Entry #14

304K 6.9K 567
                                    

Dear Future Boyfriend,

Today, nakatapos na naman akong magbasa ng isang libro. Mahilig akong magbasa ng books na may mga nakaka-inlove na male leads. Humahanga talaga ako sa mga ganoong characters. Yung tipong kahit na ano’ng mangyari iisang babae lang ang mamahalin nila at hindi nagpapadala sa tukso. Ang tindi nila magpa-inlove sa mga readers. Ang galing ng mga authors na ‘yon. Pero kumusta kaya ang mga lovelife ng mga writers na ‘yon? Nakahanap kaya sila nang lalaking ganon din kung magmahal?

Kanina sa corridor nakita ko ang classmate kong si Janin na umiiyak. Nahuli nya ang boyfriend nyang may ibang babae. Nag-break sila. Nalulungkot ang para sa kanya. :(

Napaisip tuloy ako. Tayo kaya? Gaano kaya tayo katagal? Alam kong hindi naman ako ganon kaganda. Marami akong pagkukulang dahil di rin naman ako marunong magluto at hindi rin naman ako ganoon katalino. Mamahalin mo kaya ako nang sukdulan to the point na kahit maraming umaligid sa’yo ay ako parin? Na hindi ka magsasawa na mahalin ako? Sana oo. Kasi kapag nagboyfriend ako gusto ko ikaw na yung forever ko. Ikaw ang first at last kiss ko. Ikaw lang. At sana ako rin sa’yo.

I’m sorry kung nagdrama ako. Nalulungkot kasi ako para kay Janin. At natatakot ako para sa atin. Hindi ko naman hinahangad na maging perpekto ka o ang relasyon natin pero sana maging matibay tayong dalawa. Ayoko ng break up. Gusto ko ng forever kasama ka. Ganon kasi ako kung magmahal. Forever. Walang atrasan kasi alam ko na kapag naging tayo, yung puso ko sayong-sayo.

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon