Kayleen

255K 6.9K 1.8K
                                    

Kayleen

Today is Sunday! Buong pamilya kaming nag-simba nang maaga. Nakikinig ako sa sinasabi ni Father nang bigla akong kulbitin ni Kuya Dylan. Nang tingnan ko sya ay tumuro sya sa kaliwa nyang direksyon. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita si Ashleen na nakangiti at pasimpleng kumaway. Pasimple ko rin syang kinawayan. Kasama nya ang parents nya at si Ashton.

Kumalabog ang puso ko nang makita ko si Ashton. Hindi naman sa binibilang ko pero sampung araw ko na syang hindi nakikita. Nakita kong kinulbit sya ni Ashleen sa braso, kunot noo nyang tinignan ang kapatid nya. Tinuro ako ni Ashleen at tumingin sa akin si Ashton. Kinabahan ako. Nagtama ang mga tingin namin pero kaagad nya yong binawi. Uminit ang pisngi ko at ang lakas ng tibok ng puso ko. Huminga ako nang malalim para kumalma.

Napadiretso ako ng tingin nang patayuin kami ng pari. Hindi mawala sa pakiramdam ko na para akong ni-reject. Bakit parang galit sya at ni ayaw nya akong makita? Nang dalhin nya yung kahon sa bahay ay ni minsan di na sya ulit pumunta don para makita ako. Tapos ngayon parang galit pa sya.

“Kayleen,” bulong sa akin ni Kuya.

Natauhan ako dahil nakaluhod na pala silang lahat at ako nalang ang nakatayo. Umiling ako. Hwag ko nga munang isipin si Ashton. Nawawala ako sa sarili ko kapag iniisip ko sya.

Nang matapos ang misa ay nagkita-kita ang mga pamilya namin ni Ashleen sa parking lot. Magkatabi lang pala ang mga sasakyan namin. Nauna lang siguro sila nang kaunti kaya di kami nagkita.

“Antonia, Robert,” bati ng Mama ni Ashleen. “Ang tagal na nating di nagkikita. Kumusta?”

Nagbeso sina Mama at Tita. Naramdaman ko si Ashleen na kumapit sa braso ko. Si Ashton naman ay di parin ako tinitignan. Medyo naiilang na ako kasi hindi ako komportable sa pagiging isnabero nya.

“Ayos lang Mare, medyo naging busy lang kami. Kumusta na rin kayo?”

“Mabuti naman kami,” nakangiting sagot ni Tita Edith.

“May gagawin ba kayo ngayong araw? Bakit di tayo sabay-sabay na kumain ng lunch sa bahay namin?” paanyaya ni Tito Gab.

“Good idea Pare. May itatanong sana ako sa’yo. Might as well  do it over lunch.”

Huminga ako nang malalim habang nakikinig sa kanila. Tinignan ko ulit si Ashton na tahimik na nakasandal sa kotse nila, nakatingin sa kabilang direksyon habang may nakapasak na earphones sa tenga. May nagawa ba ako sa kanya na masama? Wala naman akong maalala. Natapos na mag-usap ang mga parents namin. Napagkasunduan na susunod nalang kami sa kanila gamit ang kotse namin. Nakapasok na ako ng sasakyan nang muli kong lingunin si Ashton, hindi man lang sya tumingin sa akin bago sya pumasok sa kotse nila.

“Malapit na ang debut ni Kayleen. Next week na yon, hindi ba? May escort na ba sya?”

“Meron na Mare,” natutuwang sagot ni Mama.

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon