Chapter 25 ( Feelings)

290 8 0
                                    

Mark's POV

Ilang segundo, Ilang minuto, Ilang oras, Ilang araw at linggo na ang lumipas simula nung nagtapat ako kay Venise.

At ilang linggo narin niya akong hindi pinapansin. Wala akong lakas ng loob na harapin siya o tanungin man lang siya kung ano ang problema.

Alam kong may mali.
Masyado ba akong mabilis?
Dapat ba hindi ko na ginawa yun?
Dapat ba hindi nalang ako nagtapat sa kanya nung araw na yun?

Andaming tanong ang pumapasok sa isip ko.

Ano ang dahilan? Bakit sorry ang ang sinagot niya? Mahal parin ba niya si Kent? Siya parin kaya?
Isipin ko palang ang sakit na.

Kakausapin ko ba siya o bibigyan ko pa siya ng time para mag isip.

"Pare ano ba talaga problema mo?" Tanong ni Matthew

"Oo nga pare, hanggang kailan ka magpapaka miserable dyan? Dahil ba to sa hindi ka sinagot ni nerdy at natalo ka sa pustahan?" -Lauren

Narindi ang tenga ko sa narinig ko.

"G*go! Sabihin mo pa yan at mapapatay kita!" Sabi ko sa kanya habang nakahawak sa kwelyo niya

"Easy pare! Ano bang nangyayari sayo? Wag mo sabihing nainlove ka talaga kay nerdy?" Sagot naman ni Matthew habang inaalis ang pagkakahawak ko sa kwelyo ni Lauren

"Sa tingin mo pre, magkakaganito ba ako kung hindi? Tsaka matagal ng wala sa isip ko yang pustahan na yan." Sagot ko

"Wait, totoo pare kay nerdy ka pa nainlove? Iba talaga taste mo pare." Panloloko naman ni Lauren

"Baka gusto mong paglamayan ka ng ulol ka?" Pagbabanta ko naman

"Joke lang pare. Ikaw naman." Sabi niya at umakbay sa akin

"Ngayon lang ako nakakita ng gwapong umiiyak dahil sa isang panget" sabat ni Mico

"Wow! Pareng Mico, buhay ka pala." - Lauren

"Dapat lang na magsalita yan, sakanya nagsimula lahat to. Dahil sa pustahang ginawa niya. Pareng Mico, bilib din ako sayo nagawa mong ganito ang pinakapanget sa grupo natin" - Matthew

"Mga loko kayo! Sinong panget ang pinagsasabi niyo? Ako? Sa gwapo kong to?  Magsalamin ka nga Matthew?" Sagot ko naman

Tapos umakbay silang lahat sa akin na parang tuwang tuwa.

"Pare! You're back! Nagyayabang ka na ulit. Ikaw na ulit si Macky!!!" Sigaw ni Lauren na nagtatatalon talon pa

Yep. Macky nickname ko sa kanila.

"Oo nga para kang tangang aasa asa nung mga nakaraang araw. Ang pangit mo!" Nagsalita ulit si Mico

"Gusto niyong pag umpugin ko kayong lahat?" Pagbabanta ko

Sila naman mukhang alam na ang gagawin ko kaya nagsipagtakbuhan na sila.

"Humanda na kayo pag nahabol ko kayo." Pagbabanta ko na naman

"Kung mahahabol mo kami." Sabi naman ni Lauren

Tapos tumakbo sila palabas ng classroom.

Nung palabas na ako. May nabangga akong babae at mabuti nalang at nasalo ko ito.

Tinignan ko kung sino ito at nagulat ako ng bigla siyang bumitaw sa hawak ko.

"Sorry"
yun lang ulit ang sinabi niya tapos papasok na siya sa classroom pero pinigilan ko siya hinawakan ko sa kamat at hinila ko siya papuntang rooftop.

"Ano ba? San mo ba ako dadalhin ha? " tanong niya

"Sa langit!" Pagbibiro ko

"Ano bang sinasabi mo? Bitawan mo nga ako." Sabi niya

Nakarating na kami sa rooftop.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw niya

Binitawan ko naman siya.

"Ano bang ginagawa natin dito?" Tanong niya

"Obvious ba? Mag uusap tayo." Sagot ko

Natahimik naman siya.

"Kung tungkol to sa sinabi mo sa akin pwede ba wag muna natin pag usapan?" Tanong niya

"Bakit hindi? Pwede ba Venise pag usapan na natin to. Nababaliw na ako alam mo ba yun? Nababaliw na ako sa kakaisip, nababaliw na ako sa mga ginagawa mo, sa hindi mo pag pansin sa akin. Pinipilit kong wag ka muna kausapin dahil iniisip ko na baka nabigla kita at pinagiisipan mo pa yung sinabi ko. Pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Venise, mababaliw na ako." Sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit

Mahal ko na talaga tong babaeng to.

Napansin kong humihikbi siya.
Umiiyak na siya.

Kumalas ako sa pagkakayakap at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat

"Hey, hush! Don't cry, I'm sorry." Sabi ko

"Hindi ako dapat ang humingi ng sorry sayo. I'm sorry kasi Hindi kita kayang kausapin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo, nabigla ako sa mga pangyayari." Pagpapaliwanag niya

"I'm sorry kung nabigla kita." Sabi ko

"Nabigla ako sa mga sinabi mo dahil sino ba ako? Ako lang naman si Venise, isang nerd, panget, ayaw ng lahat. I am miss no good. Sino ba naman ako para magustuhan mo?" Sagot niya

"Hindi ka kung sino lang Venise. Oo nerd ka, panget kung tawagin nila, Miss no good. But in my eyes you're the prettiest. You are no good but the best person I've ever met." Sagot ko naman

Tumingin siya sa akin. Mata sa mata.

"Mahal mo ba talaga ako?" Tanong niya

I'm now sure.

"Yes. Mahal na mahal kita." Sagot ko

"Sigurado ka?" Tanong niya

"Siguradong sigurado." Sagot ko

"Siguradong siguradong sigurado?" Tanong niya ulit.

Pinagdikit ko ang mga noo naman at sinagot siya. Mata sa mata

"Siguradong siguradong sigurado." Sagot ko

Nakatingin siya sa akin at sinabing
.
.
.
.
.
"Manligaw ka muna"
"Kailangan pa ba yun?" Tanong ko
"Ano ka sinuswerte? Hindi porket gwapo ka e hindi ka na manliligaw." Sagot niya

"Eh di inamin mo ding gwapo ako?" Tanong ko

"Hindi ka naman panget, so kung hindi ka gwapo ano ka?" Tanong niya

"Pinaka gwapong nilalang." Sagot ko naman

"GGSS ka talaga." Sabi niya at nagtawanan kaming dalawa.

"Manliligaw pa ba ako? Pwede naman sagutin mo na ako para tayo na tapos liligawan nalang kita araw araw." Suhestyon ko

Tinignan niya ako habang nakahawak sa chin niya na parang nag iisip.

"Sige na nga. Pumapayag na ako. Pag ako niloko mo. Magtago ka na sa kung saang lungga mo." Sabi niya

Para namang nagbunyi ang mga tenga ko sa narinig.

Seriously! Kami na!!!!!

"So tayo na?" Tanong ko

"Gusto mo bawiin ko yung mga sinabi ko? Oo na, tayo na." Sagot niya

Tapos niyakap ko siya.

"Thank you Venise. I promise I won't ever hurt you. You have no idea how happy I am right now. I love you baby" sabi ko.

"I love you too, baby" sabi niya na parang nahihiya pa.

Tapos niyakap ko ulit siya at hinalikan sa noo.

I love this girl.

©©©©©©

A/N

Masabaw ba ?? Pasensya na. Antok na ako eh. Haha

Happy reading.

Vote | Comment | Be a Fan

-clairepitpit-

Miss No Good (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon