Chapter 15
Alas sais palang ng umaga, dala-dala ang mga gamit ko ay labag sa loob na tinungo ko ang unit ni Brix.
Tinawagan ako ni Mommy kanina at kapag nalaman niyang hindi pa rin ako lumipat sa unit ni Brix ay lagot raw ako.
I'm still not forgiven for running away, then hindi ko pa raw sinunsunod ang kondisyon nila.
Abuso na talaga ang mga 'to.
Nakasimangot na nag-doorbell naman ako.
Napairap pa ako nang bumungad sa akin ang nakangisng si Brix.
"I thought hindi ka lilipat?"
Nanunudyong tanong niya kaya napairap uli ako.
"Manahimik ka nga diyan."
Sagot ko saka tinungo ang sala at nag-dive sa sofa.
Inaantok pa ako.
Alas cuatro pa kasi ng umaga ako tinawagan ni Mommy at binantaan akong mag-alsa balutan na at pumunta sa unit ni Brix.
Mas nakakatakot pa kaya si Mommy kaysa kay Dad.
"Saan mo gustong matulog? Sa kwarto ko o dun sa kabila?"
Tanong niya.
"Sa kwarto mo, dun ka sa kabila."
Nakita ko namang napailing ito sa sinabi ko at tinungo ang kwarto niya dala ang mga gamit ko.
Mas maganda kasi sa kwarto niya, mabango.
Ilang minuto ay bumalik naman siya.
"Oh?"
Tanong ko.
"Nothing, dito ka ba kakain?"
Tumango naman ako saka nag-dive sa sofa.
"Ang aga ni Mommy tumawag. Talagang binantaan ako kapag hindi ako lilipat. Takot ko lang dun."
Sabi ko at narinig ko naman siyang napatawa.
"So natatakot ka pala sa Mommy? Then ba't ang lakas ng loob momg lumayas?"
Napangiwi naman ako sa tanong niya.
"Eh kasi galit ako nun, ngayon hindi kaya takot ako. Basta ganun na iyon."
Sagot ko saka napahikab.
"Matutulog na muna ako."
Sabi ko saka ipinikit ang mata, alangan namang sumayaw.
Inaantok kasi talaga ako.
- - - - - - - -
Napailing naman si Brix nang pagbalik niya sa sala ay tulog na si Nikolla.
Tapos na siyang magluto pero nakokonsensya naman siyang gisingin ang babae.
Mukha kasing ang himbing ng tulog nito.
Naiiling niya namang kinuha ang phone niya at kinuhanan ng litrato ang babae.
Pagkatapos ay bumalik na sa kusina at naunang kumain.
Patutulugin nalang muna niya ang babae.
Kawawa naman raw kasi.
After niyang kumain ay agad naman siyang tumungo sa kwarto niya.
Sa bago niyang kwarto since inangkin na nga ni Nikolla ang kwarto niya.
Kumuha naman siya ng susuotin bago pumasok sa banyo at naligo.
Mamaya niya nalang siguro gigisingin ang babae.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Halik (Completed)
RomanceIt's my first time writing a story in the genre of romance so read at your own risk! Happy reading everyone!