Chapter 20 ( Back off !)

332 11 0
                                    

Mark's POV

Pagkatapos naming mag usap ni panget ay niyaya ko na siyang pumasok sa room.

Bahala na kung maabutan namin si Kent doon.

" Ok ka na ba?? " tanong ko kay panget

" Buhay pa naman ako" sabi niya

Tsss. Ang kulit talaga.

Hinawakan ko ang kamay niya pagpasok namin sa room.

As usual pinag titinginan at pinag uusapan na naman kami.

Nung una inaalis niya pero hindi niya kinaya ang lakas ng kamay ko.

" Ano bang ginagawa mo?" Bulong niya

" Ipinapakita ko lang sa mahal kong kapatid ang pinakawalan niya" bulong ko sa kanya

Naramdaman kong napakapit siya ng kaunti sa kamay ko.

" Ok lang yan. Trust me " sabi ko

" Bahala ka sa buhay mo! " sabi niya

Malapit na kami sa upuan namin ng makita namin si Kent sa may bandang likod ng upuan ni panget.

Tsss. At doon pa talaga siya pumwesto.

Grrrrrrr

" Babe, ok ka na ba?? " sabi ko sa kanya

" Pang ilang beses mo na ba yang tinanong?? " sagot niya

" Oo nga. Hindi mo ako sinasagot ng matino eh. Nag aala lang naman ako sayo " sabi ko at tinignan ko siya ng sumakay-ka-nalang look.

" Ok na nga ako. Wag ka ng mag alala babe " sabi niya

Yun. Buti naman na gets niya. Nanlambot naman ako ng tawagin niya akong babe.

" Sabi ko kasi sayo wag no ng intindihin yung mga walang kwentang tao sa paligid mo. Baka mapatay ko pa yun pag umiyak ka ulit " sabi ko

Nilakasan ko ng konti, yung maririnig talaga ni Kent.

" Ok. I got it " sabi niya

" Ah. Venise, ikaw pala yung makakasama kong photographer sa event. " tanong ni Kent kay panget

" Unfortunately, wala naman akong magagawa. May isang salita kasi ako. " sagot ni panget

" Venise, can I talk to you after class? " tanong ulit ni Kent.

" Kailangan pa ba yun? Hindi ba pwedeng pabayaan mo na ako. I'm happy with my life now." sagot niya at hinawakan niya yung kamay ko.

O________O nagulat ako sa ginawa niya.

" Please. I need to talk to you ! " pangungulit naman ni Kent.

" Pwede ba? Hindi mo ba siya naintindihan? Back off! " ako na ang sumagot sa kanya

" Wag ka makialam dito bro! " sagot naman niya.

" Bakit hindi? She's my Girlfriend so she's mine. One more thing. Don't ever call me bro. ! " sabi ko naman

Halatang nagulat silang lahat sa sinabi ko. Dahil napatingin sila pati na din si panget.

"Totoo ba yun Venise? " tanong niya kay panget

Nag iisip pa si panget ng isasagot. Bigla siya tumingin sa akin.

Binigyan niya ako ng What-should-i-do look

Tumango nalang ako.

"  Paano kung sabihin kong oo, kami nga. May magagawa ka ba?" sagot niya

Wahhh. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Miss No Good (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon