Kung ano-ano naman ang pinagagawa ko sa unit ni Brix para hindi ma-bored.
Nang malapit nang mag-six ay napagpasyahan kong magluto.
Chicken afritada.
Mabuti nalang kompleto ang ingredients.
Pakanta-kanta pa ako habang nagluluto.
Nang biglang may nag-doorbell.
Si Brix na ba iyon?
Pero ba't pa siya magdo-doorbell?
Baliw-baliwan lang ang peg?
Tinungo ko naman ang front door at napataas ang kilay ko nang makita ko sina Yannella at Vivi.
"Ba't kayo nandito?"
Tanong ko.
"Binibisita ka."
Sagot nila saka walang pasabing pumasok.
Feeling at home ang mga bruha.
"Anong ginagawa mo?"
Tanong ni Vivi.
"Nagluluto."
Sagot ko.
"Sana all pinagluluto."
Napailing naman ako.
"Ano iyang dala niyo?"
Tanong ko.
"Inuman tayo."
Napangiwi naman ako sa sinabi ni Yannella.
"Depressed ka?"
Tanong ko sa kanya at nakita ko namang napaismid ito.
"Nakipag-break na ako dun sa pakakasalan ko sana. Aba ang gag*, ginawa lang pala akong panakip butas. Parehas pala kami ng hanap!"
Napaawang naman ang mga labi ko sa narinig.
"What do you mean?"
Gulat kong tanong.
"Bakla siya!"
Sagot niya.
"What the heck!"
Sabi ko at nakita ko namang napangiwi si Vivi.
"Sinabunutan mo sana. Paano mo nalamang bakla?"
Tanong ko.
"Nakita kong nakikipag-make out sa secretary niya. Isipin niyo nga, yakk. Nakakadiri, isipin niyo paano nalang kung nakikipag-churvalo pala siya dun sa secretary niya then pupunta siya sa akin. Nakakadiring isipin."
Napangiwi naman ako.
"Baka bisexual siya Yan."
Sabi ko pero umiling siya.
"I asked him pero lalaki raw talaga ang hanap niya. Front niya lang iyong girlfriends niya and flings para hindi siya paghinalaan ng parents niya."
Sagot niya.
"Mabuti nalang nalaman ko before kami ikasal."
Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Oo buti na nga lang pero malay mo diba may chance pa palang mabago siya."
Umiling naman si Yannella.
"Yuck, tigilan mo nga ako Nikolla palibhasa may Brix ka na. Tapos ka ng magluto? Pakainin mo naman kami."
Sabi niya kaya napatawa ako.
Kumain naman kami bago nagsimulang mag-inuman.
Sunod-sunod na talaga ang pag-inom ko ng alcohol.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Halik (Completed)
Storie d'amoreIt's my first time writing a story in the genre of romance so read at your own risk! Happy reading everyone!