mark.

Tapos nakita ko namang naglalakad na din siya palayo

"Uy miss! San ka na pupunta? Huy ! Ako nga pala si  Lauren Gian Peralta!" Pagpapakilala ko

"I'm going to hell, you wanna come with me? At wala akong pakialam jan sa pangalan mong epal ka!!! Sagot niya

Hindi niya naalala :(
Ako to. Yung taong nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo.

Ako to. Yung handang ibigay sayo ang pagmamahal na nararapat para sa iyo.

Ako nalang Kyla.

:(

End of flashback

♡♡♥♥♥♡♡

I feel you Lauren:((

Magawan nga rin siya ng kanta. Haha

Laturrrsss.

There are silent readers.

Pakilala naman kayo oh. Paramdam din sa comment at vote.

-clairepitpit-

Miss No Good (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon