Chapter 34 ( Break Up )

283 4 0
                                    

Author's note:

Sorry po kung napakatagal ng update. Midterm na kasi namin eh. Malapit napo matapos ang Part 1 ng story na to. Pero yung part 2 kadugtong din dito. Gets? Salamat po sa suporta at pagbabasa sana po basahin niyo hanggang matapos !! I love you all. Saranghaeyo!!!!!

Happy  3k+ reads Miss No Good !! Yehey !! Thank you so much.

Mark's POV

" Mukhang masaya na ulit sila sa isa't isa? "

Nainis ako sa sinabi ni Jasmin

" Mukha nga at sa harap ko pa naglalandian. " inis kong sagot

Bakit hindi pa niya sabihing ayaw na niya sa akin. At sila na ulit nung magaling kong kapatid.

" Kailan mo ba sasabihin sa kanya Mark ? " tanong niya

Nasabi ko na pala kay Jasmin.

" Malapit na Jas don't worry. " sagot ko

" Thank you. " sabi niya

" Para saan? " tanong ko

" For choosing me over her " sagot niya

Yeah. I chose her over Venise dahil alam kong mahal ko parin siya.

Pero handa na ba ako sa magiging reaksyon ni Venise sa gagawin ko.

Kailangan ko ng sabihin sa kanya para matahimik na ako.

Bzzzzzz bzzzzzz ( vibrate ng phone)

From: Loves

Can we talk ? :(

Ano kayang paguusapan namin? Well siguro siya na ang makikipaghiwalay.

Dunno!!

To : Loves

Where are you?

Bzzzzzz bzzzzz

From: Loves

Garden sa likod ng gym

To: Loves

Ok. I'll be there.

Pumunta na ako sa lugar na sinasabi niya.

O____O

" Surprise! " sabi niya

" What's with this? " tanong ko

" Lagi nalang kasing ikaw ang may surprise. Kaya eto naghanda ako ng lunch para sa atin. Para naman makabawi ako sayo. " sagot niya

Parang nalungkot ako bigla. Tama ba tong gagawin ko?

Pero baka mas lalo siyang masaktan kung hindi ko sasabihin ng mas maaga.

Tsss. Bahala na.

" Oh! Hindi ka ba masaya? " tanong niya

" Ahh. Oo naman masaya. " sabi ko

Maybe this will be the last time ba ganito kami kaya hahayaan ko muna to.

" Ikaw ba nagluto nito Love? " tanong ko

" Oo. Pero tinulungan ako ni Kent. Baka daw kasi kaya ka umiiwas kasi nagseselos ka daw sa kanya. " sagot niya

" Nagseselos niya mukha niya! " sabi ko pero bulong lang

" Ano yun ? " tanong niya

" Wala po. Kain na tayo kasi gutom narin ako. " sagot ko

Habang kumakain ay napapatingin ako sa kanya. Mukha naman siyang masaya.

Miss No Good (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon