Chapter 21
Naalimpungatan naman ako nang maramdaman kong may pumasok sa kwarto.
Kinusot ko naman ang mata ko saka dahan-dahang bumangon.
"Brix?"
Tawag ko rito.
"Ba't ngayon ka lang?"
Tanong ko rito.
"May inasikaso ako sa opisina, nagkaaberya kasi iyong shipments na ipapadala sana sa Singapore."
Tumango naman ako.
It's been two weeks magmula nang makauwi kami sa 'bakasyon' kuno namin.
"Kumain ka na?"
Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
"Oo, matulog ka na ulit. Magbibihis lang ako."
Tumango nalang ako sa sinabi niya saka bumalik sa pagkakahiga sa kama.
Ilang minuto pa ay naramdaman ko namang humiga siya sa tabi ko at niyakap ako.
Napailing pa ako nang malamyos niyang hinalikan ang labi ko.
"Tigilan mo ko Brix, matulog ka na."
Sabi ko kaya napatawa naman siya.
And for the record, wala pa namang nangyayari sa amin.
And for me it's a good thing, Brix's just too good for not taking advantage.
We cuddle and all pero hanggang dun na lang iyon.
Kontento na rin kasi kami dun.
Napahikab naman ako kaya napatawa siya ng bahagya.
"Why do you look so cute while yawning?"
Rinig kong tanong niya.
"Ewan, tanong mo sa sarili mo."
Sagot ko kaya napatawa ulit siya.
Yinakap ko nalang siya pabalik at napagpasyahang matulog na ulit.
"Matulog ka na, may pasok ka pa bukas hindi ba?"
Tanong ko at tumango naman siya.
"Hmm, good night."
Sagot niya saka hinalikan ako sa noo.
Ganyan naman talaga ang ginagawa niya bago siya matulog.
"Good night."
Sambit ko saka hinayaan ang sariling lamunin ng antok.
It feels so good be in his arms though.
The best place I could ever be.
- - - - - - - -
Kinabukasan ay maaga naman siyang nagising, as usual ay siya ang nagluluto ng almusal namin.
Hindi na rin ako nakabalik sa pagiging secretary niya dahil sa may nahanap nang kapalit.
"Magmo-mall kami nina Yannella, magtitingin-tingin rin kami ng baby stuffs. Sana lalaki ang anak ni Vivi, then magmana kay Gab para mairita ang bruha."
Sabi ko kaya napatawa since Brix.
"You're really something."
Sagot niya kaya napatawa ako.
"Well, 3 months pa naman siyang buntis we never know kung anong mangyayari since sinusuyo nga siya ni Gab. Gag* rin kasi ang isang iyon."
Sambit ko kaya napailing siya.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Halik (Completed)
RomanceIt's my first time writing a story in the genre of romance so read at your own risk! Happy reading everyone!