[A/n: It's my first time na pure romance ang genre ng story kong sinusulat. I'm into teen-fiction kasi 😅, enjoy reading.]
Napakagat labi naman ako pagkababa namin sa stage.
"Sinong kasama mo rito?"
Napatingin naman ako sa kanya.
"Mga kaibigan ko."
Sagot ko kaya tumango naman siya.
Aalis na sana ako nang bigla niya akong hinigit.
Napaawang naman ang labi ko nang maramdaman kong ipiniid niya ako sa dingding.
"Anong ginagawa mo?"
Nauutal kong sabi.
"Would you mind if I kiss you?"
Napakurap-kurap naman ako dahil sa tanong niya.
Sasagot na sana ako nang bigla niya nalang inilapat ang mga labi niya sa labi ko.
Napaawang naman ang labi ko nang bahagya niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko.
Ilang segundo ang makalipas ay tumigil na siya.
"It really tasted like Cherry."
Sabi nito.
"Nasaan ang table niyo, ihahatid na kita."
Napalunok nalang ako saka tinungo ang table namin.
What the heck just happened!
- - - - - - - -
"Kyyaaaaaaah! So hinalikan ka niya! Isa lang ang ibig sabihin niyan! Type ka niya bruha."
Napangiwi naman ako sa sinabi ni Yannella.
Dito kasi muna siya matutulog.
"Tigilan niyo nga ako. Boss ko siya saka pino-problema ko pa sina Mommy. Sa oras na malaman nilang nandito ako sa Pilipinas at mahanap, it would be the end of my single life."
Sabi ko kaya napatawa sila.
"Kaya nga hindi ba? Landiin mo nalang ang boss mo para may ipanlalaban ka sa parents mo sa oras na mahanap ka nila."
Napangiwi naman ako.
"Tigilan niyo nga ako. Boss ko nga iyon hindi ba?"
Sagot ko kaya napatawa sila.
"Anong problema mo? Ayaw mo siyang landiin dahil sa boss mo siya? Edi mag-resign ka! As simple as that!"
Binatukan ko naman si Vivi dahil sa sinabi niya.
"Ba't ba ako ang pinag-uusapan natin? Eh hindi naman ako ang ikakasal o hindi naman ako ang brokenhearted."
Sabi ko kaya napaismid sila.
"KJ mo talaga!"
Sagot nila kaya napatawa ako.
Nagulat naman ako nang mag-ring ang phone ko.
"Hello?"
Bungad ko sa tumawag.
"Nikolla?"
Nanigas naman ako sa boses ng tumawag.
"Kuya Hans?"
- - - - - -
Maaga akong nagising kaya maaga rin akong pumunta sa opisina.
Hindi ako mapakali dahil kay Kuya Hans.
Nahanap na nila ako.
Shet!
Ano na ang gagawin ko.
Napatingin naman ako sa message ni Kuya Hans sa akin.
"Meet me at Lovely Cafe, tomorrow lunch."
Napahinga naman ako ng malalim.
Ano na ang gagawin ko?
Should I hide?
Pumunta sa mga probinsya or what?
Umiling naman ako saka pumunta sa pantry.
Nagtimpla naman ako ng kape.
Hindi ko naman mapigilan ang sariling mapatulala.
Muntikan ko namang mahulog ang kape ko nang pagharap ko ay nasa harapan ko na si Mr. Guevarra.
He's Mr. Guevarra pag nasa office kami, and he's Brix pag sa labas.
"Sir"
Gulat kong ani.
"Puyat ka."
Sabi niya kaya napangiwi ako.
"Gusto niyo ng kape?"
Tanong ko nalang.
"Oo, pero ako na ang magti-timpla."
Sabi niya kaya tinanguan ko siya.
"Sige, babalik na po ako sa mesa ko."
Paalam ko sa kanya.
"Sabay tayong mag-lunch."
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Ha?"
Sabi ko.
Napakurap-kurap naman ako nang makitang nakatitig lang siya sa akin.
What's with him?
"May kasama ako mamayang lunch."
Sagot ko nalang kaya tumango siya.
Naiiling naman akong lumabas sa pantry.
Ano naman kaya ang nakain ng isang 'yon?
- - - - - - - -
Hindi ko nalang inilala ang nangyari kagabi at ang pinagsasabi niya kanina.
Malapit ng mag-lunch time kaya kinakabahan ako.
Sinabi na kaya ni Kuya Hans kina Mommy?
Nag-ayos naman ako bago napagpasyahang umalis.
Sakto namang pagtayo ko ay siya rin namang pagbukas ng pintuan ng opisina ni Mr. Guevarra.
Napakagat-labi naman ako nang sumulyap ito sa gawi ko.
"Aalis ka na?"
Tumango naman ako.
"Oo, babalik ako mamaya bago matapos ang lunch break."
Sagot ko kaya tumango naman siya.
Sabay naman kaming lumabas at sumakay ng elevator.
Pagkalabas namin ay agad naman akong nagpaalam sa kanya at sumakay ng taxi.
Hindi ko naman mapigilang hindi mapa-sign of the cross.
'Lord, sana naman hindi ako ilaglag ni Kuya Hans.'
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Halik (Completed)
RomansIt's my first time writing a story in the genre of romance so read at your own risk! Happy reading everyone!