Chapter 8
Brix's POV
Nag-lunch lang ako sa isang restaurant hindi kalayuan sa kompanya.
After eating ay bumalik na rin ako sa opisina.
I was busy with reading some paperworks nang biglang tumawag si Mama.
"Ma? Napatawag ka?"
Pambungad ko rito.
"Nasa kompanya mo ako Nak, I just felt like paying you a visit."
Napatayo naman ako.
Kung ano-ano nalang talaga ang trip ni Mama.
Naputol naman ang tawag kaya napahilot nalang ako sa sentido ko.
Ang kulit-kulit pa naman ni Mama.
Ilang minuto pa ang makalipas ay dumating na rin si Mama.
Humalik naman siya sa pisngi ko.
Hahayaan ko nalang sana siya nang maalala ko si Nikol.
Napatayo naman ako.
"Ma, banyo lang ako."
Sabi ko saka dali-daling lumabas.
Sh*t! Hindi pwedeng makita ni Mama si Nikol.
Pagkalabas ko at buti nalang ay agad kong nakita si Nikol.
Nilapitan ko naman siya.
Saka sinenyasan na tumahimik.
Naguguluhan man ay sumunod pa rin ito.
"Brix? Where are you going? Akala ko ba magba-banyo ka? Ba't ka pa lumabas? And who's that b*tch?"
Nanigas naman ako nang marinig ko ang boses ni Mama.This is what I hate about her, she's very possessive.
Napamura naman ako at naghanap nang ipapalusot.
Nilingon ko naman si Nikol.
"Ma, ihahatid ko lang siya, namali siya ng floor."
Sabi ko, lilingon na sana si Nikolai nang umiling ako.
'H'wag'
I mouthed.
"Really? Saang floor ka ba dapat hija?"
Nanlaki naman ang mata ko nang makalapit na si Mama at hinawakan sa balikat si Nikol.
'No, h'wag kang lumingon.'
Napabuga nalang ako ng hangin nang lumingon si Nikol.
Nakita ko namang napakurap-kurap si Mama habang nakatingin kay Nikol.
"Nikolla? Nikolla Akireah Marchessa?"
Gulat na gulat na sabi nito.
- - - - - - -
Nikolla's POV
Hindi ako makapaniwala!
Ang dapat ko palang mapapangasawa ay si Brix!
Sh*t! At mukhang all this time, alam na nito pero wala!
Ni hindi niya man lang ako ipinaalam.
No wonder kung bakit ayaw niyang ipakita ang mukha ko sa Mama niya.
"I've already called your parents at mukhang alam na pala nila na nandito ka. I think dadating na sila rito bukas."
Tumango naman ako.
Nakita ko namang napapalakpak ang Mama ni Brix.
I think I should call him Brix, tutal mukhang sa kasalan na nga ang tuloy namin.
Sh*t! I should have resigned earlier!
"Ang liit lang ng mundo! Isipin mo nga, sa kanya ka pa talaga napunta. Maybe you're both destined to each other."
Napangiwi naman ako sa sinabi ng Mama niya.
Nakita ko namang napasulyap ito sa pambisig nitong relos.
"I think I should go. Nice meeting you Nikolla."
Sabi ng Mama niya saka ako niyakap.
"You too, Tita."
Sagot ko.
Nagpaalam naman ito sa anak niya at sa oras na nakalabas na siya ay automatic na lumipad ang mga magazines nakalapag sa mesa patungo sa pagmumukha ni Brix.
"Gag* kang lalaki ka! So all this time kilala mo naman pala ako and you didn't bother to tell me. Ni hindi mo man lang ako in-inform na ikaw pala ang groom-to-be ko. Kailan mo pa nalaman?"
Nanggagalaiti kong sabi.
"The moment I saw you running noong first day mo. Mama sent me a picture of yours saying na ikaw nga raw ang mapapangasawa ko."
Sagot niya.
"And will you stop throwing things?"
Dagdag niya pa kaya kinuha ko ang unan na nasa sofa at binato sa kanya.
"Bw*set ka, grabe ang ginawa kong pagtatago then sa ganito rin naman pala ang ending ko."
Nakita ko naman siyang napairap.
"Will you stop overreacting? Did you know how influential, powerful and wealthy your family is? Kung gagamitin nila lahat ng connections na meron ang parents mo mahahanap at mahahanap ka pa rin nila."
Padabog naman akong nag-dive sa sofa.
Inaway ko pa talaga si Kuya Hans ah?
Bw*set!
Tumayo naman ako saka padabog na lumabas ng opisina.
Inayos ko naman ang gamit ko.
Uuwi na ako.
Bahala siya diyan.
"Are you trying to run away?"
Hindi ko napansin na sumunod pala ang gag*.
"Hindi! Kaya h'wag kang mag-alala. I-enjoy ko lang ang huli kong araw na malaya ako. Thanks to you!"
Inis kong ani saka siya inirapan.
"You shouldn't put all the blame on me. Ikaw itong lumingon. Sinabi kong h'wag pero matigas ang ulo mo."
Hinarap ko naman siya.
"Kung sinesante mo na ako nung first day pa lang hindi na sana tayo aabot sa ganito."
Sagot ko sa kanya.
"You're leaving? Paano naman ang trabaho mo?"
Napaismid naman ako sa sinabi niya.
"Maghanap ka na ng bago, kailangan ko nang makalabas sa kompanya mo bago ko maisipang sunugin 'to at mag-amok rito ora mismo."
Sagot ko sa kanya.
"Tabi, paharang-harang ka sa daan."
Sabi ko at gumilid naman siya.
Nakita ko namang napailing ito at hinayaan akong umalis.
Now what's the plan?
Plan?
Let's get f*cking wasted.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Halik (Completed)
Любовные романыIt's my first time writing a story in the genre of romance so read at your own risk! Happy reading everyone!