Chapter 5 ( Intramural meet )

413 11 8
                                    

Venise's POV

Hayy. Intramural meet na naman. Nakakabanas lang ang mga ganitong event. Mas gugustuhin ko nalang mag stay sa bahay pag ganto. Kaso ngalang hindi pwede dahil may attendance.

Well, sumasali naman ako sa gantong event kaya lang hindi ballgames ang nilalaro ko. Chess haha. Eh sa dun ako magaling eh. Undefeated ako simula pa nung 1st year ako.

" Uy tara mga 4th year na daw ang naglalaro sa basketball" pag aaya ng isa kong classmate

" Sige susunod nalang ako" sagot ko naman.

"Ako sasama!" Masiglang sagot naman ni Kyla

"Sige bess. Una na kami sunod ka ha??" Dugtong niya

"Sige sige " Maikling sagot ko

Ano namang magandang papanuorin doon?? Tss

Pagkatapos kong iligpit ung mga gamit ko ay sumunod na ako sa gymnasium.

"Oh bess nandito ka na pala? " tanong ni kyla

" Ay hindi picture ko lang to!" Sarkastikong sagot ko.

"Paano mo ko mapapansin eh halos matunay na yang tinititigan mo" dugtong ko.

"Ano ka ba  , manuod ka na ngalang!"

At tumahimik na ako.

Grabe ha hindi man lang pinag bibigyan ng mga 4th year yang mga grade 8.

As usual nagpapasikat na naman kasi ang GGSS.

Kaya ayokong panuorin sila eh. Lagi namang ganyan ang nangyayari.

Makaalis na nga. Nakakaumay!

(Calling all the Chess players from 7th grade to 4th year, You may now proceed to the computer lab 3. )

Ay laban na agad.. parang last year pang second day pa kami ah..

Dumaretso na ako sa com lab.

After several games. I'm still undefeated. Grabe pero nahirapan ako dun sa Grade 9 ah..

After nang game pumunta muna akong canteen. Sino ba namang hindi magutom sa sunod sunod na laban. Tss

"Ahh. Ate tatlo nga pong burger tsaka isang iced tea" sabi ko sa tindera

" Ok maam. Yun lang po ba?" Tanong niya

"Ah opo. " sagot ko naman.

Ahemmm! 

" Bakit? Ano na namang problema mong ulupong ka?" Pagtataray ko sa kanya

"Wala naman panget! Tumabi ka nga jan at bibili di ako!" Sagot naman niya

"Wala pa po ung order ko." Sarkastikong sagot ko

"Maam eto na po ung order niyo. Tatlong burger at isang iced tea. 125 pesos po lahat." Sabi sa akin ng tindera

" Thank you po. Ito po ang bayad." Sabi ko naman sa kanya

Pagkaabot ko ng bayad ay umalis na ako at naghanap ng upuan.

Habang kumakain ako. May umupo sa may harapan ko. At kilala niyo na kung sino un. Tsss. Ano bang problema nito sa akin. Lagi nalang akong binibwiset.

Nakatingin naman sa amin ang ibang mga studyante dito sa canteen.

"Ang gwapo talaga ni papa Mark" -sabi nung isang bading

Ay dito lang pala sa GGSS na to nakatingin.

For sure mas lalong lumalaki yung ulo nito. At aakalaing sobrang pogi talaga niya.
Pwe!

"Bakit hindi ka nanuod ng game namin kanina? " tanong niya sa akin

"Uy bakla kinakausap ni Mark si Venice o yung panget"
narinig kong sabi nung kasama nung bading

Sarap bugbugin ng mga to. Oo na ako na panget ang gaganda niyo ah.

"Ay oo nga bakla, magugunaw na ba ang mundo maygashh em gene deyyy. Bakit sa panget pa na yan nakikipagusap si Papa Mark e nandito naman ang dyosa." -sagot naman nung bading

Aba sumusobra na tong mga to ah.
Nilapag ko muna yung kinakain ko. Burger ko dyan ka muna at may tatapusin lang akong buhay charot lang.

Pero bago pa man ako makapagsalita eh sumingit na naman tong nasa harap ko.

