NDSH 10

4K 111 0
                                    

Chapter 10

Napasinghot-singhot naman ako.

Ba't may kakaibang amoy yata ang kwarto ko?

Amoy ni Brix!

Naimulat ko naman ang mata ko at muntikan na akong mapasigaw nang makita kong nasa ibang kwarto ako.

At sisigaw na talaga sana ako nang mapalingon ako sa may pintuan.

Nandun si Brix, nakasuot ng apron at may hawak-hawak na sandok.

"Good thing that you're already awake. Ayusin mo na ang sarili mo, the breakfast's ready."

Sabi nito bago umalis.

Impit naman akong napatili.

Kyaaaaaaaaah!

Wala akong maalala sa nangyari kagabi!

Shete!

Ayokoo naaaa!

- - - - - -

Pagkatapos kong maghilamos, ay nagmumog na muna ako at nag-tooth brush.

Uminom ako kagabi, baka amoy alak pa rin ang bibig ko.

Ginamit ko iyong toothbrush na nasa CR, iyon lang naman kasi ang toothbrush na nandun.

Bahala siya!

Pagpunta ko sa kusina ay nakita kong inihahanda na nito ang mesa.

Edi siya na.

"May family dinner mamaya, with my family and yours."

Tumango naman ako saka kumuha ng hotdog.

Tahimik lang kaming kumain, halatang mga gutom.

"Paano ako napunta rito?"

Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo maalala?"

Napairap naman ako sa tanong niya.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

Sagot ko kaya napangiwi naman ako.

"Alalahanin mo, it's your actions after all."

Sabi nito saka tumayo.

Tapos na kasi siyang kumain.

"Pagkatapos mong kumain, pakilinisan ang mesa at pakihugasan ang mga pinggan para at least mabayaran mo ang pagpapatuloy ko sayo."

Sabi niya kaya muntikan ko nang itarak ang tinidor sa kanya.

Kapal naman ng mukha parang sinabi ko namang patuluyin niya ako sa unit niya.

Sabunutan ko siya eh.

Pagkalabas niya sa kusina ay agad ko na ring tinapos ang pagkain.

Ano kaya ang pinagagawa ko habang lasing?

- - - - - - -

Pagkatapos kong maglinis ay agad naman akong pumunta sa sala.

"Sinong magbihis sa akin?"

Tanong ko sa kanya nang maabutan ko siyang may binabasa na kung ano.

Naka-eye glasses si Koya.

Sumulyap naman siya sa akin bago sumagot.

"Itanong mo sa sarili mo."

Sagot niya kaya napangiwi ako.

Bw*set 'tong lalaking 'to ah.

Anong akala niya, hindi pa rin ako galit sa nangyari kahapon?

"Umayos ka nga, kitang nagtatanong tayo ng maayos eh."

Sabi ko at nakita ko namang napabuntong-hininga ito bago binaba ang binabasa.

"Syempre ikaw, ba't naman kita bibihisan?"

Sagot niya kaya napaismid ako.

"Naninigurado lang, nasaan nga pala ang mga damit ko?"

Tanong ko at nakita ko naman siyang napairap

"Nasa bedside table ng kwartong tinulugan mo. I put it on a paper bag."

Sagot niya kaya agad naman akong bumalik sa kwartong tinulugan ko.

Saka ko lang napansin na kwarto nga yata talaga ito ni Brix.

Kinuha ko naman ang paper bag at tiningnan.

Kinuha ko iyon saka bumalik sa sala.

"Aalis na ako, ibabalik ko nalang 'tong mga hiniram ko sayo."

Sabi ko saka tinungo ang pintuan.

Kita mo na, gag* talaga.

Ni hindi man lang nag-presentang ihatid ako.

Psh.

Pero ba't niya naman ako ihahatid 'diba?

Naiiling ko nalang na tinungo ang unit ni Vivi hindi na ako nagulat nang makitang nandun silang dalawa ni Yannella.

Mukhang sinabihan ni Yannella si Vivi na nahanap na ako.

Bumalik ora mismo eh.

- - - - - - -

"So you mean? May family dinner kayo?"

Tumango naman ako.

"Feeling ko any minute ikakasal ka na bruha.  Grabe naman kasi iyang parents mo, ba't atat na atat na maipakasal kayo?"

Nagkibit-balikat naman ako.

"Yeah, hindi ko rin alam. Pero wala na akong magagawa. At least I tried to stop them. Bahala na si Batman sa mangyayari. I'll just go with the flow. Sandamakmak na sermon ang matatanggap ko sa kanila mamaya. Psh."

Sabi ko saka dumiretso sa kwarto.

"Pero ang bango ng damit ni Guevarra ah? Ano kayang sabon ang gamit niya?"

Sinamaan ko naman ng tingin si Yannella.

Nag-peace sign lang siya kaya napairap nalang ako at naisipang matulog.

Bahala na sila sa buhay nila.

- - - - - - - -

Malapit nang mag-6pm at tapos na rin ako sa pag-aayos.

I'm wearing a black spaghetti strap dress.

Na pinaresan ko lang ng white strappy sandals.

Hindi na ako masyadong nag-make up.

Si Yannella naman ang nag-ayos ng buhok ko.

Ilang minuto pa ang makalipas ay may nag-doorbell.

"Wait lang, titingnan ko kung sino."

Sagot ni Vivi.

"Ay si kuyang fiancee!"

Rinig kong sigaw ni Vivianne kaya napairap ako saka tumayo.

Tinungo ko naman ang pintuan.

"Are you done? It's almost 6."

Sabi niya kaya tumango ako.

"Yeah."

Sagot ko making saka kinuha ang purse ko.

Napairap naman ako nang makitang ngising aso sina Vivi.

Nagpaalam nalang ako sa kanila saka sumunod kay Brix.

How I hate this!

Nang Dahil Sa Halik (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon