Mark's POV
Pag gising ko. Naramdaman kong may nakayakap sa akin.
Haha. Ang cute lang. Mukha kaming mag asawang magkayakap habang natutulog.
Niyakap ko nalang din siya. Wahahaha. Ewan ko ba kung bakit ang gaan gaan ng loob ko pag kasama siya.
Tss. Kahit lagi niya akong binabara.
Tumagal din siguro ng isang oras yung yakapan portion na yun bago siya nagising haha.
Ano kayang magiging reaction niya pag nakita niyang magkayakap kami?? Whahaha
" Good morning ! " bati ko sa kanya ng masigla
" Good morning din " bati din niya haha
Mukhang hindi pa to natatauhan hah.
Wait nga lang. Haha.
" Mukhang sarap na sarap ka sa yakap mo hah? " pagbibiro ko
Bigla siyang napabalingkwas ng marinig niya yung sinabi ko.
" Sinadya mo yun noh?? " tanong niya
" Wala akong kinalaman doon. Pag gising ko sarap na sarap ka sa pagyakap sa akin kaya hinayaan ko nalang." Sagot ko
" Waaaahhh!! This can't be happening. Wahhhhh!!!" Pagsisigawsigaw niya
" Well it happened. Diko naman alam na nangyayakap ka pala pag tulog " sabi ko
" Wahhhh! Di ko naman sinasadya eh. Bakit ba??" Sabi niya
" Haha. Ang cute mo pag bagong gising.
Mukha kang aso !!"
Pagbibiro ko ulit
" Gag* ka talaga. Ikaw nga ulupong eh. Tssss " sagot niya
" Tong mukhang to??? Ang pogi ko kahit tulog man o gising." Pagyayabang ko
" Tsss. GGSS overload!! " sabi niya
Tapos hinawakan niya yung noo ko.
" Kaya pala nakakapagyabang ka na ulit eh" dugtong niya
" Galing pala ng nurse ko " sabi ko tapos niyakap ko siya.
Whahaha. Trip ko lang siyang yakapin.
" Ikaw pala tong nangyayakap eh. Tss bahala ka nga dyan." Sabi niya sabay tayo niya at bumababa
Sinundan ko naman siya.
" San ka pupunta? " tanong ko
" Sa baba malamang. Hindi ka po ba nagugutom?? Kasi ako kagabi pa!!" Sagot niya
" Wala pang luto dyan." Sabi ko
" Alam ko. Kaya nga ako magluluto eh" sabi niya
Ipagluluto daw niya ako.
Sweet hah.
" Sweet mo naman." Sabi ko
" Bakit sinabi ko bang kakain ka ng lulutuin ko??' Sabi niya
" Ah ganun. Eh di wag kang magluto dyan. Hindi ka naman pala mag sha share. " utos ko
" Wala kang magagawa. Dahil sayo kaya hindi ako nakakain kagabi" sagot naman niya
Oo nga.
" Eh bakit kasi hindi ka kumain??" Tanong ko
" Tinatanong mo kung bakit? Eh dahil lang naman po sa tinawagan mo ako. Pagkatapos hindi ako pinauwi " sabi niya
" Sige na nga. Bahala ka jan. Manunuod nalang ako ng t.v" sabi ko
At iyon nagluto na nga siya. Tsss madamot.
Ang cute ng palabas Tom n Jerry. Haha nakakatuwa kasi sila .
Laging nag aaway. Parang kami lang ni panget.Mukhang tapos na siyang magluto ah. Bahala siya jan. D naman siya mamimigay eh.
Ang bango ng niluto niya. Natatakam tuloy ako. Ano kaya iyon.
Maya maya pa't lumapit siya sa akin.
" Ano mahal na prinsipe talagang hindi mo ako sasamahan doon at kumain??" Tanong niya
" Hindi na nakakahiya naman sayo bahay mo to e. " sagot ko
" Asus! May ganyan ka pang nalalaman. Alam kong natatakam ka na jan." Sabi niya
" Sino ako?? Tss" sabi ko
" Ok. Bahala ka jan. Ako nalang ang kakain ng niluto kong sinangag na may itlog at tapa. In short, Tapsilog . " sabi niya at tumungo na sa kusina.
Syempre hindi parin ako sumunod.
" Sarap naman nito" sabi ulit niya
Ano ba yan.
Tsss. Bahala na nagugutom na rin ako. Kahapon pa ako hindi kumakain.
Lumapit na ako sa kanya at umupo kaharap siya.
" Akala mo ikaw lang gutom. Kahapon pa ako hindi kumakain no." Sabi ko
" Alam ko. Kaya nga madami yang niluto ko eh. " sabi niya
" Akala mo naman papabayaan kitang magutom nalang. Paano kung mamatay ka? Eh di mawawala din yung scholarship ko." Sabi niya
" Di mo nalang sabihing nag aalala ka sa akin" sabi ko
" Asa ka! " sagot niya
" Tssss. " sabi ko
Kumain nalang kami ng kumain. Masarap nga yung luto niya.
Para lang kaming couple. Haha inaalagaan niya ako at ako naman.
.
.
.
. uhmm ano nga ba?
Nahuhulog na sa kanya???
©©©©©©©
Sakit na ng mata ko.
Sorry kung ito lang yung UD ko ngayon .
Happy reading!
-clairepitpit-
BINABASA MO ANG
Miss No Good (ONHOLD)
ParanormalneIt takes one mistake to another. Hanggang saan ang mararating ng pagmamahalan na laging hinahadlangan ng pagkakataon? Ano ang kaya mong gawin para sa mga taong mahalaga sayo? Hanggang saan ka dadalhin ng galit? Nagmahal, nasaktan, bumangon "I'm no l...