"Ano? Bakit nga?" tanong niya ulit

" At bakit naman ako manunuod aber? Puro lang naman kayabangan ang mapapanuod ko dun." Deretsang sagot ko.

"Di ka manlang sumuporta sa mga kapwa mong 4th year. Ang panget mo na nga, ang panget pa ng ugali mo" sabi naman niya

"Oo na! Ako na ang panget, inaamin ko naman e. Eh ikaw? Hindi ka naman kasing pogi ni James Reid pero kung makaasta akala mo e kay gwapo mo. Yabang! tss." Sagot ko

"Ay grabe naman yang panget na yan. Sabihan ba namang hindi pogi si Papa Mark, panget na nga bulag pa, ay nakakasira ka ng beauty ateng" singit na naman nung bakla.

Puno na ako hah.

Tumayo ako bigla at lumapit sa table nila.

"Kanina pa kayo ah! Maka tawag kayo ng panget akala mo naman ke gaganda niyo. Mas lalo ka ng bakla ka. Panget ako? Eh ano naman atleast ako may matres e ikaw wala. At bakit ba nakikinig kayo sa usapan ng may usapan hah? " sabi ko na halos mahingal na ako pagkatapos ko sabihin

"How dare you!" -sabi nung bakla
"How dare me? How dare you! Lumayas ka nga sa harap ko o bumalik ka sa sinapupunan ng nanay mo baka sakaling paglabas mo ulit babae ka na." Sabi ko at akmang iiwan ko na sana siya ng hilahin niya ang buhok ko.

"At san ka pupunta?" Tanong nung bakla

Aray hah! Masakit te.
Bigwasan ko kaya ng isa to.

Tapos may humahak sa braso ko.

"Oo nga. San ka pupunta? Nag uusap pa tayo." Sabi naman ni Mark

Tapos nakita kong sinamaan niya ng tingin yung mga magkakaibigan na yun.

"Ano pang ginagawa niyo dito?" Tanong niya sa mga yun.

At halata naman ang disappointment at tuwa sa mga mukha nila.
Yes! Natuwa pa sila na parang kinikilig pa.

Tapos yun na nga. Umalis na sila.

Tapos binalikan ko na yung Burger ko.
Yehey.

"Tapang natin ah. Amazonang panget." Biro na naman niya

"Che! Kumakain ako wag ka istorbo. At bakit mo ba kasi ako kinakausap hah? Wala ka na bang magawa sa buhay mo at pati buhay ko dinadamay mo? " sabi ko sabay kagat sa burger ko ng malaki

"Eh sa gusto ko maging parte ng buhay mo e." Sabi niya

Saktong paglunok ko, bigla nalang akong nasamid.

Ubo na ako ng ubo.
Napansin naman niya at inabutan ako ng tubig.

Nakahinga ako ng malalim ng ok na.

"May balak ka bang patayin ako ha? Kung ano ano pinagsasabi mo. Bahala ka na nga diyan."
Sabi ko at tumayo na

"Hoy amazonang panget! Di ka man lang ba mag te thank you ha? Niligtas ko buhay mo." Habol naman niya.

"Pasalamat mo mukha mo, kasalanan mo yun kaya wala akong utang na loob sayo. Bye! At wag mo nga ako sundan!" Sabi ko naman

"Wow! Ikaw pa may gana magsabi niyan ah. Hinahabol kita? Bakit maganda ka ba? Hah? Sa gwapo kong to hahabulin kita?  " tanong niya habang tumatawa tawa pa

" De ikaw na gwapo!" Sabi ko at tumakbo na palayo

"Thank you! Sa wakas sinabihan mo din akong gwapo!!!" Sigaw naman niya pabalik

Hindi ko nalang siya pinansin at tumakbo na palayo sa GGSS na yun.

¤¤¤¤¤¤¤

♡♡♥♥♥♡♡

Thank you sa pagbabasa.
Medyo iniba ko lang yung scene. Para sa mga nakabasa ng chapter na to.

Comment po kayo.

-clairepitpit-.

Miss No Good (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon