NDSH 1

7.2K 165 1
                                    

"Hoy! Nikola! Umayos ka nga diyan! Magmadali ka na! Jusko mag aalas nuebe na ng umaga ineng eh paalis ka palang! Anong akala mo, nasa tapat lang ng apartment natin ang Guevarra Group of Companies? Shungi ka rin eh!" Nilingon ko naman si Vivianne.

"Che! Manahimik ka na nga lang diyan. Kita mong na i-stress na ako eh. Ma-haggard pa ko nito!" Ani ko kaya napaismid ito.

"Magmadali ka na, babatukan talaga kita sa oras na malaman kong na-fire ka first day na first day mo sa trabaho! Sisipain talaga kita pabalik ng Italy!" Sambit pa niya kaya napasimangot ako.

"H'wag kang ganyan Vivi gurl! Pag ikaw nag-dilang anghel, ikaw ang sisipain ko papunta sa basurahan! Balikan mo na si bebe luvs mo! Baka nabaliw na 'yon! Jusko Lord!" Sagot ko sa kanya kaya siya naman ang napasimangot.

Itinulak niya naman ako palabas ng condo niya.

"Alis! Alis na! Nang-iimbyerna ka lang babae ka eh! Kung makaasta ang babaeng 'to kala mo naman, talagang lumaki sa kalye eh Prinsesa ka sa inyo. Ba't ba hindi ka umasta na parang mayaman Nikola! Jusko. Ewan ko talaga kung saan ka nagmana." Ani niya kaya napaismid nalang ako.

"H'wag kang mag-aalala. Kapag hindi ko makuha ang trabahong 'to pupuntahan ko iyong bebe luvs mo at sasabihin kung nasaan ka. Then manghihingi ako ng reward. Oh diba? Mabubuhay na ako nun." Napatakbo naman ako nang kumuha na ito ng tsinelas at hahampasin na sana ako.

"Bw*sit ka talagang babae ka! Ibubugaw mo pa ako sa babaerong 'yon! H'wag mo ngang mabanggit ang gag*ng yon! Bw*sit siya! Magsama sila ng Sasha niya! Saka sige! Ibugaw mo ko sa kanya! Tatawagan ko talaga ang parents mo sa Italy at sasabihing nandito ka lang sa Pilipinas at nagbabaliw-baliwan!" Nilingon ko lang siya saka siya binelatan.

Nakita ko naman itong napairap.

"Wish me luck Vivi gurl!" Sigaw ko pero inungusan lang ako nito. .

"Matapilok ka sana kapag kaharap mo na ang magiging boss mo! Che!" Napatawa nalang ako sa sinabi niya at nagpara nalang ng taxi.

She's Vivianne Xyza Ramirez. Ang run-away fianceé ni Dexter Gabriel Anderson.

Ang babaerong anak ng Mayor ng Manila. 'Bigatin ano?'

Nilayasan niya iyong bebe luvs niya dahil nakita niya itong may kasamang iba.

Kabaliwan talaga ng isang iyon.

Malapit na sana kami sa destinasyon ko nang biglang mag-traffic.

Naman eh. Kyaaaaaaaaaah!

Nagmamadali pa naman ako dahil late na ako sa first day ko sa trabaho. Hay!

Ba't ba naman kasi hindi ako makagising ng maaga eh! Ang sakit sa bangs!

Ay wala pala akong bangs!

Sarreh!

Kasalanan kasi 'to ni Vivi gurl! Hindi ako ginising ng maaga!

By the way, I'm Nikoleah Reyes, the new-hired secretary of the CEO of Guevarra Group of Companies!

"Aish! Manong ba't ang tagal? Sobrang traffic ba talaga?" Angal ko nang mapansin kong ilang minuto na ang makalipas na nakahinto ang taxi na sinasakyan ko dahil sa traffic.

Huhuhuhu! Yari talaga ako nito.

"Manong dito nalang po muna ako. Tatakbuhin ko nalang. Huhuhu." Sambit ko saka inabot ang bayad kay Manong driver.

Nagsimula na akong tumakbo nung tawagin ako ni Manong.

"Ineng, ang sukli mo!" Rinig kong sigaw niya. .

Nang Dahil Sa Halik (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon