Brix's POV
Kanina pa sumasakit ang ulo ko dahil sa hang-over.
Ahhh! Idagdag mo pang kanina ako kinukulit ni Mama at panay ang tawag sa akin.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko. Aish!
"Oh? Ano na namang meron Ma?" Pambungad ko.
"Manners, anak. Manners, hindi ba uso sayo ang 'Hello, Ma' o di kaya'y 'Good Morning'?" Napairap naman ako dahil sa sinasabi ni Mama.
"What do you need? Ba't ka napatawag?" Tanong ko nalang.
"Whatever anak! May ise-send akong picture! Tulungan mo naman kaming mahanap ang future fianceé mo! Naha-haggard na ang future parents-in-law mo kakahanap sa kanya. At dahil sa ikaw naman ang nandiyan sa Pilipinas, ba't hindi nalang ikaw ang maghanap sa kanya diyan dahil baka diyan siya nagpunta." Napabuntong-hininga naman ako.
Idagdag niyo pa iyan.
Pinipilit na rin nila akong magpakasal sa babaeng gusto nila.
Like what the heck!
Papasok na ako sa kompanya at nagsiyukuan naman ang nadadaanan ko.
"I'll hang up na Ma. Mamaya ka nalang tumawag ulit." Ani ko at in-end ang tawag hanggang sa nag-beep naman uli ito.
Nasa may elevator na ako pero tumigil na muna ako ng saglit para tingnan ang picture.
Nikolla Akireah Marchessa, 24
Kulay chestnut ang buhok at kulay tsokolate ang mga mata.
Maputi ito at may freckles sa may cheeks.
May dimples rin ito at mapipilantik at mahahaba ang pilik mata.
Mapupula ang korteng puso nitong labi.
She literally looked like a doll.
Baka naman edited ito.
She's too good to be true.
Napalingon naman ako sa may likuran ko nang may makita akong babaeng tumatakbo sa direksyon ko.
Nangunot pa ang noo ko nang may kamukha ito.
Napalingon naman ako sa picture na si-nend ni Mama.
How the hell did she get in here!
Nagulat nalang akong matapilok ito sa harapan ko kung kaya't dali dali ko itong inalalayan pero sa hindi inaasahan ay nahalikan ko siya o baka siya ang humalik sa akin.
What the heck!
* - *
Nikolla's POV
Nakaupo ako sa harapan ni Mr. Guevarra.
At kanina pa rin siya nakatitig sa akin.
Maybe he's contemplating whether ifa-fire niya ba ako o hindi. Naku naman!
"So your name is Nikoleah Reyes, age 25?" Tanong nito kaya tumango ako.
"You're an orphan since you're 9 years old. Sino ang kumupkop sayo since then?" Tanong nito kaya lumunok na muna ako saka sumagot.
"Ang Tita ko po, pinsan ng Nanay ko." Tumango ito pero may ngiti sa mga labi.
I think he finds it amusing na ulila ako. Baliw rin yata ang isang 'to.
"Who hired you?" Tanong nito.
"Si Ms. Cordon po ng HR Mr. Guevarra." Sagot ko at tumango ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/201231758-288-k38164.jpg)
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Halik (Completed)
Roman d'amourIt's my first time writing a story in the genre of romance so read at your own risk! Happy reading everyone!