Chapter 33 ( Final decisions)

267 3 0
                                    

Mark's POV

Simula ng magkasagutan kami ni Venise. Hindi na kami muling nagkausap. Kapag nagkakasalubong kami ay lagi nalang niya akong iniiwasan.

Ok na rin yun para hindi ko siya masyadong masasaktan.

Oo masasaktan.

Sigurado na ako sa desisyon ko. Hahayaan ko na siyang mag aral sa Stanley. Ano pa nga bang magagawa ko pangarap niya yun eh.

Pero may isang bagay akong na realize.

Narealize ko na mahal ko parin pala si Jasmin.

Oo nararamdaman ko pa yun. Minahal ko nga siya noong hindi pa niya ako mahal ngayon pa kaya na sinabi na niyang mahal niya din ako.

Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Venise. Ayokong saktan siya dahil nakita ko kung gaano siya nasaktan nung iwanan siya ni Kuya.

Pero. Kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo.

" Lalim ng iniisip natin ah ! " - Mico

" Pare. Naguguluhan na ako. " sagot ko

" Saan?" Tanong niya

" Basta ! " sabi ko naman

" Is it about Venise? Or Jasmin ? Or should I say both??? " tanong niya

" Both. " sagot ko naman

" Hulaan ko. Mahal mo parin si Jasmin noh? At hindi mo alam kung sino ang pipiliin mo." Sabi niya

" Wow pare. Ilang words yun. " pagbibiro ko

" Tss. " sabi niya

Yan na naman ang signature niya. Haha Tsss.

" Your wrong. Actually I've already made my decision. Hindi ko lang masabi sabi kasi ayoko siyang masaktan. Ayoko man pero hindi yun maiiwasan. " sagot ko

" Is it still Jasmin? " tanong niya

" Uhmm. Yes " sabi ko

" Tss. One piece of advise pare. Pag isipan mo yan ng mabuti. Baka magkamali ka. Mapunta siya sa iba. Doon sa mas mag mamahal at magpapahalaga sa kanya. " sabi niya

" Nakapag isip na ako pare. Buo na yung loob ko. Si Jasmin parin talaga ang mahal ko. Siya parin! " sabi ko

" Tss "

Yun nalang ang nasabi niya tapos nilayasan na ako. Siraulo talaga yan. Susulpot na parang kabute tapos mawawala.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Papunta na ako sa parking lot nang makasalubong ko si Venise.

Tumingin ako sa kanya. Pero nag iwas lang siya ng tingin at nilagpasan na niya ako.

" Wait, Venise! " sabi ko

" What? " sabi niya

" Galit ka parin ba ? " tanong ko

" Oo. " sagot niya tapos tumakbo na siya

Haysss.

Siguro, tsaka ko nalang sasabihin.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Venise's POV

" Hoy bruha ! Ano plano mo? " tanong sa akin ni Kyla

" Bahala siya. " sabi ko

" Nako! Mahal mo pa ba ? " tanong niya

" Ano ba naman klaseng tanong yan bruu! Siyempre Oo! It's just that masakit parin ang loob ko sa ginawa niya. Tsaka I'm giving him time para makapag isip isip. " sagot ko

Miss No Good (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon