Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidential.
Nang Dahil Sa Halik
Nagmamadali na ako dahil late na ako sa first day ko sa trabaho.
Ba't ba naman kasi hindi ako makagising ng maaga eh! Ang sakit sa bangs!
Ay wala pala akong bangs! Sarreh!
I'm Nikoleah Reyes, the new-hired secretary of the CEO of Guevarra Group of Companies!
"Aish! Manong ba't ang tagal? Sobrang traffic ba talaga?" Angal ko nang mapansin kong ilang minuto na ang makalipas na nakahinto ang taxi na sinasakyan ko dahil sa traffic.
Huhuhuhu! Yari talaga ako nito.
"Manong dito nalang po muna ako. Tatakbuhin ko nalang. Huhuhu." Sambit ko saka inabot ang bayad kay Manong driver.
Nagsimula na akong tumakbo nung tawagin ako ni Manong.
"Ineng, ang sukli mo!" Rinig kong sigaw niya.
"Keep the change manong. Kung makapagsabi po kayo ng sukli ko eh piso lang naman iyan!" Sigaw ko pabalik sa kanya nang hindi siya nililingon.
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko na nga ang Guevarra Group of Companies.
My gosh! Ang sakit ng paa ko!
High-heels pa more.
Huminga nalang ako nang malalim at inayos ang sarili nang mapatangin ako sa relos ko. Shete! Alas nuebe na!
Nagsimula naman uli akong tumakbo. Itinaas ko lang ang I.D. ko para makita ni Manong Guard at nagpatuloy sa pagtakbo nang matapilok ako.
Oh M G! Kapag minamalas ka nga naman! Kyaaaaaaah!
Ire-ready ko na sana ang sarili ko na mapahiga sa makintab na sahig ng kompanya nang may sumalo sa akin.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang bigla ko na lamang maramdamang may pumulupot na mga matitigas na braso sa aking bewang.
Kung kaya't wala akong magawa kundi mapahawak sa leeg ng kung sinong mang taong lupa ito.
Ang mas nakakagulat pa ay mukhang hindi nito natansya ang distansya naming dalawa dahil sa biglang naglapat ang aming mga labi.
Napakurap-kurap naman ako habang nakatingin sa kanya. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.
Nang masilayan ko ang kakisigan ng lalaking sumalo sa akin. Mr. Right, ikaw ba itech?
Ramdam ko namang natahimik ang lahat at mukhang nagulat sa nasaksihan.
Makalipas ang ilang minutong pagtitigan naming dalawa ay agad ko naman siyang itinulak patayo at dahil nga sa yakap yakap niya ako ay nadala niya rin ako.
Napalunok naman ako bago umatras ng kaunti.
"Sorry po." Ani ko at napalingon sa elevator nang bumakas ito.
Nilingon ko naman uli siya bago nag-bow ng kaunti. Huhuhuhu.
Nekekeheye.
"Sorry po ulit." Ani ko saka dali-daling pumasok sa elevator.
© Nang Dahil Sa Halik.All Rights Reserved.Rikamadz.2019
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Halik (Completed)
RomanceIt's my first time writing a story in the genre of romance so read at your own risk! Happy reading everyone!