NDSH 7

3.9K 133 0
                                    

Chapter 7

Pagkarating ko naman sa Lovely Cafe ay agad ko namang hinanap si Kuya Hans.

Hinigit ko naman ang hininga ko nang magtama ang paningin naming dalawa.

Nginitian ko naman siya saka siya nilapitan.

"Kuya Hans."

Bungad ko sa kanya.

"Nikolla."

Seryosong sambit niya kaya napalunok ako.

"Maupo ka."

Sabi niya kaya umupo ako.

"Kailan mo balak sabihin kina Tita na nandito ka lang? Alam mo ba kung gaano sila nag-alala sayo?"

May diing sabi niya.

Napapikit naman ako.

"They've pushed me to do this Kuya Hans. Mali man ang ginawa ko but I'm just trying to  protect my freedom."

Sagot ko sa kanya.

"Freedom? Really Nikolla?"

Napahinga naman ako ng malalim saka napangisi.

"What are you trying to point out Kuya? And don't give me that kind of face dahil Ikaw mismo naka-experience na ng mga na-experience ko. Pinilit ka nilang magpakasal kay Rhina, then oo, pinakasalan mo nga siya. Pero nag-work ba kayo hindi 'diba?"

Sabi ko kaya napalukot ang pagmumukha niya.

Nakita ko naman siyang napabuntong-hininga.

"I know Nikolla pero sana naman at least nag-try kang kausapin sina Tita."

Sabi niya kaya napatawa ako.

"Sa tingin mo ba hindi ko ginawa iyan? And deny it or not, later or sooner sa oras na makita nila ako, ora mismo ikakasal na ako."

Sambit ko.

"Nag-alala?"

Natatawang sabi ko.

"Sigurado ka bang alam nila i---Nikolla!"

Napairap naman ako.

"Kahit anong sabihin mo, hindi ako babalik. At kung ito lang naman pala ang pag-uusapan natin, aalis nalang ako. We're just wasting our time here. Wala akong pake  kung sabihin mo sa kanila, suit yourself."

Sabi ko saka tumayo.

"Mauna na ako."

Paalam ko sa kanya saka lumabas ng coffee  shop.

Napairap naman ako.

Talagang nag-effort pa akong magpunta rito then hindi niya man lang ako pinakain?

Wala ring kwentang pinsan eh.

Ginutom lang ako.

Dumaan naman ako sa isang karendirya at dun nalang kumain.

Iyon kasi ang pinakalapit na kainan, saka nakaka-save pa ako kung sa mga restaurant pa ako kakain.

Sumakay naman ako ng taxi papunta sa opisina.

Pagkarating ko dun ay nagulat naman ako nang parang nagkakagulo ang lahat.

"Anong meron?"

Tanong ko sa isang empleyado.

"Nandiyan iyong Mama ni Mr. Guevarra."

Napanganga naman ako.

"Talaga?"

Tumango naman siya.

"Hindi ba't ikaw ang secretary ni Mr. Guevarra?"

Tumango naman ako.

"Bumalik ka na sa taas, malapit nang matapos ang lunch break."

Nakangiwing tumango naman ako.

"Sige, mauna na ako."

Sabi ko saka sumakay ng elevator.

Nasa floor na ako ng opisina ni Mr. Guevarra ay nagulat making ako nang may humigit sa akin.

Si Mr. Gueverra!

Sumenyas naman siyang manahimik ako.

Papasok na sana ulit kami sa elevator nang may tumawag sa kanya.

"Brix? Where are you going? Akala ko ba magba-banyo ka? And who's that b*tch?"

Naramdaman ko namang nanigas si Mr. Guevarra.

I even heard him cursed.

"Ma, ihahatid ko lang siya, namali siya ng floor."

Sabi niya, lilingon na sana ako nang umiling ito.

'H'wag'

He mouthed.

"Really? Saang floor ka ba dapat hija?"

Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Mr. Guevarra nang hawakan niya ang balikat ko at ipaharap sa kanya.

Pagharap ko ay napakurap-kurap naman ang Mama ni Sir.

"Nikolla? Nikolla Akireah Marchessa?"

Gulat na gulat na sabi nito.

[A/n: Mga 20 chapters lang siguro 'to, hindi ko na masyadong pahahabain pa. 😂]

Nang Dahil Sa Halik (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon