NDSH 20

3.7K 110 0
                                    

Chapter 20

"Naging matamlay ka yata?"

Napatingin naman ako kay Brix saka ngumiti.

"Hindi naman."

Sagot ko saka siya nginitian.

"Are you sure that everything's okay?"

Tumango naman ako.

"Okay nga lang."

Sagot ko saka ngumiti.

Nginitian niya naman ako pabalik.

"Saan tayo pagkatapos nito?"

Tanong ko.

"Ikaw, may gusto ka bang puntahan?"

Napailing naman ako.

Umiling naman ako.

"Naubos yata ang energy ko kahapon."

Sagot ko kaya napatawa siya.

"Ang hyper mo kasi."

Sabi niya kaya napaismid ako.

Pagkatapos naming kumain ay naglibot-libot nalang muna kami saka bumalik sa room namin.

Medyo nawalan ako ng gana dahil sa lalaking kumausap sa akin kanina.

Gusto ko sanang sabihin kay Brix pero baka mag-overreact lang siya at mapauwi kami ng maaga.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at tiningnan ang mga pictures namin kahapon at ngayon.

"Brix, pahiram nga ng phone mo!"

Sabi ko.

Nasa banyo kasi siya.

"Nasa bedside table."

Sagot niya naman kaya kinuha ko ang phone niya.

Napalunok naman ako nang makita ang sarili sa lock screen ng phone ni Brix.

Kuha ito kahapon.

Habang naliligo kami sa dagat.

"Brix, password?"

Tanong ko.

"101621"

Sagot niya.

Ti-nype ko naman at hindi ko mapigilang hindi mapatigil nang makita ang wallpaper niya.

Ako na natutulog.

Kailan niya kaya 'to?

Sa condo kasi ang background ng picture.

Hindi ko nalang iyon pinansin at pumunta sa gallery niya.

Hindi ko naman hindi mapigilang hindi mapangiti nang ako lang at mga picture lang naming dalawa ang nasa gallery niya.

Hobby niya ang photography hindi ba?

Hindi ba siya mahilig kumuha ng litrato using his phone?

Ipinasa ko nalang ang picture ko at naming dalawa sa phone ko.

Nagpalit ako ng wallpaper.

Kami iyon habang nakangiting nakatingin sa isa't isa.

Kinapalan ko pa talaga ang mukha ko para makisuyo sa isang turista na kuhanan kami ng litrato.

Pagkatapos ay pati na rin ang lock screen ko, ito iyong nasa may pool kami.

Napatawa pa ako nang mapansing kahit stolen iyon ay ang gwapo niya pa rin.

Ba't ang unfair ng mundo?

Ilang minuto pa ay lumabas na siya sa banyo.

Naligo siya ulit.

Ewan ko ba sa lalaking iyan, ginagawang hobby ang pagliligo.

Baliw kasi.

Nakahilata ako sa sofa nang lumapit siya sa akin habang may dalang towel.

"My hair please."

Sabi niya saka nag-indian seat sa sahig at sumandal sa sofa umayos naman ako ng upo at sinimulang patuyuin ang buhok niya.

Napangiti naman ako nang tumingala siya.

Kaya naman mabilisan ko siyang hinalikan sa labi.

Napailing naman siya.

"You really love doing that."

Sabi niya.

"Ngingiti ka kasi pagkatapos mong gawin iyon."

Dagdag pa niya.

"Sira alangan namang sumimangot ako."

Sagot ko kaya napatawa siya.

"Kunsabagay."

Sambit niya naman.

Napataas naman ang kilay ko nang magsimula siyang kumanta.

Napangiti pa ako nang mapagtanto kong maganda ang boses niya.

He's singing 'Grow Old With You'.

'I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad'

'All I wanna do is grow old with you'

Napangiti naman ako habang patuloy sa ginagawa.

'I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks'

'Oh it could be so nice, growing old with you'

Sumabay naman ako sa pagkanta.

'I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold'

'Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control'

'So let me do the dishes in our kitchen sink'

Kanta ko at siya naman sa sumunod na linya.

'Put you to bed if you've had too much to drink'

Kanta niya kaya napatawa kami.

Totoo naman kasi, sunod-sunod na kaya ang pag-aasikaso niya sa akin sa tuwing umiinom ako.

'I could be the man who grows old with you'

'I wanna grow old with you'

Kanta niya.

Mas lalo tuloy akong napapangiti.

Natatakot ako kasi may nararamdaman na ako.

I won't deny it that I already have a feelings for him, wala naman ako rito kung wala akong nararamdaman.

Pero sa kabila ng takot, I felt happy and contented.

At least nalaman ko kung ano ang pakiramdaman ng ganito.

Natawa naman ako nang tumingala siya.

Hinalikan ko naman siya.

Napatawa pa ako nang dahan-dahan siyang umikot nang hindi pinputol ang halik.

'Adik rin ang isang to eh.'

Napatawa naman ako nang bigla niya akong binuhat.

I wrapped my legs around his waist saka nagpatuloy sa pagkikipaghalikan.

Napahalakhak naman ako nang may nagdoorbell at nagsalita sa intercom.

Sosyal 'tong suite namin eh.

"Room service"

Napakagat labi naman ako nang makita kong bitin siya.

Hinalikan ko naman siya uli, saka hinalikan ang leeg niya at bahagyang kinagatan.

Tinungo ko naman ang tenga niya saka bumulong.

"Masarap"

Sabi ko saka humalakhak at bumaba mula sa pagkakabuhat niya sa akin.

Nang Dahil Sa Halik (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon