Entry #15

280K 6.4K 234
                                    

Dear Future Boyfriend,

Bakit kaya may mga tao na sobra kung mag-mahal? Yung tipo na parang katapusan na ng mundo kapag iniwan sya? Ganon din kaya ako kung maging tayo?

Nakita ko si Janin kahapon sa mall. Nakaakbay sa kanya yung boyfriend nya. Kahit na niloko sya at ipinagpalit sa iba nagawa parin nya ulit balikan yung lalaki. Tama ba ang ginawa nya? May mga nababasa ako na ‘kung mahal mo ang isang tao ay dapat matutunan mo syang patawarin sa pagkakamali nya at tanggapin ulit’. Pero paano naman ang sarili mo? Hindi ba at dapat lang na unahin mo munang mahalin ang sarili mo bago ang iba? Kasi paano ka mamahalin at irerespeto ng ibang tao kung ikaw mismo ay wala non para sa sarili mo?

Hindi ko sinasabi na hindi mahal ni Janin ang sarili nya. Siguro sobrang mahal lang talaga nya yung naging boyfriend nya. Hindi ko man alam ang buong kwento pero hindi ko parin kasi nagustuhan ang nakita ko. Mabait si Janine. Tahimik lang sya sa klase at nakikita ko lang syang ngumingiti kapag nandyan ang boyfriend  nya.

Future Boyfriend, wala pa man tayo eh nag-iisip na ako ng kung anu-ano. Siguro ganito lang talaga kaming mga babae o kaya naman ako lang talaga ganito mag-isip. Advance. Natakot lang kasi ako bigla. Hindi mo naman ako lolokohin diba? Hindi mo ako ipagpapalit sa iba? Hindi mo ako sasaktan diba? Kasi mahal mo ako. Sobrang mahal mo ako. Diba?

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon