Kayleen
Noong grade six palang ako, nagsimula akong magbasa ng mga YA novels. Nag-start yon isang araw nang tulungan ko si Lola sa book shop nya. May kung ano sa mga novels na yon na nakapagpamangha sa akin. May ilan sa kanila na napaka-colorful ng covers. Kakulay sila ng mga favorite kong ice cream flavors.
Naaalala ko pa kung paano ako nainlove sa unang librong nabasa ko dahil pakiramdam ko ako ang bida. Pinakaingatan ko ang librong yon. Hindi ko yon inilalayo sa akin, sa kahit saang lugar pa ako pumunta ay palagi kong dala ang librong yon. Hanggang sa isang araw, nang pumunta kami sa Burnham Park, iniwan ko sya sa bench para bumili ng ice cream at pagbalik ko, wala na yung libro ko. Sobrang lungkot ko nang araw na yon. Ang naging solusyon ni Lola ay bigyan ulit ako ng isa pang libro na kahawig sa story na binasa ko. Naging palabasa na ako simula non.
Karamihan sa mga characters sa libro ay nagkakaron ng lovelife sa edad na fifteen or sixteen. Pero karamihan sa kanila nagiging legal lang kapag eighteen na. Siguro dahil nagiging adult na sila. Noong eleven years old palang ako, excited akong maging teenager kasi iniisip ko na sa ganong edad magiging exciting na ang buhay ko. Nang tumungtong ako sa highschool, naging excited ako na ma-experience ang buhay ng mga babaeng characters sa books at anime. Ang exciting kasi ng highschool life nila kaya gusto ko rin maranasan yon, pero dumaan ang isang buong taon sa highschool nang walang nangyayari.
Naging exciting lang ang buhay highschool nang mag-third year na kami ni Ashleen. Pareho kaming nagkaron ng crush sa isang lalaki, si Kenneth ng basketball team. Maraming nagkaka-crush sa kanya noon. Chinito sya, maputi at magaling sa basketball.
Valentines day. Binalak namin syang bigyan ni Ashleen ng chocolates dahil nabasa namin yon sa mga shojo manga. Pumunta kami sa gym ng school namin kung saan nagpapractice ng basketball si Kenneth at ang team nya. Nakahanda na kaming bigyan sya ng chocolate pero nagulat nalang kami nang humalik sa semento ang mukha ni Kenneth. May bumato ng bola sa ulo nya. Ako lang yata ang nakahanap ng salarin dahil nakita kong mabilis na tumakbo palayo si Ashton, ang nakababatang kapatid ng bestfriend ko.
Hindi lang si Kenneth ang naging biktima ni Ashton. Nang maging senior kami ni Ashleen sa highschool, nagkaron ako ng manliligaw. Hindi ko naman masasabi na manliligaw talaga sya kasi hindi ko naman sya pinayagan. Ayoko sa kanya. Sya kasi yung tipo ng lalaki na masyadong maingay sa klase at laging nanghihingi ng papel pero maraming pera pagdating sa computer games. Sya si Xander.
Isang araw sa corridor habang sumusunod sya sa amin ni Ashleen na parang bubuyog. Pinahalik sya ni Ashton sa semento. Narinig ko pa ang tawanan ng mga nakakita, isa na ron si Ashton na mabilis lumakad palayo nang makita akong nakatingin sa kanya.
Yon siguro ang araw na tumatak sa isip ko na bully si Ashton. Isa talaga syang nakakatakot na bully. Kaya naman nilayuan ko sya dahil natatakot ako na mabully nya.
Senior prom. Hindi rin pinalagpas ni Ashton ang araw na yon. Akala ko matiwasay na akong gagraduate ng highschool nang hindi sya nakikitang may pinagtitripan na naman. Sophomore palang sya noon at hindi sya invited sa junior & senior prom. Pero napigilan ba non si Ashton? Hindi.
Ang huling na-bully nya ay si Thomas. Naging crush ko rin si Thomas kasi magaling sya sa chess. Nakakamangha kasi na hindi sya matalo sa larong yon. Sya rin ang nanalo sa Science fair namin dati nang mapa-ikot nya ang maliit na model ng ferris wheel gamit ang solar energy. Naging crush ko lang naman sya kasi naaalala ko sa kanya si Shinichi Kudo. Pareho kasi silang matalino. Pero napigilan ba non ang inembentong lumilipad na spaghetti ni Ashton? Hindi. Kaya maagang umuwi si Thomas sa kanila.
BINABASA MO ANG
Dear Future Boyfriend
RomancePublished by VIVA PSICOM <3 Now available in bookstores! *Kayleen's Story* Next book: Dear Ex-Boyfriend [Completed]